Pagpapakilala

107 8 3
                                    

February 28, 2015

Arguello

"Dadadadadadadadadadadaaaaaaaa!!!"

Agad akong napabalikwas sa aking kama sa mala sirena ng bumberong boses ni Alex.

"Alexaaaaandraaaaaaaaaaa!"

Sigaw ko pagalit.

"Anong ginagawa mo? ang aga aga nag sisigaw ka ba dyan? Naka tira ka na ba?"

"Hindi pa titira palang, labas kana diyan huwag kang papahuli sa lola mo ha! Dating gawi! Hahaha!"

Bakit dada ang tawag niya sakin? Dahil daw sa initial ng Don Arguello. D.A kaya DADA. Hindi daw kasi bagay sakin ang Don, mukh daw akong katulong, mas pogi pa kaya ako sa kanya.

Siya si Alexander Montero, bestfriend ko pero hindi ko siya buddy sa pag singhot, Solohin na lang niya. Anong ginagawa namin? Dating gawi, lalabas ako ng kwarto kasi? Titira na naman siya ng kamay. Kamay na dahon, Oo marijuana. Lumalabas talaga ako kasi ayoko madamay sa kalokohan niya. Hindi naman sa kinokonsente ko siya gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Hmmmmm, healthy naman yan eh, minsan gusto ko ma try. Biro lang lagot ako kay Lola Bebe.

"Dada!"
sigaw ni Alex

"Oh ano!?"
sagot ko

"Balik ka kagad, di ako titira ng madami may exam ako mamaya. Mag papalamig lang ako ng kaunti hehe"
sagot niya pabalik

"Sira ulo ka talaga lex"

Ganyan talaga siya, sa tuwing titira siya ng dahon o damo o kung anong berdeng halaman na sinusunog dito siya pumupunta. Hindi kasi alam sa kanila ang kalokohan niya, Baliw talaga. Well hindi naman siya harmless, Hindi mo nga lang makakausap ng ayos tawa kasi ng tawa.

Pababa na ako ng hagdan ng makita ko si Lola Bebe.

"Goodmorning my lola!"
bati ko

"Goodmorning din apo"
bati niya pabalik

"Siya nga pala apo, hayaan mo na linisin ko muna ang kwarto mo, bukas birthday mo na. 18 years old kana!"

Nako po! patay kang adik ka!

"Ahh! Lola, dito po muna tayo sa baba, malinis naman ang kwarto ko saka may ikukwento ako nanaginip po ako kanina"

phewssss buti pumayag si Lola, kaso ang hirap mag imbento. Bwisit! pahamak ka Alex!
Kailangan ko mai text ang loko.

To: Leafman
- Alex! bumababa kana diyan! Mapapahamak ako kay lola. Aakyat siya dyan maya maya, doon kana sa bintana dumaan! (sent)

From: Leafman
- Yo dadada! Hahaha waks oa ajp tamna; oxge babababa ma sko, saab sko ddsn? ssa nintsana? anh yaas nump men! hgahgaaa! Gee, bbye.

Naloko na, tinamaan na ang lintek. Puro sablay na ang tipa sa text. Tsk di pala dadamihan huh?

To: Leafman
- Lintek ka! Bilis alis na, yung bintana ko may lock yan ang passcode 1-2-3 (message not sent)

HALAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!

Alexander

Nakakahilo, kaunti lang naman yun ah? Hahahaha iba talaga ang damo. Yeah men! Hahaha shet. Uhhhmmmmm? nasaan ang bintana? There you are baby come to papa! Ay mali ako pala lalapit hahahahaha. Wait me there baby, muah.

Aba, may lock? takot ba si Dada sa mga aswang na papasok sa binta? Hahahaha tindi mo para kang bakla Dada, hmmmm anong password nito? Tatlo lang naman eh. Hmmmmm Dada Chandelier anong password nito? Para akong si Sia ngayon! kada lakad ko nag sswing! Hahaha

TakdaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon