15th Shot:
He felt so tired kahit wala naman siyang masyadong ginawa sa nakalipas na isang linggo na pagpasok niya sa opisina. Siguro dahil na rin iyon sa cast sa braso niya na ngayon lang tinanggal. Pagkagaling pa nga niya sa ospital ay tinawagan pa siya ng isang stockholder at niyayang mag dinner only to find out na ire-reto lang pala siya nito sa anak nito. But of course, tinapat niya ang mga iyon at sinabing he has someone special and that he is still pursuing her until now. Naintindihan naman siya ng mga ito it's just that the woman looks devastated that he turned her down on the first meeting. And somehow, parang naintindihan niya ang nararamdaman nito. The feeling of being rejected.
Pagkagaling niya sa dinner na iyon ay dumiretso na siya sa condo niya para lang magulat sa madadatnang nakaupo sa gitna ng sofa niya sa sala at tanging ang lamp shade lang sa sulok ng sala ang naka-bukas na ilaw.
She looks like she's been waiting there for quite some time now. Naka-pikit ang mga mata nito at naka-crossed arm habang diretso ang pagkaka-upo sa sofa. Mukang hindi nito naramdaman ang pagpasok niya that's why he turned on the lights.
"Andrae Knudsen! Ano itong nabalitaan kong ginawa mo ha? Did you really... ah! Nakipag-live in ka nga ba sa kapatid ng kaibigan mo? Kay Meg? How could you do that? Hindi ka namin pinalaking ganyan ng Daddy mo!"
"Welcome back to the Philippines, Mom!" pambabalewala niya sa tinuran ng ina at saka ito nilapitan at hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Napakaraming babae sa mundo pero bakit si Meg pa!? Alam mong parang anak na ang turing ko sa batang iyon tapos ay ano? Ibinahay mo! My God!"
Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy siya sa kwarto niya para magpalit ng damit sana pero sinundan pa rin siya ng ina hanggang doon. His mother was always a nagger. At alam niyang hindi na naman ito titigil sa kakasalita lalo na at hindi niya ito pinapansin.
Kilala rin ng ina niya ang magkapatid na Monroe pati na ang iba niyang kaibigan. Naging malapit rin ito sa mga kaibigan niya lalong lalo na kay Meg. Sabik kasi ang mommy niya sa anak na babae at nagkataong si Terence lang naman sa kanila ang may kapatid na babae. Even Meg loved his mother so much. Marahil ay dahil maagang naulila ang mga ito sa magulang.
"Andrae, nakikinig ka ba?" tanong nito at saka nameywang sa harap niya. And liit na babae lang ng mommy niya. She only stands 5 feet 4 inches kaya nakatingala ito sa kanya. Napangiti siya. Ayaw na ayaw nito ng tumitingala kaya nga kapag kausap nito ang Daddy niya o kaya naman ay siya ay palagi silang pinapaupo.
"Anong nginingiti-ngiti mo?" salubong na ang guhit na guhit na kilay nito. She's in her late 50's pero kung titignan ito ay parang nasa middle 40's lang and she's still as beautiful as ever na hindi na siya nagtataka kung bakit nagpapa-under ang daddy niya rito.
"I miss you, Mom." He just said then bent down to hug the first woman in his life. "It's good to see you back." Sabi niya pagkatapos itong pakawalan.
"Iniiba mo ang usapan, anak." She said in a lower voice. Yeah! Isang yakap lang sa mommy niya ay kumakalma na ito. Sana ay ganoon din si Meg. But Meg doesn't even want to be touch by him.
"Magbibihis lang ako then we can have a chit-chat." Tumango lang ito at saka lumabas na ito ng kwarto niya... nila ni Meg. Napabuntong hininga nalang siya at saka naligo at nagbihis na.
"WHAT HAPPENED SON?" tanong sa kanya ng ina habang naka-upo sila at magkaharap sa dining table. Inabutan niya itong nagkakape roon.
"Is it true that you two got married two years ago? Na hindi naman pala nairehistro ng huwes na nagkasal sa inyo at kahit na alam mong ganoon ang nangyari ay hindi mo pa rin ipinaalam sa kanya? That's why you kept her here."
BINABASA MO ANG
Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)
RomanceThis is a story about a young lady who fell in love with his brother's friend who is nine years older than her. She did everything to win the heart of her beloved Andrae Knudsen even though her ways are kind of stupid. But who can blame her? She's y...