Chapter 14: Changmin's Unforgettable Memory(pt.3)

32 2 0
                                    

      <Broken Destiny>

“Junsu-yah..”

 Kinuha ni Juliea ang susi sa bulsa niya at binukasan ang pinto.

 Pagkapasok niya ay nakita niyang nakaboxer lang si Junsu at bagong ligo.

“Ahhhhhhhh!”, sigaw nilang dalawa.

Tumalikod si Juliea at nilagay ang dalang pagkain sa tabi ng kama.

Sinara agad ni Junsu ang pintuan.

Biglang kumatok ang mga kasama nila.

“Junsu-yah!! Juliea-ssi!!!”, sigaw nina Jaejoong at Yunho habang kumakatok.

“Anong nangyayari jan?”, tanong ni changmin.

“Wala lang.. Okay lang kami…”, sagot ni Junsu.

“Sigurado kayo?”, Tanong ni Yunho.

“Oo..”, sagot ni Junsu.

“Magbihis kana nga…”, wika ni Juliea habang nakatalikod kay Junsu.

“Eh kung ayaw ko??”

Lumapit si Junsu kay Juliea at hinawakan sa balikat.

Napatindig si Juliea at sinipa patalikod si Junsu.

“Maniac ka! Magbihis kana nga!”, galit na sabi ni Juliea.

Nilapit ni Junsu ang mukha niya sa tenga ni Juliea at hinipan.

Biglang nagkagoosebumped si Juliea.

“Junsu-yah!”,bigla siyang humarap kay Junsu.

Nagulat si Junsu dahil humarap ito at sabay silang napasigaw.

Maya-maya’y kumatok nanaman ang mga kasama nila.

“Junsu-yah! Juliea!! Okay lang ba talaga kayo? Bakit kanina pa kayo sumisigaw jan?”, tanong ni Jaejoong.

“Okay lang kami!!..”, sabay na sigaw ng dalawa.

“Okay sige.. Labas na kayo..”,

Lalabas na sana si Juliea pero hinarangan siya ni Junsu at napapikit ito.

Napansin ni Junsu na hindi pa pala siya nagbibihis.

“Ah..mian…magbibihis muna ako.. Huwag ka munang lalabas..”

Pagkatapos magbihis ni Junsu ay nilapitan niya si Juliea.

“Pwede ka ng humarap..”

Tinignan siya ng masama ni juliea.

Nang aakma na niyang buksan ang pintuan ay hinawakan ni Junsu ang kamay niya.

“Bakit nanaman?”, tanong ni Juliea.

“Pagkatapos mong kumain, magbihis kana..”

“Bakit?”, tanong ni Juliea.

“Basta, magbihis ka ng maayos.”

“Bakit? Lagi naman ako nagbibihis ng maayos ah..”, wika ni Juliea saka nagpout.

“Ibig kong sabihin..Aalis tayo.. Dalian mo..”

“Di ka pa ba tapos maligo?”,tanong ni Junsu.

“Tapos na..Lumabas ka muna..”, sagot ni Juliea.

“Sige..”

Pagkalabas ni Juliea ay bumungad sakanya si Junsu.

“ahhh!!! Maniac ka talaga!!!! Lumabas ka nga..”, galit na sabi ni Juliea habang tinutulak papalabas si Junsu.

“bakit? Kanina bang ako..pinalabas kita?”, tanong ni Junsu nang hindi inaalis ang tingin kay Juliea.

“Tumalikod ka nga! Pervert!”,sigaw ni Juliea.

“Pervert agad?” Nilapit na naman niya ang mukha niya kay Juliea at hindi makatingin sakanya si Juliea.

Hindi nila pansin na binuksan ni Changmin ang pinto at nakita niya ang mga ito.

Nang pagkalingon ni Juliea ay nakita niyang nakatayo si Changmin na parang nagulat.

Biglang tinulak ni Juliea si Junsu papalayo.

“Oh..Changmin, nanjan ka pala?”,tanong ni Junsu.

“Pasensya na sa istorbo, kukunin ko lang yung pinagkainan mo.”

Kinuha ni Changmin ang mga ito at agad na lumabas.

“Aisst!! Nakakainis ka talaga! Sigurado iba ang iniisip ni Changminnie niyan..”

Pinaghahampas niya ng kanyang damit si Junsu.

“Tama na.. Lalabas na ako.. Ako na ang magpapaliwanag..”

Lalabas na sana si Junsu ng bigla siyang pinigilan ni Juliea.

“Wait lang.. Dapat kasama ako..”

 Tumalikod si Junsu at nagbihis na si Juliea.

“Okay na ba ‘to?”, tanong ni Juliea.

“Parang yung gustong style lang ni Jaejoong hyung yan ah … Wait nga, pamilyar yang damit nay an saakin.. Sino kasi ang nakita kong… ”, di pa natatapos magsalita si Junsu ay biglang sumabat si juliea.

“Hmm… Unique ang style na ‘to… Magpapalit na lang ako kung ayaw mo …”

“Sino bang nakita kong nagsuot ng damit na yun? Very familiar..”- Junsu’s mind

“Ito???Okay ba?”, tanong ni Juliea saka umikot.

“Yoochun hyung style?”, umiling si Junsu.

“Napakaarte mo naman..”, wika ni Juliea.

“Tumalikod ka na nga lang ulit”

Ilang minutona ang lumipas ay di pa rin tapos mag-ayos si Juliea.

“Bakit ang tagal mo?”, tanong ni Junsu.

Ilang minuto pa ang lumipas ay di pa rin natatapos si Juliea.

Maya-maya’y lumapit siya kay Junsu.

“Junsu-yah..pwede na ba ‘to?”

Napatitig sa kanya si Junsu..

“Ne, that’s my type…”, nakangiting wika ni Junsu.

“Lalo kang gumanda..”, papuri pa nito.

“Alam ko..”, confidence na sagot ni Juliea.

Nakadress at high heels siya with curly hair at simpleng make up siya.

Maya-maya’y lumabas na sila.

Nakita nilang nakaupo sa couch si Changmin.

“Changmin-ah.. Yung kanina, mali ang iniisip mo..”, paliwanag ni Junsu.

Nagtaas ng tingin si Changmin at tinignan niya ito saka tinignan si Juliea.

“May lakad yata kayo?”, tanong niya.

“Oo..”, nakangiting sagot ni Junsu.

“Okay, ingat.. Siya nga pala.. Wala akong pakialam kung mali man ang iniisip ko kanina, okay lang naman kahit ituloy niyo pa ang ginagawa niyo kanina..”

Napakunot ng noo si Juliea at tinignan siya ni Junsu.

Napadalas ang paglabas nina Junsu at Juliea dahil sinusulit na ni Junsu ang bakasyon. Napapansin ng mga kasama nila na nagkakamabutihan na silang dalawa at madalang na lamang pagsungitan ni Juliea si Junsu

Unforgettable MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon