[TRD] 12- Is This A Goodbye?
Ace's POV
Nagmamadali akong pumunta sa bahay ni Yasha ng tawagan ako ni Dominic kaninang madaling araw. Inaapoy daw ito nang lagnat at kanina pa daw nagwawala. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila gaya nang inaasahan ko maraming reporter sa labas. 'yung iba nandoon na natutulog at 'yung iba naman kadarating lang. Ano pa ba ang gusto nila?
Galit na galit akong lumapit sa kanila at binalibag 'yung mga hawak nilang camera. Bigla silang nagsisigaw tapos kinukunan ako ng picture na mas lalong ikinapikon ko. Halos nandilim ang paningin ko hindi ko rin alam ang ginagawa ko. May humawak sa kabilang braso ko upang pigilan ako sa pagsuntok doon sa isang reporters. Tinadyakan ko sila sa tiyan dahilan para bitawan ang kamay ko. Isa isa ko silang dinuro.
"WALA BA KAYONG MGA PUSO?! HINDI NIYO BA NAKIKITANG NASASAKTAN NA SIYA! NAWALA NA SA KANYA ANG LAHAT TAPOS GINUGULO NIYO PA?! IINTERVIEW-HIN PARA ANO? PARA IPAALAM SA MUNDO NA NAKAKAAWA SIYA?! O GUSTO NIYO LANG MAY PAGCHISMISAN KAYO? EH MGA SIRA PALA LAYO EH, TRENDING NA NGA SIYA KULANG PA BA 'YON HA?! UTANG NA LOOB TIGILAN NIYO NA SIYA!" Galit na galit kong kinuha ang isang camera at binalibag ito.
Naghiwahiwalay ang ibang parte nito sa daan. Naghahabol ako nang hangin. Tumahimik silang lahat na parang naiintindihan nila ang gusto kong iparating. Mabuti kung ganon dahil wala akong oras para i-translate ang mga sinabi ko. Nagdadabog akong naglakad habang sila unti-unting umaalis sa dinadaanan ko. Tinawagan ko si Dominic na pagbuksan ako ng pinto. Ikwenento niya sa'kin ang nangyari kanina habang papasok kami sa loob. Napansin kong wala nang mga gamit sa loob. Nakuha niya ang ibig sabihin nang pagkunot ng noo ko. Tinapik niya ako sa balikat.
"Sa dami ng pinagkakautangan ni Mr. Kang kulang pa daw ang gamit, mga property, bahay at lupa para ipambayad. Nakiusap kami kanina kung pwede bukas nalang nila paalisin si Miss Yasha dahil naghahanap pa kami ni Aya ng matitirhan niya kaya lang hindi sila pumayag." Mahinang sabi ni Dominic.
Nalumo ako. Sobrang naawa ako sa kanya. Paano kung wala silang mahanap na malilipat niya? Saan siya titira? Alam kong maling sisihin ko ang parents niya pero hindi ko mapagilan. Kung hindi nalulong si Mr. Kang sa bisyo hindi masasaktan ng ganito si Yasha.
Pagpasok namin sa loob ng kwarto. Ang gulo gulo ng kwarto niya parang dinaanan ng malakas na bagyo sa dami nang nakakalat na gamit. Nakita ko si Aya nakaupo sa gilid ng kama habang nilalagyan ng bimpo sa ulo si Yasha. Tumayo ako sa paanan ng kama niya. Nakatitig lang ako nun sa natutulog niyang mukha. Nagdadalawang isip ako kung iiwanan ko ba siya o hindi.
Mamaya na 'yung alis ko pero ang bigat bigat sa loob kong iwanan ka dito Yasha, lalo na't ganito ang sitwasyon mo. Kung pwede lang sana kitang isama gagawin ko pero hindi pwede eh.
"Ano'ng nangyari?" Wala sa sariling tanong ko.
Nakita kong nagpunas si Aya ng luha tapos suminghot bago magsalita, "Ayokong sabihin 'to pero naawa ako sa kanya. Una namatay ang parents niya, pangalawa lahat ng pinaghirapan niya bilang artista naglaho sa isang iglap at pangatlo kanina si Lyon pumunta dito para sabihing ikakasal siya sa iba. Ito rin ang unang pasko na hindi niya makakasama ang parents niya."
Muntik ko ng makalimutan pasko nga pala ngayon sa dami ng nangyari nawala sa isip ko saka 'di ko rin nararamdaman na pasko dahil ukupado ni Yasha ang utak ko. Hindi man lang ako nakapaghanda ng regalo para sa kanya.
Nanlaki ang mata ko, "Ano?! Ang walanghiyang 'yon? Abat- inuubos niya talaga ang pasensya ko. Bingo sa'kin 'yon!"
Kinuyom ko ang kamao ko. Ang kapal ng mukha niya. Tao ba siya? Bakit ginagawa niya 'to? Bakit niya ipinagpalit si Yasha? Dahil wala nang pera? O baka dahil hindi niya kayang alagaan kaya hiniwalayan niya nang ganon ganon lang! Hayop siya pinapainit niya ang ulo ko! Siya dapat ang nagproproteka kay Yasha hindi siya ang mananakit!
BINABASA MO ANG
The Royal Diary [On-Going]
HumorOnce upon a time there was a deffirent royal collides. The Princess name Yasha. She is the famous actress. Her parents own a successful talent agency. People around her treat and dote her as a Princess. She adores a famous expensive branded stuff. s...