Chapter 9

67 2 0
                                    

Nikko's POV


"Hmmmm..." I hummed. Natigil ako sa paghu-hum nang mapadaan ako sa opisina ni Luke. Sinilip ko siya. Nakatulala lang siya habang nakangiti. Ano kaya iyong iniisip niyan? Alam niyo, kung hindi ko lang kilala iyang si Luke, kanina ko pa sinigawan iyan na 'Baliw! May baliw dito!'. Kaya lang, boss ko iyan eh. Sadlyp.


"Hay.." he sighed. Pumasok ako ng opisina niya.


"Excited ka 'no?" tukso ko kay Luke. Napalingon siya.


"Excited saan?" slow -_-'


"Sa appointment mo with Elgen."


"Bakit ako maeexcite? What's new?"


"Wala naman. Pero, iyong mga ngiti mo kanina, iyon ang bago."


"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"


"Ikaw. Kanina. Tulala."


"Idiot."


"Bakit?"


"Anong bakit?"


"Bakit ka nakangiti?" panghuhuli ko.


"Wala iyon.."


"Sabihin mo na! Tayo lang naman, eh."


"Nah, it's about her." he said.


"About who?"


"About E-elgen?" huwag niyong sabihing...


"Nagkiss kayo?!" bulalas ko. Tinapon niya iyong ballpen niya sakin.


"Tange! Hindi. I mean, natakot lang ako sa sinabi mo.. iyong about sa physical attraction? Maybe, I'm in danger."


"Ha? Nasa panganib ka? Bakit, may nagbabanta ba?"


"Isa ka nalang, Nikko, ha! Mababatukan na talaga kita. Ang ibig kong sabihin, baka.. baka nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi ako sigurado. Kagabi ko lang naramdaman 'to. I-i don't know, that night, when our eyes met, I feel something.. strange. Bigla kong naalala iyong sinabi mo, iyong about sa physical attraction nagsisimula ang lahat? Then, suddenly. Bigla akong natakot." so he took it seriously? Posible naman, diba? Sa panahon ngayon, hindi na ugali iyong tinitingnan kundi iyong panlabas na anyo. Pero, hindi ko din masisisi si Luke, napili niya ang tamang babae.


"Alam mo, brad. Payong kaibigan lang, ha? Siguraduhin mo muna. Kasi ang hirap naman 'pag niligawan mo siya, hindi kapa sigurado sa nararamdaman mo. Baka pag naging kayo, saka mo siya iiwan at marerealize mo na wala ka naman talagang gusto sa kanya, in the first place. Parang ang siste, pinaasa mo lang siya." natigilan siya. Grabe, napahaba yata iyong hugot ko? Ah, bakit nga ba ako humuhugot ngayon? Dahil, galit na naman iyong babaeng pinakamamahal kong si Janine. Mahal na mahal ko iyon, eh. Kaya lang medyo tinopak na naman. Ang hirap pag may girlfriend kang pulis. Ikaw iyong natatakot na magkamali. Biglang nag-ring ang phone ko. Si Miles, kapatid ko. Sinagot ko iyon."Hello?"

#McCoy: The Smiley ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon