Chapter 6 - Preparations

1.9K 66 11
                                    

Limang oras. Limang oras na naghahanap ang dalawa ng kanilang masusuot pero walang damit ang napagsusunduan nila. Laging nag-caclash ang kanilang taste and preferences. Si Richard kasi ay may magandang taste sa damit kaso ito ay medyo ragged formal, hindi tulad ng taste ni Daniel na formal talaga.

"Mukha kang pupunta sa night club diyan sa suot mo" sabi ni Daniel habang tinitingnan ang kakasukat na damit na suot ni Richard.

"Ito kasi ang uso sa panahon ngayon, ikaw po kasi boss, stuck ka sa 20th century kaya hindi ka oriented kung sa ano ang trending" inis na tugon ni Richard sa kanyang boss.

"Ano sabi mo?!" sabi ni Daniel. "May I remind you na ako pa rin ang boss mo ah!" medyo na pasigaw na sabi ng boss ni Richard.

"Joke lang boss." sabi ng natauhan na si Richard.

"It's okay. Pero kailangan na natin makahanap ng susuotin, at hanggang ngayon wala pa tayong nahahanap." sabi ni Daniel.

"Why don't you try that one?" turo ni Daniel kay Richard. Ito ay simpleng tux lang na white ang long sleeves at black ang slacks, tapos may itim din na bowtie.

To be honest, nagustuhan ni Richard ang sinusuggest sa kanyang outfit ng kanyang boss.

"Miss pwedeng pakihatid ng tux na iyon sa dressing room, magpapalit lang ako, and I want to try that one." sabi ni Richard sa sales lady.

Habang nasa loob si Richard ng dressing room, kumatok ang sales lady sa kanya upang iabot ang outfit na gusto ni Daniel para suotin ito.

Nang matapos masuot ni Richard ang kanyang tux, nakita siya ng sales lady, at hindi maipagkakaila ng ito ay natuwa sa itsura niya.

"Naku po sir! Bagay sa inyo! Terno pa po kayo nung kasama niyo?" natutuwang sabi ng sales lady.

"Terno ko kasama ko?" nagtataka na tanong ni Richard sa sales lady.

"Ay opo, nasabi ko po kasi sa kasama niyo na bagong addition sa line po yang suot niyo, part po siya ng Love Wins collection at para po sa all kinds of love yung line po na yan, at iisa po yan, so hiningi niya yung kapartner niyan na suit." tugon sa kanya ng sales lady.

Lumabas siya at nakita niya si Daniel na suot din ang halos katulad na suit na suot niya. Tumabi siya dito, at hindi niya maipagkakaila na ang cute nilang tingnan.

"If we're going to be in a relationship sa mata ng dad ko, we need to go all out on these, bagay naman diba?" sabi ni Daniel habang nakatingin sa salamin at inaayos ang sarili.

"Oo, bagay. Pati tayo bagay." bulong ni Richard habang nakatingin sa kanyang boss. Talagang nabighani ito sa itsura ng kanyang boss.

"Ano? Hindi ko narinig, ang hina naman ng boses mo." sabi ni Daniel
habang patuloy na inaayos ang sarili.

Nagising agad si Richard sa kanyang daydream ng marinig niya ang kanyang boss. Agad ito bumaling ng tingin sa kanyang boss.

"Ay boss! Bagay sa iyo! Bagay na bagay." nagthumbs up pa ito.

"Sige. Miss kukunin na namin ito." sabi ni Daniel sa sales lady.

"Okay po." sagot naman ng sales lady.
**
Hindi maipagkakaila ni Richard na napagod talaga siya sa kakahanap nila ng masusuot ni Daniel. Masakit na ang mga paa nito at medyo inaantok pa ito.

"Pagod ka na no?" sabi ni Daniel habang naglalakad sila sa mall.

"Naku boss! Hindi naman po." sagot ni Richard na animo nahihiya.

"Don't lie to me Richard. Kasalanan ko rin naman kung bakit ka nasa gulong ito eh." sabi ni Daniel.

Akmang sasagot si Richard nang biglang may nakita silang humagulhol na bata sa mall. Ito ay nakaupo lang sa isang sulok.

Tiningnan ni Richard si Daniel at agad pumunta si Daniel sa batang umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Daniel na malumanay sa bata.

"S-si Mo-mmy k-ka-kasi, na-wa-wawala." hagulhol na sagot ng batang lalaking umiiyak.

"Wag ka mag-alala tutulungan ka ni kuya, tahan na." sabi ni Daniel sabay yakap sa bata.

Habang pinapanood ni Richard ang eksenang iyon, hindi niya maiwasan na ang puso niya mismo ay magmelt. Hindi niya aakalain na may ganoong side pa ang kanyang boss.
**
Pumunta sila sa information desk ng mall at pinapage ang magulang ni bata na napagkaalaman nilang pangalan ay Hiro.

Hindi nagtagal ay dumating ang nanay ng bata na mukhang nag-alala talaga ng sobra sa kanyang nawawalang anak.

"Ay jusko kang bata ka. Huwag ka na hihiwalay kay mommy ah." sabi ng nanay sa kanyang nanay habang ito ay yumayakap sa kanyang anak.

"O-opo." sabi ng anak.

Tumingin ang nanay kanila Richard at Daniel.

"Maraming salamat sa inyong dalawa ah. I don't know what will I do if I lose my son." sabi ng nanay.

"It's no big deal, I just wish you the best for your son and stay healthy for him." sagot ni Daniel.
**
"Well that was something, c'mon let's eat." sabi ni Daniel kay Richard.

Kumain nalang sila sa isang fast food chain kasi konting oras nalang ang kanilang preparation for the event mamayang gabi.

Nag-order sila ng burger at fries, at sila ay kumain na.

Habang tahimik na kumakain si Richard ay biglang nagsalita si Daniel.

"You know, naalala ko tuloy yung nanay ko nung nakita ko yung bata." sabi ni Daniel habang hinahalo ang kanyang drinks gamit ang straw.

"Nasan ba mama mo boss?" tanong ni Richard.

"Patay na siya. She lost her battle against cancer." sabi ni Daniel habang nakangiti ng malungkot.

"I'm sorry." sabi ni Richard.

"It's okay, hindi mo naman alam yun eh." sabi naman ni Daniel.

Tiningnan ni Richard si Daniel. Iniisip niya kung sino ba talaga si Daniel. Ano ang tumatakbo sa isip nito, at ang mga pasanin na dala-dala nito. Sino ka nga ba Daniel Garcia? Ito ang tanong ni Richard sa kanyang sarili.

Patuloy pa silang nagkekwentuhan habang sila ay kumakain nang biglang lumapit nalang si Daniel kay Richard na ikinagulat naman ni Richard. Nagulat ito nang biglang pinunasan ang side ng labi ni Richard.

"May ketchup ka kasi, kanina pa ako gustong ayusin, hindi kasi ako mapakali." sabi ni Daniel.

"This guy is going to be the end of me." sabi ni Richard sa kanyang sarili.
**
So the long wait is over. I apologize kung sobrang natagalan ako sa update, but I promise to update regularly this time! Thank you for the support guys!

My Boss (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon