Ang Pagbubukas

60 3 0
                                    

Third person

Kasalukuyang nag hahanda si Belinda ng almusal ng kanyang apo sa kusina, masaya siya dahil napalaki niya si Arguello ng tama at tuwid hanggang sa tumuntong ito sa wastong gulang.

Ngunit kalakip ng saya na kanyang nararamdaman ay kadikit din ng simula. Ang pagbubukas ng tadhana sa kanyang apo. Minsan napapa isip siya kung kailan ito mag sisimula gayon wala na siyang mapag kunan ng impormasyon tungkol sa mga dapat gawin. Sa ngayon isa lamang ang kanyang pinanghahakawan. Ang pangako ni Manara.

Belinda

"Apo! bumaba kana diyan. Handa na ang pagkain"

Ilang saglit pa at bumaba na din si Arguello mula sa kanyang kwarto

"Goodmorning La!"

masayang bati ng kanyang apo

"Maupo kana at baka mahuli ka sa klase"

Nagumpisa na kaming kumain, naghanda ako ng kaunting sopas para sa agahan. Di ko na masyado dinamihan at may iba naman akong ihahanda mamaya para sa kaarawan niya.

"La, di ko feel ang birthday ko"

"Bakit apo?"

tanong ko

"Nasanay po kasi ako na 28 ang birthday ko, kahit sa totoong araw 29 ang date. Eh syempre alangan hindi ako mag birthday sa loob ng isang taon, leap year pa more"

sagot niya

Mga kabataan talaga ngayon, Naiintindihan ko naman siya kung bakit. Sino nga ba naman ang mag hahangad ng kaarawan na papatak sa ika 29 ng Pebrero?

"La, tapos na ako! Alis na po ako. Byebye!"

"Sige, magiingat ka"

sagot ko

"Ay, La! bakit ang init kagabi? halos maligo na ako sa pawis eh"

tanong niya

"Ah eh baka naman mainit lang talaga ang klima kahapon"

sagot ko

"Ganon ba?, siya sige la! Byebye ulit!"

Mirabelle

"Pst, hoy Alex. Galingan mo ha"

bulong ko

"Ako pa? Easyyyy"

sagot niya

"Yabang nito! pag sablay ka mamaya tignan mo totohanin ko pag kahulog mo"

"As if? Hahaha"

"Buti pa sa mga surprise my hulog hulog effect ka, sakin kaya kailan?"

bulong ko sa sarili

"Ha?"

tanong niya

"A-ah eh, wala. Nag mememorize ako"

sagot ko

"Hep! andyan na siya"

bulong ni Irish sa likod

"Let's get it on"

bulong ni Alex with killer smile

Belinda

Kasalukuyan akong naghahanda ng mga sangkap para sa niluluto. Siguro magpapakulo muna ako ng tubig para sa pasta at lilinisin ko muna ang kwarto ni Arguello.

TakdaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon