28th Shot

186K 2.1K 77
                                    

Re-posted!
(12/29/17)


28th Shot:


PINUNTAHAN NILA si Diane sa inuupahan nitong condo unit sa Makati. Ang alam nila ay ang nanny lang ni Thea ang kasama ng mga ito sa unit na iyon. And if Diane was really sick, then she should atleast hire a personal nurse to take care of her. Ayaw daw kasi nitong magpaospital.


Pagdating nila sa unit nito noong hapong iyon ay nakasalubong nila ang nanny ni Thea paglabas nila ng elevator. Kilala na sila nito dahil ito ang madalas maghatid sa bata sa kanila.


"Hi!" bati niya rito. "We came to visit... Thea." Aniya rito.


Halata ang pagkagulat sa mukha nito ng Makita silang naroroon. Marahil ay nasabihan ito ni Diane na hindi nila dapat malaman ang kundisyon nito.


"Ah... eh... Hi din po, Ma'am, Sir." Anitong parang naaalangan.


"Nariyan ba ang Ma'am Diane mo?" tanong ni Drae rito.


"Saan ka nga pala pupunta?" tanong naman niya kasabay ng tanong ni Drae. Tinignan lang sila ng nanny ni Thea; hindi alam kung sino ang sasagutin sa kanila.


"Nasa loob po sila at natutlog. Ako naman po ay pupunta ng supermarket habang tulog ang alaga ko."


"Ganoon ba? O sige, babalik nalang kami. Pakisabi nalang Kay Diane, ha?" aniya rito. Naramdaman pa niya ng gagapin ni Drae ang isang kamay niya na para bang hindi ito sang-ayon sa sinabi niya.


Nilingon niys ito at pasimpleng kinindatan kasabay ng pagpisil niya sa kamay nito. Mukang wala kasing balak ang nanny ni Thea na patuluyin sila sa unit na tinutulayan ng amo. And she looks so shock to see them.


Sinabayan nila ito sa pagbaba pero huminto sila sa 3rd floor, limang floor lang iyon mula sa unit ni Diane.


Hinila na niya si Drae dahil mukang hindi nito nage-gets ang inaakto niya at nagpapatangay lang sa kanya. Nakakunot na rin ang noo nito sa kanya. Napapangiti tuloy siya ng wala sa oras.


"Sige ha? Dito nalang kami. May pupuntahan pa kaming kaibigan eh." Paalam niya sa nanny.


"Sinong pupuntahan natin dito? May kakilala ka ba rito bukod kay Diane?" tanong ni Drae ng sumara na ang elevator.


"So hindi mo na-gets?" she said then burst into laughters at hinahampas hampas pa niya ang braso ni Drae. Nakatingin lang ito sa kanya ng salubong ang mga kilay. "Okay. I'll stop."


"Bakit nandito tayo?" anito habang nakasibangot pa rin at nakapamulsa. He seems irritated.


She tip toed at kissed him. "Ang cute mo pala Drae kapag nakabusangot ka. Anyway, mukha kasing walang balak yung nanny ni Thea na papasukin tayo kaya hinyaan ko nalang muna siyang umalis at gumawa ako ng excuse na kunwari may bibisitahin tayo rito kahit wala naman talaga."


"And?"


"Wag ka ng magtanong at bumalik nalang tayo sa floor nila. I know, you're worried about her at marami kang gusting itanong at liwanagin sa kanya so I'm doing you a favor." Hindi niya ito tinitignan habang sinasabi niya iyo. Nakatingin lang siya sa pintuan ng elevator at naghihintay na magbukas iyon.


Pinihit siya ni Drae paharap ang kissed her forehead.


"Thank you, Meg. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang babaeng minahal ko. I love you."


Ngumiti lang siya rito. What he said was more than enough to take away all her worries; all what if's in her mind.


Pagdating nila sa tapat ng unit ni Diane ay akmang pipindutin sana ni Drae ang doorbell ng mapansin nilang naka awang iyon. She slowly opens up the door and makes their way inside the unit. Nakakailang hakbang palang sila ni Drae ng marinig nila ang boses ni Diane.


"May nakalimutan ka ba Nancy? Bakit ka bumalik?" anito ilang hakbang mula sa kanila.


Lihim siyang napasinghap ng makita si Diane rather ang ayos nito. Ang Diane na kilala niya na palaging maayos ang buhok ay ngayon ay mukhang hindi man lang nakapanuklay at basta nalang iyon ipinusod; ang dating mapupula nitong labi, ngayo'y namumutla pati na rin ang buong mukha nito. And she lost so much weight for the past five weeks mula ng huli niya itong Makita.


She took a glance at Drae who is beside her at kitang kita rin sa mukha nito ang labis na pagkagulat pagkakita sa kalagayan ng dating kasintahan. Ilang beses itong kumurap kurap marahil ay inaakala nitong namamalikmata lang sa nakikita dahil talaga naming ibang Diane ang nakatayo sa harap nila ngayon.


And there's something weirder about her.


"Nancy?" ulit nito sa pangalan ng nanny ni Thea.


Nakatayo ito sa mismong harap nila ilang hakbang lamang mula sa kanila pero bakit napagkakamalan sila nito na si Nancy?


She gasps when the realization strikes through her.


She can't see them! She's blind!


"Diane..." banggit ni Drae sa pangalan nito.


Diane gasps and covers her mouth using her both hands at napahakbang ito paatras kasabay ng biglang pagtalikod sa kanila. Lumakad ito ng nangangapa at ng makarating sa pinakamalapit na upuan ay parang hinang hinang naupo ito roon.


"You shouldn't be here, Drae. I don't want you to see me like this." Anito kasabay ng pag agos ng masaganang luha sa mga mata. Gone was the though and composed woman she ever known. Ang nasa harapan nila ngayon ay isang simpleng babae na lamang na may sakit.



*****

Vote, comment and kindly share this story to your friends! :)

And join our Facebook page, too! We are looking for an editor and a moderator. Pm me for those who are interested. :)

Here's the link: https://www.facebook.com/mssongsari23stories/

Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon