Chapter 4 - Perfect Timing

1.5K 50 4
                                    

Tila naguguluhan si Richard sa daloy ng pangyayari habang siya ay nakahiga sa kanyang kama. Mula sa pag-text sa kanya kanina ni Daniel upang mag-drive hanggang sa biglang pagsabi nito na siya ay boyfriend niya sa isang babaeng ka-date na ito.

Hindi nalinawan si Richard kung bakit ginawa ng kanyang boss ito, at ngayon, nagnanais lang siya ng explanation sa lahat ng mga bagay-bagay.

**

@ The Restaurant

Hindi makapaniwala si Diana sa mga nangyari.

"Diana, ihahatid ka na namin" sabi ni Daniel.

"No. I'll take a cab nalang." sabi Diana at bigla nalang itong umalis sa restaurant.

Nang naiwan nalang ang dalawa sa table, binreak ni Daniel ang silence.

"I'm sorry for what happened. This is just a one time thing, and it will never happen again."

"O-okay lang po s-sir." reply naman ni Richard sa kanyang boss.

"Okay let's go, ihahatid na kita." sabi ni Daniel.

Inihatid ni Daniel si Richard sa kanyang apartment at ito ay umalis na rin kaagad. Naninibago si Richard sa side na ito ni Daniel, kung saan ito ay kalmado at tahimik.

Nang makapasok na siya sa loob ng bahay, hindi niya alam kung ano gagawin niya dahil niya niya alam kung bakit hindi siya mapakale.

Pero hindi tumagal ay nakatulog na rin si Richard sa kanyang kama.

**

Pumasok na si Richard sa office, at at expected, maaga na si Daniel at gumagawa na ng kanyang kailangan gawin.

Nang mapansin ng kanyang boss na siya at nasa office na, ito ay pinatawag.

"Yes sir? May kailangan po ba kayo?" tanong ni Richard.

"I was set up for a blind date, and I didn't like the girl. Anak siya ng partner ng tatay ko, and I wanted to let her down without being rude, and I guess at that situation, yun lang ang naisip ko na solution." sabi ng kanyang boss.

At doon nabigyan linaw ang mga katanungan ni Richard kagabi, at dahil doon siya tumango nalang at nagbalik sa trabaho.

Balik normal ang relationship niya at ng kanyang boss. Ito pa rin palautos, at siya naging palasunod.

**

Nagtatrabaho na si Richard at kinalimutan ang mga pangyayari sa restaurant.

Habang ginagawa niya ang kanyang mga kailangan tapusin, bigla nalang may pumasok sa office at ito ay ang kanyang ama.

"So how's the date?" tanong ng kanyang tatay.

"It was fine, pero I think she's not the one." sabi naman ni Daniel habang nakaharap ng kanyang monitor screen.

"She's not the one kasi you found your the one?" sabi naman ng kanyang tatay na pabiro.

"Napatingin si Daniel sa kanyang tatay. "What do you mean?" tanong nito sa kanyang ama.

"I've heard from Diana after the date, she was apparently devastated that you are with someone," sabi ng kanyang ama. "Bakit hindi mo sa akin sinasabi na in a relationship ka na pala?" tanong ng kanyang ama.

Hindi makapagsalita si Daniel at namutla. Bakit hindi niya naisip na siguradong makakarating sa kanyang ama ang mga pinaggagawa niya.

"Dad...uhm..." sinusubukang niyang tumugon sa kanyang ama.

"Enough. Anak I don't care if you like boys or girls, as long as you're hapy, I am here for you." sabi ng kanyang ama at biglang ngumiti.

"Dad, I need to tell you the truth..." gustong sabihin ni Daniel na wala lang talaga ang nangyari kahapon at hindi iyon totoo.

My Boss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon