Chapter 7 - A Night to Remember

1.7K 41 21
                                    

Nasa car na sila Daniel at Richard papuntang Villa Garcia, sa event ng kanyang ama. Habang sila ay nasa loob, maraming bagay ang tumatakbo sa isip ng dalawa.

"When you meet my father, be polite. Malaking factor dun ang magalang. And please, be at my side at all time." sabi ni Daniel sa kanyang pretend boyfriend na si Richard.

"Opo boss." tugon naman ni Richard.

"Good." sabi naman ni Daniel. Sa totoo lang, wala na rin naman siyang masabi kasi siya mismo ay kinakain na rin ng kaba.

**
Dumating na din sila sa Villa Garcia. Nagulat nalang si Richard at ang laki nito. Tila pinagmamasdan niya ito habang nakabuka ang kanyang bibig.

"My mom used to say to my dad na kapag yumaman sila, tutuparin nila yung dream nila to have a castle. I guess, ito yung nagawa nila. This place is built on the dreams of my parents." sabi ni Daniel habang nakangiti nang malungkot sa mansyon.

"It's beautiful." sabi nalang ni Richard. To be honest, hindi alam ni Richard ang gagawin sa boss nito, sa pagtagal ng kanilang pagsasama, iba't-ibang side na ng boss niya ang kanyang nakikita.

"Anyway, let's go in!" sabi ni Daniel at biglang kinuha nito ang kamay ni Richard at hinawakan. Nagulat si Richard sa ginawa ni Daniel, at pilit nitong tinatago ang namumulang pisngi.

**
Nagulat si Richard. Alam niyang malaki ang function room nang mansyon ng kanyang boss, pero hindi niya aakalain na ganito ito kalaki sa loob.

"ANAK! ANAK!" Nagulat si Richard ng marinig niya ang pamilyar na boses.

"Ma?" sabi ni Richard.

"The one and only!" sabi ng kanyang ina na si Renee.

"Oh my god, ang gwapo niyong tingnan dalawa!" sabi ni Renee sa kanila ni Daniel. Tila namula si Richard sa remark ng kanyang ina.

"Daniel, it's so nice to meet you again!" sabi naman ni Renee kay Daniel.

"It's also nice seeing you again Mrs. Cruz." binigyan naman ni Daniel ng polite na smile ang ina ni Richard.

"As I've said, Mrs. Cruz is too formal. Don't even call me tita, just call me mama" sabi naman ni Renee.

"Okay po...mama" hiyang tugon naman ni Daniel sa ina ng kanyang assistant.

"Ma, ano ba ginagawa mo dito?" pagsingit at pagtatakang tanong ni Richard sa kanyang nanay.

"Ano ka ba? This is the party of the parties, and kailangan ko pa ring panatiliin na buhay ang social life ko!" sabi naman ni Renee sa kanyang anak.

Napakunot noo naman si Richard. "Talaga lang ha?" sabi naman nito.

"Huwag mo kong inaano ah, wala ang tatay mo, kaya kitang jombagin! Pero I need to mingle pa with my girls! Toodles!" sabi naman ng kanyang ina. At ito ay umalis na rin.

"Well that was something." sabi ni Daniel na parang na-amaze.

"Pagpesyensahan mo na boss nanay ko, ganun talaga yun." sabi ni Richard nang nahihiya at kinakamot ang ulo.

"It's okay. Strangely, I like your mom." sabi ni Daniel at ngumit kay Richard.

Na-caught off guard naman si Richard sa ngiti ng kanyang boss. Ang gwapo lang talaga tingnan ng kanyang boss at ito ay parang mababaliw.

"Richard, okay ka lang?" tanong ng kanyang boss habang natameme si Richard. Nag-iisnap na nga ito ng daliri sa harapan ng assistant. Nang magkamalay ulit si Richard, "Ano po yon boss?" sabi ni Richard.

"I said okay ka lang?" ulit naman na sabi ni Daniel.

"Ay, oo boss" sabi naman ni Richard at ito pa ay nag-thumbs up.

"Good, let's go to my father and meet him." sabi naman ng kanyang boss.

"O-kay...po" kabadong tugon ni Richard.
**
Nang makapunta sila sa kinaroroonan ng tatay ni Daniel. Nakita nila ito na may mga kausap na ibang tao, siguro ito ay mga business partners din ng kanyang ama, sabi ni Daniel sa kanyang isip.

"Pa..." pagtawag ni Daniel sa kanyang ama.

Napansin agad ni Luis ang kanyang anak. "Anak! I'm glad that you could come." At agad nitong yinakap ang kanyang anak.

"And may gusto ka bang ipakilala sa akin?"

"Ay! Si Richard po pala, boyfriend ko." nahihiyang sabi ni Daniel sa ama nito.

"It's very nice to meet you sir!" sabi naman ni Richard. Nanginginig ang mga tuhod ng lalaki dahil sa nerbyos.

"It's nice to see you too Richard. I don't know, but I like you already. I am not going to give you a hard time anymore, you guys already have my blessing." sabi naman ni Luis Ramos.

Tila nabunutan ng tinik si Richard nung sinabi ng ama ni Daniel ang mga salita na iyon. Tumingin siya kay Daniel at nakita niya itong nakatingin sa kanya. Para siyang matutunaw sa tingin ng kanyang boss.

"Are you okay?" tanong ni Daniel.

"I'm fine naman po sir, relieved lang ako na okay na tayo sa father niyo." sagot naman ni Richard.

***

Masaya naman ang party. Kung siguro dati, si Richard ay magiging wild na sa dance floor at kung ano-anong uri ng alak ang kanyang nainom, pero ngayon ay isang formal event, at kailangan niyang may exhibit ng proper breeding dahil nakasalalay din kanyang kamay ang kapalaran ng kanyang boss.

"Son! My dear, and his boyfie Daniel!" Hyper na sabi ng nanay ni Richard na si Renee nung pumunta siya table ng kanyang anak at boss.

Halatang medyo nakainom na ang kanyang ina at ito ay tipsy pero hindi naman tuluyang lasing. Alam ni Richard na makulit ang kanyang ina kapag ito ay naka-inom, kaya kailangan niya na ito ay mailayo kaagad sa kanyang boss bago ito ay mapahiya.

"Let me get you guys a drink!" sabi ni Renee. "Waiter, akin na yung dalawang basong yan," sabi niya sa waiter na dumaan na may dalang mga baso na may lamang alak.

"No need na po Mrs. Cruz." polite na sabi ni Daniel kay Richard.

"I insist, wag ka masyadong uptight, loosen up a bit." tugon naman ng nanay ni Richard.

Napilitan nalang talaga ang dalawa at pinilit inumin anuman ang nasa baso na binigay sa kanila ng ina.

Pagkatapos nila inumin iyon, hindi nagtagal ay nakaramdam sila ng pagkahilo.

Napansin kaagad naman ito ng ina ni Richard.

"Waiter, ano ang nangyayari?" pagtatakang tanong ni Renee sa waiter na nagdadala ng drinks.

"Specialty cocktail po kasi namin yan, Black Death po ang tawag diyan, kapag mahinal po alcohol tolerance niyo, hindi niyo kakayanin yan." tugon ng waiter.

"Well this is crazy!" biglang sabi ni Renee.

Nakita nalang ng ina ni Richard na kung paano kalasing ang dalawang tao sa harapan niya.

Bagama't naaawa siya sa anak niya, dahil alam niya na hindi kinaya ng katawan nito ang alcohol na binigay, bigla itong may naisip na plano na alam niya na lubos na hindi ikakatuwa ng anak niya.

Nakita nalang ni Renee na hinimatay ang dalawa.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon