14th Shot

221K 2.5K 48
                                    

14th Shot: Re-post.
(11/29/17)



"Good morning Sir!"

"Good morning Sir!"

"Good morning Sir!"

Iyon ang paulit ulit niyang naririnig mula sa mga empleyado niya mula pa kaninang pagbaba niya ng kotse niya at ibigay iyon sa valet.

His employees keep on greeting him with a surprise written all over their faces. Hindi kasi siya nagpasabi na papasok na siya ngayon kaya hindi na siya nagtaka kung nagugulat man ang mga empleyado niyang makita siya roon ngayon. Hindi rin naman kasi naging lingid sa mga ito ang nangyaring pagkakaaksidente niya. At kahit gustuhin man niyang ilihim iyon ay hindi niya magagawa dahil noong araw din na maaksidente sya ay naging laman na siya ng peryodiko at telebisyon.

Naging mainit din ang balitang iyon na tumagal ng dalawang linggo. But no one ever made a statement. Not Terence who personally investigate on what really happens, not Clyde and Dwight who was there, at lalong lalong hindi siya. Pinaka-ayaw niya ang media. Kahit si Dwight na enjoy sa lime light ay ni minsan ay hindi nagkomento.

Hindi naman talaga sana magiging big deal ang pagkaka-aksidente niya. It was just a simple vehicular accident kung tutuusin because no one wanted it to happen. Iyon nga lang ay nagkataong naroon sila at kilala ang pangalan nila sa industriyang ginagalawan nila.

"Good morning Sir!" bati sa kanya ng sekretarya niya na halatang nagulat din pagkakita sa kanya na lumabas mula sa elevator. Tinanguan lang niya ito at nagdire-diretso na sa loob ng opisina niya.

Kung dati ay ginagantihan niya ng ngiti o kaya ay binabati rin niya ang bawat bumati sa kanya, ngayon ay hindi. He walks straightly at walang nilingon isa man sa mga bumati sa kanya. A part of him changed. At hindi niya alam kung kalian babalik ang dating Drae but somehow, he knows that he'll heal and came back from what he was before.

Before the accident occurred...

Before Meg left...

Before they had that darkness night of their lives.

Pero sa ngayon, tama na muna sigurong paghilumin na lamang muna niya ang mga injuries na natamo niya, physically. Yeah, physically because deep inside him, he was still hurting, deep inside he's not totally okay,

Isa pa'y hindi naman pwedeng magkulong nalang siya sa unit niya habang hinihintay na matanggal ang cast sa kaliwang braso niya. He can't even sleep on his bed because everytime he lay on bed, the image of Meg came flooding on his mind... the feeling that he felt and shared with her also came back at hindi siya makahinga. Naso-suffocate siya! Alright! It was all good memories but everytime he thinks of it, parang may mumunting kamay ng kumukurot sa puso niya. He can't last a day without thinking of her at ang buong unit niya ay nagpapaalala kay Meg.

Isang buwan palang ang lumipas pero pakiramdam niya ay isang taon na ang nagdaan. Life was so blunt, really blunt without the person you love.

Napabuntong hininga siya at sumandal sa swivel nya at saka hinilot ang sentido niya. Sa loob ng dalawang dalawang linggo niyang pamamalagi sa ospital, kahit isang beses ay hindi siya nawalan ng pag asa na sa muling pagbukas ng pinto ng hospital room niya ay si Meg na ang papasok roon pero kahit isang beses, walang Meg na dumating para dalawin siya. Oo nakakatampo at masakit sa damdamin pero pakiramdam niya ay deserving siya sa lahat ng sakit na iyon. Na kulang pa ang mga iyon sa panlolokong ginawa niya kay Meg though it wasn't intentionally.

Nang ma-discharge siya at umuwi ay umasa na naman siya. Umasa siyang isang araw, Meg would come running home para alagaan siya. Hanggang sa napagod na siya sa paghihintay. He tried to contact her countless of times but she was always out of reach. He even tried sending her mails but it was no use. He asked his friends if they have any idea where she is but he got nothing except for Terence na hindi niya pa nakakausap. And he is hundred percent sure that he knows where his sister is. At dahil hindi siya mapakali ay ipinahanap niya ito.

Two days ago, he found out from the from the private investigator that he hired that she was in California with her friend na nakilala niyang si Emerald. They seemed like their having a good time from the photos that his investigator gave. Napangiti nalang siya knowing that she was safe and sound and at the same time, got hurt.

