I will re-post this story one by one. An edited version pa rin kasi wala talaga akong time mag-edit. Sana lang hindi na ako makabasa ng mga comment na tulad ng "copy-pasted lang 'to", "may kamukhang story mula sa isang sikat na publishing", etc., Hindi panghuhusga sa mismong manunulat ang gusto kong mabasa mula sa inyo kung hindi sa kung papaano kayo naaapektuhan sa kwento'ng ito. Magalit kayo sa karakter, maki-kilig, maki-iyak... judge the story and not the one behind it. Hindi lang ito para sa akin o sa story kong ito kundi para sa lahat. Iyon lang, salamat!
Namamasko,
Gen.
(11/26/17)
------------------------------------------------------
12th Shot:
Naramdaman niya ang pagdating ni Drae and when she looked up at the louminous clock, it was past twelve in the morning already.
Hindi na siya nag abalang bumangon pa o gumalaw man lamang mula sa pagkakadapa niya sa higaan. She just waited for Drae to lie down beside her. But it didn't happened kaya pupungas-pungas na bumangon siya para hanapin ito.
When she opened the door of their room, she heard him talking over the phone. She doesn't want to eavesdrop but when she heard that woman's name, hindi niya napigilan ang hindi makinig.
"Diane listen..." ani Drae na parang naiirita na dahil halos sabunutan na nito ang sarili. "Hindi ko siya itinatanggi, okay? But I can't give you what you want and please, don't meddle with my business. You don't have the right to butt-in in my life anymore."
Hindi niya alam kung ano ang pinag uusapan ng mga ito but it seems like that woman wanted something from Drae that he cannot give. Kung ano man iyon ay hindi niya alam.
"You're drunk, Diane so go to sleep. Walang patutunguhan ang usapan nating ito. I'm hanging –– Damn you!"
Bahagya pa siyang nagulat sa tinuran ni Drae. At ang mga sumunod na sinabi nito ay parang kutsilyong humiwa sa puso niya.
"Hindi ko itinatangging sa akin ang bata, Diane. And please, let's not talk about it over the phone. I'll meet you tomorrow at dalhin mo ang anak ko."
Then he hangs up the phone.
Drae has a child. May anak sila ni Diane.
Iyon ang malinaw na rumehistro sa isipan niya at hindi niya alam kung paanong magre-react. He never explained to her who Diane is. And she never dared to asked dahil siya naman ang asawa. But right now, pakiramdam niya ay isang kasinungalingan lamang ang lahat – na lahat na ipinakita at ipinaramdam sa kaniya ni Drae was just because he wanted to make their relationship better for the friendship that he has with her brother.
Pero paano na ngayon?
Would it be better if she would confront him right now? O magbubulag-bulagan nalang siya just because she love him that much that she was willing to be the second best in his heart?
Come to think of it, Drae never said, even once that he loved her. Kaya tama ba'ng isipin na nasa puso rin siya nito?
Napangiti siya ng mapakla at pakiramdam niya ay nawawalan na nag lakas ang mga tuhod niya kaya napahawak siya ng mahigpit sa doorknob na para bang makakakuha siya roon ng lakas.
Nakapagdesisyon na siya. She can't stay blind on the happenings between their personal lives. She needs to know everything. She needs to know the truth. She needs to know if he loved her. And she needs to face everything right now kaya marahan niyang itinulak pabukas ang pinto at nagulat pa siya ng mapagtantong naroon na pala si Drae, holding the other door knob.
BINABASA MO ANG
Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)
RomanceThis is a story about a young lady who fell in love with his brother's friend who is nine years older than her. She did everything to win the heart of her beloved Andrae Knudsen even though her ways are kind of stupid. But who can blame her? She's y...