McCoy's POV
"San punta?" habol ni Ronnie nang palabas na ako ng room namin. Uwian na kasi at kailangan ko pang sunduin si Miles.
"Kay Miles. Sige, brad. Una na ako. Kanina pa iyon naghihintay, eh." agad akong tumakbo at hindi na hinintay iyong sagot ni Ronnie. Nang malapit na ako sa room nila, nakita ko siyang may kausap na lalaki. Hindi ko kilala, siguro bagong estudyante. Nilapitan ko sila. Siguro, naramdaman ni Queen iyong presensiya ko at tumingin siya sakin. Nakangiting lumapit siya sakin at hinila ako papalapit sa lalaki.
"Hi, King. Si Marco pala, kaklase ko. Marco, si McCoy, boyfriend ko." pakilala ni Queen samin sa isa't-isa. Tumango lang ako sa kanya.
"Ikaw pala iyon." si Marco.
"Oo, ako nga." ngumiti lang sakin ito at saka tumingin kay Miles.
"Sige, Miles. Una na ako. Marami pa kasi akong gagawin eh." paalam ni Marco sabay lakad palayo samin.
"Kaklase mo iyon? Mukhang hindi yata pamilyar." tanong ko kay Miles nang tuluyan nang nawala sa paningin ko si Marco.
"Transferee kasi, King. At ako iyong inutusang mag-assist sa kanya." kinuha ko iyong bag niya at nagsimula na kaming maglakad.
"Ah, kaya pala hindi pamilyar." tumingin siya sakin.
"Nagseselos kaba, King?" biglang tanong niya.
"Ba't naman ako magseselos? May dapat ba akong pagselosan... sa kanya?"
"Tinatanong paba iyan? Syempre, wala. Atsaka, kaklase ko nga lang siya. Ang kulet mo din."
"Eh, ba't mo tinatanong kung nagseselos ako?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Ang cute mo kasi eh." biglang nag-ring iyong phone niya."Hello? Photographer? Ahh...." tumingin siya sa akin."May kilala kang photographer, King?"
"Wala eh."
"Wala daw, kuya Niks. Ask mo si ate Janine. Uuuy, kinikilig!! Seryoso, ask mo si Ate Janine. Marami siyang connections. Sige sige, Kuya. Kita nalang tayo sa bahay. Bye." end call.
"Naghahanap siya ng photographer?" tanong ko sa kanya pagkuwan. Tumango siya.
"Oo, para daw sa bagong bukas na Cafe ni kuya Luke."
"Si kuya Luke? May bagong branch na sila?"
"Oo. Galing nga eh. Akalain mo iyon si kuya Nikko, magiging businessman?" natatawang sabi niya.
"Grabe ka naman, Queen. Kuya mo kaya iyon. Maging proud ka nalang." inakbayan ko siya.

BINABASA MO ANG
#McCoy: The Smiley Chinito
FanfictionHe's McCoy, a happy-go-lucky guy. Never na nagalit... Never na nagtampo.. Never na sumimangot.. Never na nagselos.. And now he's McCoy, bipolar. Palaging nagagalit. Palaging moody.. Palaging may guhit ang noo.. At palaging seloso. And she's Miles...