Kaysa alalahanin ang problema ay inabala niya ang sarili. Pinapasok niya ang sekretarya niya at pinagreport sa lahat ng mga nangyari noong panahong wala siya sa opisina. At nasa kalagitnaan na sila ng diskusyon ng walang anu-ano ay bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok sina Art at ang isa sa kambal. Agad niyang dinismiss ang sekretarya.

"Hindi na talaga kayo natutong kumatok." Nailing nalang siya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Art at nginisihan ni Clyde/Dwight.

"Kaya wag ka ng umasa. Isa pa, sa inyo lang naman naming ni Clyde ginagawa 'to since loyal kayo sa babae nyo at imposibleng mapadpad ang mga iyon sa opisina kaya imposible ring may maganap na SPG."

Binato nya lang si Art ng nadampot niyang eraser na tumama kay Dwight. Yeah, si Dwigth ang kasama nito base na rin sa huling sinabi.

"Kailan tatanggalin iyan?" tukoy nito san aka-cast niyang braso.

"Next week. Pero mamaya, dadaan ako sa ospital at itatanong ko kung baka pwedeng ngayon na. Ang hirap ––"

"Tumae?" putol nito sa sasabihin niya.

Natawa nalang silang dalawa ni Dwight. "Sira ulo! High tech ang toilet bowl ko!"

"Sya nga pala, nagkausap nab a kayo ni Terence?" tanong sa kanya ni Dwight. "Ang gagong 'yon, dalawang linggo ng hindi nagpapakita sakin matapos akong ibitin sa ere nung nakaraang fashion show ko."

So, si Dwight na nga talaga ang isang ito. Naisip niya. Naa-amuse pa rin siya kung paanong hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ma-identify kung sino si Dwight at sino si Clyde lalo na atmadalas na magturuan ang kambal kung sino ang sino.

"Drae!" untag ni Dwight sa kanya. Mukang aburido pa ito sa kanya ngayon and he wondered why.

"Ano nga iyon?"

"Tinatanong kita kung nagkausap nab a kayo ni Terence." Ulit ni Dwight sa tanong nito.

"Ah! Akala ko kasi kinakausap mo sarili mo." Binato siya nito ng stapler na sinalo lang niya. "Anyway, we haven't for quite some time now. Ang huling pag uusap naming ay noon pang na sa ospital ako at hiningan niya ako ng statement. After that, wala na." sagot niya at napatiim bagang nalang siya. Surely, Terence was holding grudges on him right now.

"Hindi na kayo nasanay sa isang iyon." Singit ni Art. "Anyway Drae, any news about Meg?"

Pagkabanggit sa pangalang ni Meg ay agad na gumuhit ang sakit sa dibdib niya. At the same time, guilt.

Tumango siya. "She's in California right now with her friend Emerald." Napatango-tango lang ito. "Ano nga pala ang dahilan at nandito kayo?" pang iiba niya ng usapan.

"Oh that." Si Dwigth na may ibinigay sa kanyang brown envelope. "Clyde said it was the result of the DNA Test. You know what Drae? You don't need to go that far just to knoe if that child was yours or not. You can feel it you know?"

"How do you know that? Nagkaanak ka na ba?" balik tanong niya rito. He was a playboy so hindi Malabo ang tinatanong niya.

Ngumisi ito. "Marami ng nagsabi na naanakan ko sila but the child was no resemblance in me."

"Not in my case." Sagot niya at wala sa loob na itinago ang envelope ng makita niyang masama ang tingin ni Art doon. "We have the same eyes... brown eyes with a flickered of gold."

Pagkatapos noon ay lumabas na ang mga ito.

Noong nasa ospital pa siya ay dinalaw siya ni Diane ng ilang ulit. At noong makalipat na siya sa unit niya ay dinala nito roon ang bata at nagkataong naroon din si Clyde at Dwight. The child looks like a small aparison of Diane except for the eyes na katulad ng sa kanya. Ganun pa man, nang maiwan ng bata ang laruan nitong kinakagat-kagat ay nagka-idea si Clyde at iyon nga ang DNA testing na ginawa nila 2 weeks ago. Hindi nya inaasahan na magiging ganoon kabilis ang paglabas ng resulta but knowing Clyde, he has his own sources.

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon