30th Shot part 1

190K 2.3K 59
                                    

Re-posted!
(01/01/18)


30th Shot: Part 1


DALAWANG LINGGO matapos ang pag uusap nilang tatlo nila Diane ay binawian ito ng buhay. Diane died in her sleep.


Ang sabi ng private nurse nito at ng doctor ay iyon ang pangatlong beses na nakatulog si Diane ng mahimbing na hindi dapat dahil sa posibilidad na baka hindi na nga ito magising which happens. Noong una at pangalawang beses ay naagapan agad ng gamot si Diane na pampagising ngunit sa pangatlong pagkakataon ay hindi na ito naagapan. Tuluyan na itong hindi nagising hanggang sa unti unting bumigay na ito.


Diane remain was sent to her family. Si Thea naman ay napunta kay Drae ang kustodiya dahil sa iniwang habilin ni Diane sa abogado nito. Hindi naman naghabol ang mga magulang ni Diane sa apo at humiling lang na paminsan minsan ay sana'y malaya nilang madalaw ang apo. And Drae was so good enough that he even said that they can bring Thea with them on a vacation once a year or every school vacation.


"Drae, bakit nga pala ang dalas yata ng over time mo? At kadalasan, amoy alak ka kung umuwi?" Tanong niya kay Drae ng umuwi na naman ito ng nakainom.


"Nagkayayaan lang kami nila Dwight. May problema yata eh. Inabutan na naming lasing sa bar kanina at umiiyak." Ani Drae na iiling iling habang nakangiti.


She imagined Dwight's handsome face at may luha sa mga mata. Napangiti rin siya and got interested so she sits beside Drae na nag mga oras na iyon ay nagtatanggal ng medyas.


"Talaga? Bakit daw? Babae ba yan? Kasi kung oo, well that's new!" Aniya. Hindi naman kasi babaero ang kambal na iyon. Si Clyde ay matagal ng si Amber lang ang tinitignan at si Dwight naman ay walang sineryoso sa mga naka date nito. Palagi na ay hindi ito nagpapakita ng interest sa mga babae.


"Well, sort of." Maikling sagot nito at saka basta nalang nahiga sa kama nila.


"Magkwento ka naman Drae. Ang tamad tamad mong magkwento eh. Minsan na nga lang tayo magkasama dahil palagi kang nasa labas eh. Sige na Drae." Pangungulit pa niya rito.


"Kiss muna?" Anitong nakangisi.


Hinampas niya ito sa tiyan. Tumawa lang ito saka siya hinila pahiga at siniil ng halik saka ulit tumawa. Kung minsan parang bata si Drae eh. May mga pagkakataon pa nga na nagpapasubo ito sa kanya sa pagkain tapos sa bandang huli siya na ang kinakain nito. Dessert daw. Well, she doesn't mind at all.


"Ang pakla mo Drae. Maligo ka na nga at matulog na tayo. Si Thea kanina pa natutulog at ang babaw pa naman nun matulog nun." Aniya saka bumangon na.


Mula ng mapunta sa kanila si Thea may isang linggo na ang nakakalipas ay naging malambing ang bata at parating hinahanap ang ina. Mabuti nalang at malapit na ito sa kanya at magaling manlibang ang yaya nito kaya nakakalimutan ang tungkol kay Diane. Pero mula noon ay miminsan pang nakatulog ag bata ng tuloy tuloy sa gabi kaya kadalasan ay itinatabi nila ito ni Drae sa pagtulog.


"You witch! Maingay ka kasi sa gabi kaya nagigising si Thea eh." Biro pa nito sa kanya habang papuntang banyo pero ng nasa tapat na ito ng pinto ay huminto at humarap sa kanya saka doon naghubad.


Binato niya ito agad ng unan. Drae was a tease and a flirt when he's drunk tulad nalang ngayon. "Stop flirting with me, Drae. you don't have to do that 'coz I'm already seduced by you."


Nasa banyo na si Drae ng tumunog ang cellphone nito. Hindi niya kilala ang caller but it must be important dahil alas dyes na ay nakuha pang tumawag. Sinagot niya iyon at bago pa man siya magsalita ay naunahan na sya ng nasa kabilang linya. It was a woman. May babae si Drae?


Nanatili siyang nakatahimik habang nagsasalita ito. Noong una ay hindi niya na gets at inakalang wrong number lang. May binanggit kasi itong ready na raw ang florist and the invitation was already sent to the respective persons on the list. Pero nang mabanggit nito ang pangalan niya ay nagkahinala na siya ng kung para saan iyon.


"Hello Mr. Knudsen? Are you still there? Ang sabi ko po ay naipadala na ang mga wedding invitations ninyo. Bukas po ay ang fitting ng gowns ng mga bridesmaids and groomsmen pati na rin ng wedding suits ninyo."


Nahigit niya ang hininga. Iyon ba ang dahilan kung bakit palaging late ng umuwi si Drae? He's preparing for a wedding!


"Mr. Knudsen?" Untag ng babae sa kabilang linya.


Tumikhim siya ay ginaya ang boses ni Drae. Yung tipong parang bagong gising lang. "Yes, continue." Napangiti pa siya sa sariling kapilyahan.


"The only problem is the body measurement of your bride-to-be. Hindi namin alam kung anong adjustments ang ipapagawa sa gown pero bukod doon ay wala ng magiging problema. Finishing touches nalang for the preparation." Sabi ulit ng babae sa kabilang linya.


"Okay." Sagot naman niya.


"Okay sir. Pero parang may sakit yata kayo? Anyway, see you sir tomorrow at Telpace' Botique in Makati. Bye!"


She was in awe when the call ended.


So Drae and the others was secretly preparing their wedding but she accidentally finds it out!


She felt like crying on the overwhelming feelings that Drae was continuously giving to her.


Kaya ng gabing iyon ay nakapagpasya na siya. If Drae has a plan then she must make her own plan to. At na excite siya sa naisip na plano. Bahala na kahit wala siyang kakampi pero alam niyang isang tawag lang sa mga dapat tawagan ay tutulungan siya ng mga ito. And she only have to call those two to have a comrade.


Napangiti siya sa naisip. Hinalikan niya si Drae at dahan dahang lumabas ng kwarto, leaving him sleeping silently on their bed. She have to make a call while he's still asleep. 




Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon