Miles's POV
(Nasan kana?) si McCoy. Magda-date daw kami ngayon eh.
"Hmm? Nagbibihis na!"
(Palang? Tss, sabi ko sayo-)
"Oo na! Alam mo naman kung gaano ako kahinhin diba? Alam kong nasa bahay kana, pumasok ka nalang."
(Okay.) I ended the call at dali-daling nagbihis. Bumaba agad ako at sinalubong siya.
"Hi." I greeted.
"Your late."
"Nge, nasa teritoryo kita, Mister De Leon. Kaya huwag na huwag mo 'kong gaganyanin dito." I hugged him.
"Alam ko. Ano paba magagawa ko kung nagsalita na iyong queen ko, diba?" he smiled and kissed my temple.
"That's my king. Oh tara na, baka gabihin tayo." hinila ko na siya palabas ng bahay nang bigla siyang tumigil."Oh?"
"Gagabihin tayo, remember?"
"Ahh, oo nga pala. Sige na, sige na!" hinila ko na siya palabas ng bahay. Sumakay kami sa sasakyan niya at umalis na.
Una kaming pumunta sa mall, bumili siya ng mga idadamit namin dahil may pupuntahan daw kami. Well, monthsary namin ngayon. Wala siyang binanggit sa surprise niya. May binili din siya na hindi ko alam. Ewan ko ba, kinakabahan ako na ewan. Pero, excited din. Gabi na nang marating namin iyong last destination namin. Bago kami pumasok sa isang garden, binigay niya sa akin ang isang t-shirt sakin at isa naman sa kanya. Nakasulat doon ang mga endearment namin. King and Queen. Bigla akong napatingin sa kanya. Suot na niya iyong damit, King. Tiningnan ko iyong sakin.
"Queen." rinig ko sa kanya. Napangiti ako.
"Ang cheesy mo, King." he smiled.
"Isuot mo na iyan." I nodded at pumasok na sa isang kwarto doon. Sinuot ko iyong damit at lumabas na. Nakangiting sinalubong niya ako at tinakpan iyong mata ko ng blindfold.
"You know, I hate surprises, King."
"I know you love me too, Queen. Trust me." he whispered. Kinuha niya iyong kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Naramdaman konghindi na grass iyong natatapakan ko, parang kahoy na siya. Tumigil na kami. Pumunta naman siya sa likod ko at tinanggal iyong nakatakip sakin. And there, lanterns on the floor and trees, lights on the trees and a candle-lit dinner in the middle. Simple yet, magical. Niyakap niya ako mula sa likuran."Do you like it?" he asked me. Humarap ako sa kanya. Namumuo na rin iyong mga luha ko. Kaya ayaw ko sa mga surprises eh, bigla akong nagiging emotional.
"No." sagot ko sa kanya. Yumuko ako para itigil iyong pagtulo ng luha ko. Tumingin ako sa kanyang mata."No.. because, I love it." he wiped my tears and hugged me tight.
"Luh, sssh. Huwag kang umiyak." tiningnan niya ako saglit at niyakap ulit ako."Tahan na, Queen. Hindi ko intensyong.."
"Thank you, King." ngumiti ako. "Alam kong ang OA ko, pero maganda siya. Ikaw, ha."
"Bakit?"
"Wala. I love you. Sige na, kain na tayo." umupo na ako sa upuan.
"Before we eat, here." habang inaabot iyong isang box. Kinuha ko iyon at binuksan ito. Oh shocks! A Queen's Crown ring.
(A/N: Nasa taas po yung picture ng kemeng 13th monthsary suprised dinner ni McCoy for Miles.)
"A-a ring?" nasambit ko habang tinititigan iyong singsing.
"A promise ring. And look, meron rin ako." pinakita niya sakin iyong promise ring niya. King's crown naman iyong design iyon. "That ring of yours and mine symbolizes na kahit anong rules, kawal, evil queen ang makakasira natin, hindi tayo matitibag. We have our love, our castle. Na hinding-hindi masisira ng kahit anong malakas na spell. And it will reminds us na, ako. Ako iyong King mo. At ikaw, ikaw iyong Queen ko. Nagpapatunay lang iyan na mahal na mahal kita at ganun ka din sakin. And I promised you na hinding-hindi ako gagawa ng bagay na makakapag-iyak sayo. Alam kong common na ang promise na iyon, pero seryoso ako dun. I love you, queen ko. No matter what happens, mamahalin parin kita." isinuot niya iyong ring sa palasingsingan ko habang pumapatak iyong luha ko. Ang sweet niya kasi.
"Wala akong masabi, King. Ang haba kasi ng speech mo , eh." nagbibirong saad ko dito. Ngumiti siya.
"Kahit kailan talaga, napaka-wrong timing mo." natatawang sabi niya sakin at saka pinisil iyong ilong ko.
"Sorry naman." pinahid niya iyong luha ko.
"Oh sige na. Kain na tayo." ayun, kumain na kami pagkatapos ng madramang scene na iyon kanina. Habang kumakain, palihim akong sumusulyap kay McCoy. Ang swerte ko talaga dito.. kahit medyo topakin siya minsan, sweet padin. Ang swerte ko dahil nakilala ko siya. Ang swerte ko dahil nakita ko siya. Ang swerte ko dahil minahal ko siya.. kotang-kota nga ako sa kanya eh. Kotang-kota ako sa pagmamahal.

BINABASA MO ANG
#McCoy: The Smiley Chinito
FanfictionHe's McCoy, a happy-go-lucky guy. Never na nagalit... Never na nagtampo.. Never na sumimangot.. Never na nagselos.. And now he's McCoy, bipolar. Palaging nagagalit. Palaging moody.. Palaging may guhit ang noo.. At palaging seloso. And she's Miles...