"WELCOME BACK to the Philippines!" narinig niyang bati ng Uncle Thomas nya.
Ito ang sumalubong sa kanila ng kuya niya sa NAIA Terminal 1. Kasama nito ang mga kaibigan ng kuya niya. May saya at kabang lumukob sa dibdib niya pagkakita sa mga ito.
"Thank you, Uncle." Sagot niya na humalik sa pisngi ng huli habang ang kuya nya ay sinalubong ng mga kaibigan nito.
"And look who's here!" wika ni Art, isa sa mga kaibigan ng kuya Terence niya. "Meg, you've grown a lot! Look how beautiful you are right now!" anitong inakbayan siya.
"Exag ka Art,"ang kuya Terence niya. "Pumuti at tumangkad lang ng konti si Meg pero siga parin yan." At saka nagtawanan ang mga ito habang si Irving o Irv, ay niyakap siya. Sa lahat ng kaibigan ng kuya niya, si Irv lang ang itinuturing niyang parang pangalawang kuya niya.
"Oy Irv, ano yan ha?" tanong naman ni Dwight nang mapansin sila nito. Katabi nito ang isa pang lalaking kamukhang kamukha nito na malamang ay si Clyde. At malamang rin na si Clyde ang nagsalita. Ewan pero nakakalito ang dalawa.
"Welcome back hug, mag 'tol!" sagot naman ni Irv nang bitawan sya. Pagkatapos ay ngumisi ito. That evil grin of him that she missed. Isa kasi ito sa mga kakampi niya kapag napagtutulungan siya ng kambal at ni Art.
"Payakap rin kay tibo!" sigaw naman ni Clyde/Dwight at nagsisunod na rin ang iba pagkatapos ay niyakap siya ng mga ito. "Hoy Drae! Halika na rito. Pati na rin ikaw Terence."
Para siyang nabatao-balani pagkarinig sa pangalang iyon pero hindi siya nagpahalata.
Para silang mga bata na ngayon lang nagkita-kita. Bakit nga ba? Eh bukod sa kanila ng kuya Terence niya ay galing din ng iba't ibang bansa ang mga ito at madalang lang talagang magkita dahil na rin sa kanya kanyang mga trabaho dahil kahit naman mukhang easy go lucky ang mga ito ay pagdating naman sa mga seryosong usapan ay maaasahan ang mga ito.
They are one of the youngest and successful business man in the country as of today kaya hindi na rin kataka-taka na paminsan minsan ay laman ang mga ito ng business columns not to mention that they are all good looking and single. Well, lima nalang sa kanila ang talagang single pa.
HABANG NAGKAKASIYAHAN ang magbabarkada sa pool ay hindi niya maiwasang hindi sulyapan ang isa sa mga ito. Kanina pa rin niya napapansin ang pananahimik nito. Ngunit gusto man niyang kausapin si Drae ay hindi niya magawa. Naiilang kasi siya sa mga titig na iginagawad nito sa kanya paminsan minsan kung hindi nakatingin ang mga kuya niya.
"Hoy Meg!" sigaw ni Dwight/Clyde. "Anong ginagawa mo dyan sa taas? Sinisilip mo na naman ka-macho-han ko no?" anito saka humalakhak.
BINABASA MO ANG
Shotgun Marriage (PUBLISHED under LIB)
عاطفيةThis is a story about a young lady who fell in love with his brother's friend who is nine years older than her. She did everything to win the heart of her beloved Andrae Knudsen even though her ways are kind of stupid. But who can blame her? She's y...