Friends [2]

202 11 0
                                    

• Izalea's POV •

Ang matiwasay kong buhay, Sa Village namin o Sa skwelahan. Ay binubulabog ng isang letseng walang modo na lalaki. Sa kasamaang palad... Kasamaang palad nga ba? O nananadya tong lalaking to?

"Ikaw Nanaman ?!" Sambit ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Pero tiningnan nya lang ako at humakbang palayo.

Aba! Hindi pwede to. Nakakadalawa na sya! Kahit sorry lang di magawa? Di man lang ako tinulungan tumayo. Nakakainis!

"Hoy ikaw lalaki! Ang kapal ng mukha mong mamangga tapos ni 'sorry' o pagtulong man lang sa pagtayo di mo magawa?" Sabi ko at itinuro sya. Lumingon naman sya sa gawi ko. With matching taas kilay pa. Aba maldito ang unggoy! Akala mo kung sino eh. Tsss!

"Its not my fault that you're stupid. You're not watching your way." At tumalikod na ulit sya sakin at humakbang palayo.

"Bwisit ka! Hindi ako stupid. Wala ka lang talagang galang!" Sigaw ko. Narinig kaya nya yun? Hays. Sakit ng pwet ko.. Buti nalang at wala ka tao-tao dito dahil medyo maaga pa. *sigh*

"My gosh Iya! What happened? Bat Naka upo ka sa floor?" Agad naman nila akong tinulungan tumayo.

"May pesteng lalaki kasi na bumangga sakin. Di nga nag sorry ako pa daw stupid." Sabi ko habang nag papagpag.

"Wow. You cussed! First time Iya. Is that really you?" Ceazy said with matching takip bibig.

They looked at me with weird looks. Oo nga no? Ngayon lang ako nagmura .. Magiging badgirl na ako Huhu T^T masama daw kasi magmura!

"Sorry. Tara na sa room?" Sabi ko at tumango lang sila. Seriously? Mahirap bang paniwalaan na natuto akong magmura ? Lahat naman siguro ng tao nagmumura, ako lang ata ang hindi. Pero ngayon natuto Akong magmura ng wala sa oras. Tsk! Kainis talaga yung lalaking yun.

Sa room.. Nasa may likod kami palagi nakaupo. Second to the last row seating arrangement namin. Nasa harap ko si Ceazy at Shinley. Ako naman nasa likod ni Shinley at sa likod naman ni Ceazy si Jana na malapit sa window. Laging vacant yung tabi ko kaya dun ko lagi nilalagay bag ko.

"Good Morning class." Professor Dero. Since First year namin dito lagi namin syang nagiging first class sa morning. Mabait si prof at mahilig sa actual doings. Hindi sya into hand written projects. Kaya exciting lagi kapag may ipapagawa sya. Nung first year, gumawa kami ng song tungkol sa topic namin. Tapos nag orientation din kami. Mas gusto ko kasi yung ganun kesa arts arts eh. Haha (^_^)

"Good morning professor Dero!" Masayang bati namin sa kanya. Friendly kasi si prof outside ng room at school. Ka-village ko lang din sya.

"Okay. I want to introduce to you, your new classmate! Ms. Torres please come in." Sabi nya sa babaeng nakatayo sa door. Nung pumasok na sya.. OMG! Familiar sya sakin.. San ko ba sya nakita?

"Good Morning! I'm Zeffy Torres. Nice to meet you everyone! I hope we'll get along together." Sabi nya. Napaka angelic face nya talaga. Nakita ko na talaga sya eh! San ba yun ... Isip ... Isip... Ah! Sa park. Sya yung tumulong sakin!

"You may seat beside Ms.Alagon" prof Dero said at tinuro yung pwesto ko. Nakita ko naman na ngumiti ng malawak si Zeffy.

"Thanks prof!" At lumapit sya sa'kin.

"Uhh.. Hi?" Naiilang kong bati.

"Hello! We meet again?" Sabi nya at kinuha ko yung bag ko sa u-upuan nya. Nginitian ko sya at Umupo na sya sa tabi ko.

Ms.Innocent meets Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon