Unang Lagusan

49 3 0
                                    

Arguello



Ito ang unang araw ng pag iwan ko sa mundo ng mga minor de edad. Ibig sabihin nito, vulnerable na ako sa batas! Oh no, ingat ingat nalang sa mga gagawin ko sa pang araw araw na pamumuhay sa Pilinas. Pwede na ako ikulong, wag naman sana. Anong oras na ba?



9:33 AM



Alas Onse pa naman ang klase ko, pero kakain muna ako. Gutom na me. Pag baba ko sa kusina, wala akong nakita kundi ang mga pagkain sa lamesa. Bakit ang dami ata nito? at ang alam ko wala naman ganitong handa kahapon. Nasaan ba si Lola?



"Lola? Lola ...?"


tawag ko kay Lola



Ilang segundo na ang lumipas wala padin sumasagot. Naisip ko..



"Ah! Baka nag wawalis. Matignan nga sa labas"



Agad akong lumabas at nakita ko na wala halos katao tao sa labas. Ni mga aso, wala ako makita sa kalsada. Napaka payapa.



"Ano mga puyat ba ang mga tao? 9:30 pasado na po"


sabi ko na lamang sa sarili.



"Makapasok na nga lang, Nasaan ba si Lola?"



Pumasok muna ako saglit sa banyo para maghilamos, at para umihi na din. Paglabas ko ng banyo...



"Lalamig na ang pagkain"



Ha? sino yon? Agad akong napatingin sa lamesa at nakita ko ang isang babae. Nakaupo ito ng patalikod sa akin. Mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan. Sa tantya ko ka edaran ko lang din siya.



"Ah, miss? Sino ka?"


tanong ko



"Kumain na tayo"


sagot ng babae



"Nakita mo ba ang Lola ko?"



"Kumain na tayo"


pag uulit ng babae



"Teka sino ka ba? Belle? Lorrie? Irish?"



Agad ko siyang hinawakan sa balikat ngunit bigla siyang tumayo.



"Hindi mo ba talaga ako sasaluhan?"


tanong ng babae



"Sino ka ba? Hindi kita kilala. At paano ka nakapasok dito? Nasaan ang Lola"



Naiinis na ako. Sino ba siya?



"Ayaw mo kumain? Pwes ikaw ang kakainin ko!"



Pagalit niyang sigaw, at biglang harap sa akin isa siyang...



"Demonyo!!!!!"



Hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw, hindi naman nakakatakot ang hitsura niya. Isa siyang dalaga pero sapat na siguro ang kulay pula niyang mata at maliit na dalawang sungay sa kanyang noo. Agad akong nagtatakbo sa may pintuan ngunit laking gulat ko ng..



"Madilim sa labas? Gabi na?"



Hindi, hindi gabi, hindi din madilim. Purong itim lang ang lahat. Nilalamon ako ng dilim.



"Walang takas"



Napapitlag ako ng may biglang bumulong sa tabi ko. Hindi ako nagkakamali. Siya nga.



"A-anong kailan-ngan.. m-mo?"


nauutal kong tanong



"Wala naman. Gusto ko lamang bumaba ka diyan. Bumaba ka sa kadiliman"

TakdaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon