<FACE>
Written by cassiopeiaAKTF
“Nurse, anong room si Han Jinri?”
“Room 315, kaanu-ano ka niya?”,tanong ng nurse at natigilan si Jaejoong.
“Kapatid niya po ako.”
Dahan-dahan itong pumasok sa silid at umupo sa tabi ng babae.
Tinanggal niya ang shades niya at face mask.
Hinawakan nito ang kamay ng babae.
“It is the right time, itatama ko na ang lahat.”
Ilang minutong naghintay si Jaejoong hanggang sa makatulog.
Maya-maya’y may pumasok sa kwarto.
Hinawakan niya sa balikat ang natutulog na si Jaejoong.
“Sino ka? Bakit nandito ka sa silid ng kapatid ko? At bakit hawak hawak mo ang kamay niya?”.
Dahan-dahang lumingon si Jaejoong at napaurong ang lalaki.
Tumayo si Jaejoong at nilapitan ang lalaki.
“Alam ko na darating ka.”sabi ni Jaejoong at ngumisi.
“Are you the realKim Jaejoong?”, gulat na tanong ng lalaki.
Jaejoong replied a smile.
“You are Han Jaeyun right?”
Nagulat ang lalaki sa tanong nito.O_0
“Pa-pa-paano mo nalaman ang pangalan ko? At saka bakit ka naparito?”
------------------------
Nagpaliwanag ang dalawa sa isa’t isa.
“I didn’t mean to do that. Sinakyan ko lang ang mga members mo.”,pagpapaliwanag ni Jaeyun, at may dinukot sa bag na dala at ibinigay sa kay Jaejoong.
“Ano ‘to?”,tanong ni Jaejoong.
“Yan yung perang hiningi ko sa mga members mo.”,sagot ni Jaeyun at napatigil si Jaejoong.
Hinawakan ni Jaeyun ang kamay ng kapatid.
“Malakas ang loob kong gamitin ang pagkatao mo dahil alam kong mapapaniwala ko sila dahil sa magkamukha tayo.”
“Hiningi ko ang perang yan para maipagamot ko ang kapatid ko. Pero…….”
Hindi ipinatuloy ni Jaejoong ang sinasabi ni Jaeyun at ibinalik ang pera.
“Mas kailangan mo ito.Ako na ang magpapaliwanag at mag-aayos ng lahat.”
Napangiti si Jaeyun.
”You’re so lucky with your members. I hope they will forgive me.. ”
Napatingin si Jaejoong sakanya.
Nagsimula na rin magkwento si Jaejoong sa mga nangyari.
“Hindi lang ikaw ang may ginawang hindi tama, kundi pati ako.”,wika ni Jaejoong.
“Maraming Ikinwento si Bbuneetungkol sayo..”dugtong nito.
“Alam na ba ni Bbunee ang lahat?”,tanong ni Jaeyun.
Hindi nakaimik si Jaejoong.
“Sa tingin ko hindi pa”, nakangiting wika ni Jaeyun.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Memory
FanfictionAll of us have a good and bad memories in life that are very unforgettable.