Luke's POV
From: Elgen
Hi, Sir Luke. Baka hindi ako makaabot later, baka gabihin kasi ako. May house studio shift kami ni Kuya. Birthday ng kliyente. Maybe tomorrow? Sorry po talaga! Sure na po iyan tom. Na-email ko na po iyong mga pictures ko. Sana po matingnan niyo. Thank you.
"Pupunta ba si Elgen ngayon?" si Nikko.
"Hindi, kaka-text lang. Bukas daw. Baka daw hindi siya makaabot later." sagot ko dito habang tinitingnan iyong mga dokumento.
"Ay, sayang naman. Tuloy ba iyong proposal?"
"Syempre, tuloy pa."
"Mabuti naman! Ang ganda no? At according sa files na nakuha ko sa kanya, hindi lang siya photographer, model at tutor din. Grabe, ang sipag niya no?"
"Hangang-hanga ka sa kanya, ah?" tukso ko dito.
"Para humanga ka din. Pero, ang sipag talaga eh. Maganda siya pero simple at walang arte. Kung wala lang akong girlfriend, niligawan ko na iyan."
"Alam mo, Nikko. Napakalandi mo! Kapag ikaw sinumbong ko kay Janine, hindi ka lang tatalakan nun, ipapa-ambush kapa."
"Ba't di mo kasi ligawan?" pagpupumilit niya.
"Ba't ko liligawan? Oo, maganda siya. Pero hanggang dun lang iyon."
"Hindi mo ba alam na diyan nagsisimula ang lahat.." sa physical attraction?
"Katulad niyo ni Janine?"
"Iba iyong samin. Pusa iyon, aso ako. The more you hate, the more you love ang drama namin, brad." si Nikko sabay upo sa upuang nasa harap ng mesa ko.
"Kahit na! Wala akong planong ligawan siya. Kota na ako sa sakit, Nikko. Sagad na sagad na. Hanggang doon nalang iyon."
"Napaka-nega mo naman, Luke! Nasaktan kalang, hindi nawala iyong puso mo. Pwede kang magmahal ng ilang beses. Hindi ka naman namatay nung iwan ka niya, ah? Unless, nagbigti kana 'nun."
"Gago ka talaga! Tumigil kana nga!" tumigil naman siya at tumatawang lumabas siya ng opisina ko. Napakagago talaga nun kahit kailan.
Nagtrabaho na kami. Marami parin kaming costumer kahit gumagabi na. Nang matapos ang shift namin at nang naayos na namin iyong mga upuan ay sinara na namin ang cafe. Napalingon kami nang may biglang may humihingal sa likod namin. Na para bang hinahabol siya ng--
"Elgen!" si Nikko.
"H-hi.." hinihingal na bati ni Elgen.
"Ba't nandito ka? Gabi na ah?" tanong ko dito.
"Gusto... ko lang... humabol.."
"Pagod kana. Bukas nalang tayo mag-usap."

BINABASA MO ANG
#McCoy: The Smiley Chinito
Fiksi PenggemarHe's McCoy, a happy-go-lucky guy. Never na nagalit... Never na nagtampo.. Never na sumimangot.. Never na nagselos.. And now he's McCoy, bipolar. Palaging nagagalit. Palaging moody.. Palaging may guhit ang noo.. At palaging seloso. And she's Miles...