7th Shot: Silently loving you...

284K 3.6K 85
                                    

KINAKABAHANG TUMINGIN sa relo na nasa dingding si Meg. Ang dalawang minuto na ibinigay ng Kuya Terence niya kay Andrae para magpaliwanag ay humaba at inabot na ng tatlumpung minuto.

Pinapakiramdaman niya ang sitwasyon sa labas. Sa oras na makarinig siya ng kahit na anong ingay ay lalabas siya. Parang sasabog ang dibdib niya sa kaba lalo na at napakatahimik sa labas. Hindi kaya lumabas ang mga ito at sa labas nag usap para hindi niya marinig ang mga pag uusapan ng mga ito?

Napapitlag nalang siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nag-angat siya ng tingin at nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Andrae ang pumasok. Bahagya itong ngumit sa kanya.

"S-si Kuya?" tanong niya at saka ito nilapitan.

"Umuwi na sila." Sagot nito.

Nag-aalalang tiningnan niya ang putok sa ibabang bahagi ng labi nito. "K-kukuha lang ako ng yelo sa labas." Akmang lalabas na siya nang maagap nitong pigilan ang braso niya. Niyakap siya nito.

"Please stay, Meg. We have to talk."

Napilitan siyang bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama. She was fully aware sa kaseryosohan ng tinig nito. At hindi niya mabasa ang samut saring emosyon sa gwapo nitong mukha ng mga sandaling iyon.

"Isang buwan mula ngayon ay magpapakasal tayo sa simbahan," anito. Maang na napatingin siya rito. Malinaw ang gusto nitong sabihin. "Napag-usapan naming ni Terence ang --"

"Hindi ako magpapakasal sa'yo!" putol niya sa ano mang sasabihin pa nito. "I came here because I wanted to get out of our marriage and not to get married to you again!"

"At hayaang tuluyang masira ang pagkakaibigan namin ni Terence?" sagot nito.

Napangiwi siya. Alam niyang iyon ang dahilan kung bakit sila nito gustong pakasalan muli. Why did he have to be so blatant about it? Hindi ba pwedeng gumamit nalang ito ng ibang dahilan o di kaya ay sabihin nalang na hindi naman talaga siya mahal? Parang mas matatanggap pa niya ang ganoon.

Oo nga at may sumpaan silang magkakaibigan na isang babae lamang ang maari nilang pakasalan sa buong buhay nila. But do they really have to stick with it? Kailangan bang isupalpal pa nito sa kanya ang katotohanang iyon?

Mapait siyang ngumiti. "Nagkamali ka noon ng pumayag kang pakasalan ako nang gamitin ko sa'yo ang dahilan na masisira ang pagkakaibigan ninyo nila kuya. Why will you sacrifice your own happiness just because of the friendship you have with my brother?"

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon