[TRD] 11- Hurt And Happiness

82 7 2
                                    

[TRD] 11- Hurt And Happiness

Ace‘s POV

Buong magdamag ko siyang binantayan. Hindi ko rin makuhang matulog dahil na-g-guilty ako sa nangyari pakiramdam ko may kasalanan ako. Katunayan pareho kaming nararamdaman ni Aya gusto namin itawag sa pulis ang mga nakita namin pero sinabi niyang huwag na.

Nandito ako sa loob ng kwarto niya samantalang si Aya at Dominic nasa kitchen magluluto daw sila ng almusal ni Yasha.

Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Kumirot bigla ang puso ko. ’Yung Yasha na kilala kong matapobre, proud, arrogante at laging nakangiti lahat ’yon nawala sa isang iglap. Dati para siyang maliwanag at nakakasilaw na ilaw pero ngayon isa na siyang luma at wala nang liwanag. Kahit nakapikit siya kitang kita ko ang lungkot na bumabalot sa mukha niya. Pakiramdam ko ibang tao ang nasa harap ko.

Tinaas ko ang kanang palad ko. Natutukso akong haplosin ang natutulog niyang mukha bago pa ako madala sa kabaliwan ko binaba ko ang kamay ko.

Hinawakan ko ang malamig niyang kamay, “Natatakot ka ba? Wag kang matakot nandito lang ako—”

Napatigil ako sa pagsasalita nang amakarinig akong ingay at kalampag sa labas.

Ano ’yon?

Tumayo ako lalabas na sana ako para tignan kung anong nangyayari sa labas ng pumasok si Aya.

“Yung ginagawang movie ni Miss Yasha at lahat ng commercial ads niya ipinacancel na. Pati ang mga sponsor nagback out na lahat. Galit na galit din ang ibang artista na hinahawakan ng company nila dahil hindi daw sila binayaran ni Mr. Kang. Ano ang gagawin natin?” Nasa tuno ng boses ni Aya ang pagpapanic. Napapahawak ito sa sintido niya na parang dala niya lahat ng problema.

“Madaming reporters at tao sa labas hinahanap si Mr. Kang!” hingal na hingal na sabi ni Dominic as soon as pumasok siya sa loob.

Lumapit ako sa may bintana para silang mga tigreng nagkakagulo. May dala silang mga placard na may sulat na hindi ko maintindihan. Galit na galit ang mga mukha nila. Probema ’to. Sino pa ba ang hahanapin nila? Wala ba silang mga kosensya at naisipan pa nilang pumunta dito para manggulo. Teka nga, nasaan ba ang Prinsipe ng Prinsesang ’to at ni hindi man lang nagpapakita dito. Siya dapat nandito para alalayan si Yasha. Pinapainit niya ang ulo ko makakatikim talaga sa’kin ang gagong ’yon.

May naisip akong paraan. Ngumisi ako ng nakakaloko, “Bombahin natin ng tubig tignan natin kung hindi sila aalis.”

Napahagikhik ako naiimagined ko kung paano sila magtatakbohan na parang basang sisiw. Adik ka Ace nag-loloko ka pa sa ganitong sitwasyon. Bigla akong napatingin sa likod ko nang sumigaw ng si Aya at Dominic. Paglingon ko doon ko nakita ang pagwawala ni Yasha. Nakahawak si Aya at Dominic sa magkabilang braso niya upang pigilan ang pagpupumiglas ni Yasha.

"SINO’NG TAKOT LUMABAS?! BITAWAN NIYO KO! HINDI AKO TAKOT NA HARAPIN SILA! HINDI AKO TAKOT!” Bumuhos na lahat ng luha niya. Nagkukunwari na naman siyang malakas.

”AYOKONG LUMABAS DAHIL AYOKONG SAGUTIN LAHAT NANG TANONG NG MGA REPORTER NA ’YAN ITATANONG LANG NILA SA'KIN KUNG BAKIT BUMAGSAK ANG NEGOSYO NG DADDY KO, BAKIT TUMAKAS SILA, AT BAKIT HUMANTONG SA GANITO ANG BUHAY KO!! WALA AKONG MAISAGOT NA TAMA AYA, DOMINIC! TAPOS ’YANG MGA FANS KO AKALA KO MAHAL NILA AKO DAHIL IDOL NILA AKO 'YON PALA SILA PA 'YUNG UNANG SUMISIRA SA IMAGE KO! ALAM MO BA ANG SINASABI NILA TUNGKOL SA'KIN? NA HINDI DAW AKO MARUNONG UMARTE BOBO DAW AKO PAGDATING SA COMEDY WALA AKONG BINATBAT KESA SA IBANG ARTISTA HINDI DAW BAGAY SAKIN ANG TITLE NA ROMANTIC COMEDY PRINCESS! ALAM KONG MANGYAYARI ’TO, ANG SPONSOR KO, COMMERICIAL ADS KO AT ANG MGA ILANG MOVIE KO LAHAT NAWALA SA ISANG IGLAP! PAKIRAMDAM KO MAMATAY NA AKO! GUSTO KO NG MAGLAHO SA MUNDONG 'TO LAHAT NG KAHIHIYAN NA INIWAN NG MAGULANG KO AKO LAHAT ANG SUMALO!" Malakas sigaw habang nagwawala.

The Royal Diary [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon