[TRD] 04 -Begging Him AGAIN!
Yasha's POV
Nagising ako sa lakas ng alarm clock sa side table ko. Kinapa ko ito para tignan kung anong oras na. Pa-unti unti ang pagdilat ko ng mata hanggang sa mabalikwas ako nang bangon ng maalala kong ngayon pala ang pagme-met ng parents ko at parents ni Lyon. Umupo ako nang maayos. Huminga ako nang malalim. Hinawi ko ang ilang strands ng beautiful hair ko papunta sa likod ng tenga ko. Kinuha ko ang small mirror na niregalo ni Lyon sa'kin no'n sa drawer. This is not a ordinary mirror it has a high expenssive price and a high value.
I looked at myself in the mirror. I smile widely.
So stunning.. Woke up like this, huh? Perfect nose, expressive eyes, pink pouty lips, perfect chain, perfect shape of face, perfect body and a perfect life. What more can i ask for? Pinagpala talaga ako. Kumu-kontra ka? Ba't angal ka? Isampal ko kaya sa pagmumuha mo 'tong salamin para makita mo kung gaano ka kapanget! Imbey!
Ilang katok ang narinig ko sa labas ng pinto ko. Binalik ko sa drawer ang salamin.
"Come in!" kaswal na sabi ko.
Isa isang pumasok ang apat kong maid na naka-yuko. Kagaya nang nakagawian tuwing umaga kanya kanya silang pumunta sa naka-assign nilang trabaho. May nagbukas ng bintana, may naghanda ng pampaligo ko, may nag-ayos ng damit na isusuot ko at ang isa nasa gilid ko nakatayo hinihintay ang pagbangon ko para linisin ang king size bed ko.
Tinaas ko ang maganda kong kamay at pinagmasdan ang eleganteng ring na nakasuot sa finger ko.
Ang ganda talaga ng kamay ko kahit siguro sinulid ang isuot ko magmumukhang elegant pero syempre hindi ako papayag na magsuot ng ganon. Masyado akong maganda at mayaman para magsuot ng sinulid LANG.
Napatingin ako sa direksyon ng pinto pumasok doon si Aya may dala itong tray ng pagkain. I frowned.
Why is she too early? As i remember i don't have shooting today.
"Good morning Miss Yasha. The luckiest and the happiest Princess in the whole world." Aya greated me with a smile.
Nilapag niya sa side table ang dalang tray.
"Why are here?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Nakalimutan niyo na ba Miss Yasha? ito ang araw na kailangan niyong maging maganda, elegante sophisticated gaya nang nakasanayan niyo dahil magiging soon to be misis Yasha Kang Shin kana. OMG!" Kinikilig niyang sabi.
Psh! Palibhasa walang boyfriend nagkakasya na lang sa pa-kilig kilig sa ibang luma-love life gaya ko.
"Mukha ba akong matanda sa'yo? Seriously, sa ganda kong 'to?!" Mataray kong tanong sa kanya sabay hinampas siya sa balikat. "Of course, i remember! This day is so very special day for me."
Tumawa siya nang malakas.
What a loud! Kung hindi lang ako sanay sa kanya kanina ko pa itong sinipa palabas ng kwarto ko.
"Miss Yasha sobrang saya namin para sa iyo! Lalong lalo na ako dahil sa wakas niyaya ka ni Master Lyon! Kinikilig ako sa inyo! Nasisiguro kong ikaw ang pinakamagandang bride sa balat ng univ-" Hindi ko na siya pinatapos kinuha ko 'yung bread saka sinupalpal sa bunganga niya.
Ang daldal kasi. Ang daming sinasabi. Pwede naman yung congrats lang.
"I'm going to take a shower. Kainin mo na rin 'yang dinala mo. You're too noisy!"
Nakangiti akong tumayo at tinungo ang banyo. Hinubad ko 'yung damit ko saka nagbabad sa bath tub ng ilang minuto. Pagkatapos kong maligo agad kong sinuot ang pinakamahal at pinaka-elegante kong damit. Isang blue of shoulder dress above the knee. Inabot sa'kin ni Aya ang white scarf ko at nilagay ito ng maayos sa leeg ko. Sobrang lamig ngayon since malapit ng magpasko.
BINABASA MO ANG
The Royal Diary [On-Going]
HumorOnce upon a time there was a deffirent royal collides. The Princess name Yasha. She is the famous actress. Her parents own a successful talent agency. People around her treat and dote her as a Princess. She adores a famous expensive branded stuff. s...