[TRD] 08- DrunkAce‘s POV
Nakakaubos talaga ng pasenya ang Princess na 'yun. Anong akala niya porket may mamahaling camera siya pwede niya na ako insultohin? Eh ano kung madami siyang pera? Pero ano ba sa'kin kung magalit ako? Kung hindi ko gustong tanggapin ang camera sana tumanggi na lang ako ng maayos. Hindi sana ako nawalan ng pasensya. Sana inisip ko na ganon talaga siya ka-arogante. Sana nasanay na ako diba? Sana hindi ako umalis doon. No way Ace, tama lang ang ginawa mo. Sino ka para makipagkaibigan sa gaya niyang mayaman?
Inaalala ko paano siya uuwi? May cellphone naman siya bakit hindi niya tawagan ang fiance niya o ang magulang niya. Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Ako ang sisihin ng pamilya niya.
Natauhan ako ng siniko ako ni Dominic sa tagiliran, "Hoy, Ace. Nakikinig ka ba sa'kin?"
I snap out, "Huh? May sinasabi ka ba?"
Nandito kami sa isang side walk vendor umiinom ng sujo. Tinawagan ko kasi siya kanina kung pwede kami uminom. Gusto ko kahit kunti lang mawala ang pagkainis ko kay Yasha.
Naiinis na napakamot siya sa ulo, "Ang sabi ko, bakit hindi mo tinanggap ang regalo ni Miss Yasha? Ano bang inaarte mo? Tell me, what extremly spectacular she said?" Sabay tunga niya ng alak.
Hinampas ko siya sa balikat, "Spectacular your head! Ang ganyang Princess na nakatira sa palasyo wala 'yang pakialam sa ibang tao. Hindi porket mahirap ako pwede na siyang mag-offer ng pera at camera sa'kin. Ano 'to iniisip niyang, kaya ako pumayag na tulungan siya sa pagluluto dahil sa camera?"
Nilapag ni Dominic ang baso tapos tumayo dahil sa sobrang pagkabigla, "What bro?! Hindi mo tinanggap ang pinapangarap mong camera?! Sayang din 'yun, Ace."
Isa pa 'tong gagong 'to. Nahawa na yata siya sa amo niyang matapobre.
Tinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko, "Ang laki mong may sayad! Kung tinanggap ko 'yun mas lalong aabuso siya paulit ulit na niyang gagawin 'yun hanggang sa lumabas ang dalawang sungay niya. At sa tuwing may hihingin siyang tulong sa'kin. Pera o mamahaling gamit agad ang ibibigay niyang kapalit sa kabutihan ko! Naiintindihan mo ba ako?"
Napatanga siya tapos wala sa sariling napaupo siya. Umiling siya, "I don't understand."
"Haist. Ewan ko ba kung bakit kita pinagtya-tyagaan kausap. Uminom ka na lang nga!" Sabay inirapan siya.
Bakit ba ako nakikipag-usap sa taong hindi naman pala ako naiintindihan? Tahimik lang kami habang umiinom. Nilantakan ko 'yung Kimchi. Langya ang anghang! Bakit ganito 'to kaanghang? Buti na lang at malamig hindi ko masyado iniinda.
"Dude, kanina pa text nang text si Aya tinatanong kung nakauwi na daw si Miss Yasha. Hindi nila matawagan dahil nakalimutan ni Miss Yasha ang cellphone niya kay Aya." Sabi ni Dominic habang nakatingin sa cellphone niya, "Nasaan ba siya nagpunta? May alam ka ba?"
Napatigil ako sa pagkain ng marinig ang sinabi ni Dominic. Hindi pa siya nakauwi? Takte. Anong oras na? Tinignan ko ang relo ko. Hala, 11:30 pm na. Malamang natatakot na siya. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis. Kasalanan mo 'to Ace. bakit ko ba iniwan ang Princess na 'yun doon? Eh sobrang nakakapikon na kasi siya eh. Pero bilang driver niya responsibilidad ko siya. Asar naman oh! Hinampas ko ang kamay ko sa mesa saka tumayo.
Nagtatakang tinignan ako ni Dominic, "May problema ba?"
"OO! MERON MALAKI!" Tumakbo ako kung saan nakapark ang bisekleta ni Dominic. Kinuha ko 'yun at sinakyan, "Pahiram muna ng bike mo!"
Mabilis ang ginawa kong pagpepedal. Sana walang masamang nangyari sa kanya. Sana okay lang siya. Sana hindi siya natatakot. Bilisan mo pa ang pagbi-bike, Ace! Sa haba at tagal ng pagpepedal ko naramdaman ko nang pamamanhid ng binti ko. Ang sakit na rin ng mga paa ko. Good thing malapit na ako.
BINABASA MO ANG
The Royal Diary [On-Going]
HumorOnce upon a time there was a deffirent royal collides. The Princess name Yasha. She is the famous actress. Her parents own a successful talent agency. People around her treat and dote her as a Princess. She adores a famous expensive branded stuff. s...