Arguello
Isang buwan na din ang nakalipas, sa wakas nakatapos ako ng unang taon sa kolehiyo. Dyahe din tumira ng apat na Math subject. Pamatay!
"Apo! kakain na"
Ang sarap gumising sa umagang hindi nagmamadali, hindi nagiisip kung traffic ba o hindi. Hindi nag iisip kung may mga surprise na gawain ang mga terror na professor. Sana ganito nalang lagi kaso hindi pwede. Sadlife haha
"Maupo kana, wag ka mag madali kumain wala naman pasok apo"
si LolaSa wakas, hindi na ako mag tiis yakapin ang malamig na tubig sa umaga. Maka nood ng maraming movies, pwede magpuyat. Pwede gumalan! Alright!
"Apo, aalis ako. Baka magpunta muna ako sa probinsya. Makakaya mo ba muna mag isa?"
nag aalinlangang tanong ni Lola"Oo naman po! Ako pa? saka andyan naman mga kaibigan ko. Lola bakasyon ngayon hehe. Lagi na naman kami mag kakaharap"
sagot ko"Mabuti naman. Apo huwag kang gagawa ng kalokohan ha?"
si Lola"Lola. Ako ang kabaliktaran ni Alex Hahaha"
"Sinasabi ko lang apo. Pagkatapos natin kumain mag liligpit lang ako saglit saka ako mag hahanda sa pag alis"
si lola"Lola, di po ba ako pwede sumama?"
tanong ko"Wala ka din naman gagawin doon apo, isa pa malayo. Alam kong tatamarin ka lang"
si LolaTama nga naman si Lola, isa pa ayoko sa biyahe. Bukod sa dagdag dumi ng hangin ang masisinghot ako eh ang init pa ng panahon. Summer na kaya.
"Lola, akyat muna ako sa taas"
paalam ko kay Lola"Sige"
Unang araw ng bakasyon at total wala pa naman akong maisip na gawin. mag lilinis na lang ako ng kwarto. Okay saan ba tayo mag sisimula?
Naalala ko yung mga tambak ng mga papel sa kwarto siguro ito muna ang uunahin kong linisin.
Matapos ko ipunin lahat ng mga basura at mga papel sa kwarto. Yung mga photocopy ng lessons itinago ko muna baka sakaling magamit pa, yung mga basura as usual sa junkyard ang bagsak.
Matapos ko alisin lahat ng kalat, nag walis walis muna ako at iniayos ko lahat ng mga gamit ko sa kwarto. Huli ko na gagalawin ang kama hahanap ako ng maganda at komportableng pwesto para dito.
Kung ilalagay ko sa tabi ng bintana, hmmmm. ang pangit bukod sa mainit, delikado pa.
Kung dito naman sa tabi ng pinto, pangit din kasi kama ang bubungad.
Kung dito sa sulok katabi ng study table, sa harap ng bintana at gawing kanan ng pintuan. Perfect! Dito ka nalang.
Hihilahin ko na sana ang kama para matapos ko na ang pag lilinis ng kwarto ng mapansin kong.
Bago na ang punda? Di ko napansin to ah. So ibig sabihin... Nakita ni Lola yung sunog? Naku po.
Facepalm
Kaya siguro sinabi niya kaninang huwag ako gagawa ng kalokohan. Paktay ka Dada.
♪ Bucket full of tears baby now I'm here, I'm here waiting ♪
Calling...
Sino naman to? Anak ng teteng si Alex. Anong ka abnoyan na naman to.
Accept
"Oo, mukhang maganda nga dun girl!"
"Sige, na contact naba si DA?"
"Marrrrk!"
"Hahahaha"
"Saan ba yun Alex? saang lugarzvdbenal asgkskahjsakns"
BINABASA MO ANG
Takda
FantasyPrinsipe Argano o mas kilala sa pangalang Don Aguello Y. Delgado, laking manila na pinalaki ni Ginang. Belinda Delgado. Isang simpleng kabataan na may payak na pamumuhay. Matalino, Masipag, Mabait na apo at kaibigan ngunit sa hindi inaasahang panaho...