TRD] 10- Leaving In Grief

73 6 5
                                    

[TRD] 10- Leaving In Grief

(This chapter is dedicate to @InfiniteL_Myungsoo. Bbgirl sa‘yo ‘to. Di ko kasi alam hinihintay mo ang UD ng TRD. KAMSAHAMNIDA!! Enjoy reading.)

Mix emotion ang nararamdaman ko habang sinusot ang wedding gown ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin saka ngumiti ng malapad. Naka-tingin lang ako sa kabuoan ng body ko.

This is really is it. Kunting panahon na lang magwawakas na ang single life mo, Yasha at magbubuo ka ng pamilya kasama ang lalaking pinakamamahal mo. Never ako magsisi dahil magpapakasal ako sa edad na 22 as long as si Lyon ang makakasama ko habang buhay its all worth it. Itong ganda ko, Alam kong madaming mga boys na mag-iiyakan kapag ikinasal na ako. Mawalan ba naman sila ng sasambahing dyosa. Tumawa ang mumunti kong isip.

“You look stunning Yasha. I can’t believe na super bagay sa’yo ang wedding gown na ito. Sa lahat ng Princess sa fairy tale ikaw lang ang nagpatotoo no‘n. Ganda mo. Kabog silang lahat sa beauty mo.” I said in haughty voice.

“You look great wearing that wedding gown my Princess.” Masayang sabi ni Mommy ng hinawi ’yung kurtina.

Ngumiti ako. Nakaupo ang Mommy ni Lyon at si Mommy sa isang mahabang couch. Kumikislap ang mata nila ng pinagmasdan ako mula ulo hanggang pa. Ini-examin nila kung gaano ka-perfect ang wedding gown sa’kin. Hindi ko rin maipaliwanag ang happiness na nararamdaman ko. Kinakabahan at excited ako sa wedding namin ni Lyon.

Tumayo si Tita at nilapitan ako tapos hinawakan ang kamay ko, “Soon you’ll be part of Shin family and we’re greatfull to have you. I assure you, Your wedding well be the wedding of the year.”

I hugged her tight, “Thank you so much Tita.”

“I guess you need to start calling me Mom from mow on.” She stated.

Kumalas ako sa pagkayap niya at nagbow. I smile on her, “Sorry, Mom?”

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at pinisil ito tapos hinawakan niya ang kabilang pisngi ko saka ngumiti ng kunti.

Mataas ata ang tama ko sa utak napansin ko kasing malungkot ang mga mata ni Mommy. Why? Hindi ba siya masaya para sa’kin? May problema ba siya na hindi sinasabi sa’kin. As her daughter i feel that there’s something that they are hiding from me.

Bumigat bigla ang kaluoban ko dahil hindi ako mapalagay sa expression ng mukha ni Mommy actually hindi lang siya ang napapansin ko, ganon din si Daddy madalas nakikita ko siyang nakatulala at malalim ang iniisip para bang super dami ng problema niya na hindi kayang solusyonan. Iniisip ko tuloy baka may nabasa siyang article about sa akin na masyadong negative kaya siya nagkakaganyan or baka nalulungkot siya dahil ikakasal na ang only daughter nila? Bakit ko ba kailangan manghula? Tatanongin ko sila mamaya.

After kong hubarin ang wedding gown ko nagpaalam na kami ni Mommy kay Mrs. Shin. Nagyaya pa itong maglunch kami pero ako na mismo ang tumanggi dahil may shooting pa ako para sa isang commercial shampoo.

Tahimik lang kami habang nasa kotse nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya o hindi. Nakalimutan kong sabihin hindi na nagtatrabaho si Ace as driver ko. Ang taas talaga ng pride hindi ko naman siya pinaalis tapos hindi na sumipot ng umagang ’yon. Nakakayamot siya. Bakit ko ba iniisip ang lokong ’yon? Tss.

“Ehh?! Mom, where we going? I have a commercial shooting today.” nagtatakang tanong ko kay Mommy. Maling daan kasi ang tinatahak ni manong driver.

Instead na sagotin ako ni Mommy. Tumango lang siya at malungkot na ngumiti bago tumingin sa labas ng bintana. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakitang malungkot si Mommy. Masayahin kasi siyang tao hindi ako sanay na makitang nagkakaganyan siya.

The Royal Diary [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon