-MM SERIES #1 The Innocent-
• Izalea's POV •
One week nalang at pasukan nanaman. Ang bilis matapos ng bakasyon di ko man lang masyadong na-enjoy! Sila mama kasi eh lagi may lakad, minsan naman over time sa trabaho. Lagi akong napag iiwanan sa bahay, bawal iwan baka pasukin daw ng magnanakaw. Buti pa yung bahay pinag aalahanan nila, eh ako? Waley! Kainis.
"Nakakainis!!!!!" Sigaw ko habang inuutog ang ulo sa libro. Buti ba yung libro laging nandyan at di ako iniiwan. Dinadamayan nila ako sa kabaliwan ko. Pero hep hep ! Di ako nerd. Sakto lang at medyo maayos ako magdamit, di ako nag susuot ng glasses na malaki yung maliliit lang pero walang grade. Ginagamit ko lang yun kapag nag S-study o nagbabasa ng novels.
May kapatid ako. Isang taon ang agwat namin. Klein Von Aligon. Kung itatanong nyo kung gwapo, syempre.. HINDI! Bakulaw sya! Kamukha nya si kingkoy!De joke Lang.. Syempre pogi. Walang ibang inatupag yun kundi Babae! Hindi sya sinusuway nila mama pero lagi syang pinapagsabihan ng 'karma aabutin mo kapag pinagpatuloy mo iyan'. Mas may pake pa sya sa mga babae nya kesa sakin. Nagseselos ako kasi di sya nag aalala sakin. Kapag nadadapa ako, tatawanan lang ako nun. Lagi nya akong pinagtitripan kahit saan. (=,=)
Napaupo ako sa kama ng mabilis pa sa alas kwatro ng biglang bumukas yung pinto.
"Hoy babaeng mukhang libro! Bat ka sumisigaw? Aga-aga nangbubulabog ka. Aalis ako, maglinis ka ng bahay wag ka umasa sa mga maid! Kapag nalaman kong di ka tumulong, isusumbong kita kina mama na lumalandi ka na!" Sulpot ni Bakulaw este Kuya.
"Di ako lumalandi Kuya! Ang bad mo talaga. Ikaw nga lang tong malandi eh!" Sabay pout. Pero nag roll eyes lang sya. Aba talo pa babae makaroll eyes eh.
"Nakita kita nung nakaraang araw, may kasama kang lalaki. Kinuhaan ko pa kayo ng litrato gusto mo makita?" He smirk. Ako may kasama? Saan naman ? Kelan ?
"Ah yun ba! Nagtatanong lang naman yun kung nasan yung address na hinahanap Nya. Ikaw talaga kuya oh. Bakit? Selos ka ba na ako yung pinagtanungan nya at hindi ikaw?" Nginitian ko sya ng malapad.
"Hoy babaeng mukhang libro, di ako bakla! Tigilan mo yan." Namumula na sya sa inis. Okay 1 point for me!
"Wala akong sinasabing ganun kuya. Guilty! HAHAHAHAHAH!"
"Ewan ko sayo aalis na ako." Sabay walk out si Kuya ng kwarto ko. Grabe bentang benta sakin reaction nya! Laughtrip. Hahaha!
***
Afternoon
"Mevel labas muna ako ah? Dyan lang ako sa may park. Tawagan nyo ako kung may problema." Habilin ko sa maid namin. Lumabas na ako ng bahay at nagsimula ng tahakin ang daan papuntang park.
By the way, magpapakilala muna ako! I am Izalea Yna Aligon, Iya for short. I am 18 years of age and a 2nd year college this coming school year. I'm an HRM student and a top notcher since elementary. I'm not a nerd I just study my lessons. I am different in nerd's style as I have mentioned earlier. Even though im always top 1 in every class, I'm still not that famous in school. Maybe my brother because he's one of the varsity in basketball. He also play soccer. We don't talk at school if its not important. He's 1 year ahead of me, he's 3rd year college but he took Business Ad.
I have best friends named Shinley Berido (maingay at laging updated sa mga bali-balita sa campus), Jana Sy Ferros (chix at lapitin ng mga boys), at Ceazy Lofranco (makulit at lapitin ng malas). Ako naman ay malakas kumain. Ay mali , I mean lahat pala kami malakas lumamon pero hindi tumataba. Dahil narin siguro sa sports na sinasalihan namin. Lahat kami single ngayon kaso sila Jana at Shin, ay may mga ex's na. Mas ok na ganitong buhay tahimik hanggang sa...
BINABASA MO ANG
Ms.Innocent meets Mr.Playboy
Teen Fiction- 4 LOVE STORY IN A SINGLE BOOK - This book is a story of GIRLS who dreamed and believed in Happy Endings. They run into someone who they hate the most and never expect the unexpected. Will they have the Happy Ending that they dreamed too? Or Happy...