Miles's POV
"Namiss ko iyong tawang mong 'to. Tumawa ka naman.." paglalambing ko kay McCoy, ang peymus kong boyfriend. Hawak-hawak ko yung picture niya nung pinictyuran ko siya noon nang mag-date kami minsan.
(A/N: Nasa taas yung picture niya :) )
"Nakangiti na 'ko." aniya at sabay pumilit ng ngiti.
"Sabi ko, tawa. Hindi ngiti, tss." nagtatampong saad ko dito. Tumalikod ako sa kanya at tinago yung picture niya. Tumayo ako at lalakad sana palayo nang bigla niya akong hinila paupo ulit.
"Eto naman eh.. pikon agad. Sige na, tatawa ako sa isang kundisyon." tumingin ako sa kanya habang nagtataka. Ang arte din nito minsan.
"Anong kundisyon?" tanong ko dito. Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong yung chin niya sa shoulder ko.
"Patawanin mo 'ko." bigla akong napatingin sa kanya. Waaaah! Ayoko nga! Ang hirap kaya niyang patawanin.
"Ayoko. Ang hirap mong-- M-mccoy!" namumulang sabi ko dito. Bigla ba namang manghalik sa pisngi. Bigla siyang tumawa.
"Ang chubby kasi ng mahal ko eh." sabay pisil sa dalawang pisngi ko."Tapos, ang cute cute pa." bigla akong napangiti.
"Alam ko iyon. Kaya nga, minahal mo 'ko eh."
"Banat ba iyan?" napangiti ako at umiling.
"Totoo naman iyon diba?" bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"Tinatanong paba iyan?" bulong niya. Bigla akong nag-blush. Kahit kailan talaga, oh! Weleng erew ne hende neye eke penepekeleg >.<
"Oo na! Ang galing mong magpakilig." bigla siyang lumayo ng kaunti sa akin at tinitigan ako.
"Nagba-blush, oh." panunukso niya."Huwag ganun.. lalo akong naiinlove sayo eh." waaaah! That banat thoooo /////////////>.<//////////////
"Mamaya na kayo maglambing, mga lovebirds. May class pa tayo." si Ronnie, kaklase niya.
"Panira ka talaga!" si McCoy. Tumawa si Ronnie.
"Nilalanggam na ako eh." tukso niya atsaka lumakad palayo. Sumunod kami sa kanya.
Habang naglalakad kami sa hallway, magkaholding-hands kami. Well, sanay na kami na ganito kami. Lahat ng mga estudyante, alam iyong relasyon namin. Famous siya diba? Then, ako. Well, famous ng kaunti pero keri na. Kilala rin. Lalo na pag-tinitingnan kami ng mga tao. Wala naman kaming kalaban. Mukhang mabait din ako minsan eh, este mabait naman talaga ako lagi. Pwera lang dun sa boyfriend kong peymus. Masyadong cold-hearted. Minsan, nababatukan ko iyan eh. Nakakainis na kasi siya minsan, yung meanie na? Pero, minsan din, kapag hindi siya tinotopak, maganda iyong araw niyan.
"Nandito na tayo. Ingat ka, ha? Huwag matopak." paalala niya sakin habang inaayos iyong buhok ko.
"Ikaw iyong mag-ingat. Taong 'to. Sige na, bye na."hinalikan niya ako sa pisngi."Ronnie, pakibantayan at baka magbeast mode iyan. Atsaka, huwag mong unahan si Erich, baka makakatikim ka ulit dun." paalala ko sa isa.
"No. Hindi ako magbe-beastmode. Alam ko namang mabilis kumalat yung balita sayo. Sige na, upo na dun. Bye." paalam niya as he waved goodbye. Pumasok na ako sa room ko at dumiretso sa upuan ko.
"Hi, Miles!" bati nung kaklase ko.
"Hello." I greeted back.
"Inihahanda na namin iyong preparations para sa monthsary niyo, Miles. Well, hindi pa tapos pero kakayanin." si Sherilyn.
"Huh? Hindi niyo naman kailangang..."
"Utos ni McCoy eh." singit ni Isabella. Napabuntong-hininga ako.
"Sige sige. Pag natapos, balitaan niyo 'ko ah?" umiling sila.
"Surprise niya iyon para sayo." si Mhicay. Nanaman? Ano ba naman iyan!!
"Sige, thanks for UPDATING me." pagpaparinig ko. Inayos ko na iyong upo ko nang pumasok iyong teacher namin. Nagdiscuss lang siya then nagcheck ng attendance at tapos na. At uwian na. Hindi pa din ako lumalabas ng room nang makalabas na iyong lahat ng mga kaklase ko. Ewan ko ba, nainis ako dun sa surprise. Huhu.
"Miles?" napalingon ako. Si McCoy.
"Uy, Marc." nagtatakang lumapit siya at umupo sa tabi ko.
"May problema kaba?"
"Ha? W-wala." kinuha ko iyong bag ko."Tara na, uwi na tayo." yaya ko sa kanya. Bigla niyang kinuha iyong kamay ko at marahang pinisil iyon.
"Miles.." I sighed at tumingin sa kanya.
"Ayoko nang surprises, Marc."
"Huh? Anong surprise?" kunot-noong tanong niya.
"Tungkol sa monthsary natin." bigla siyang natigilan.
"Sinabi nila sayo?" tumango ako."Edi hindi na surprise iyon sayo."
"Hindi nila sinabi iyong detalye."
"Nge? Ano kaba, ako nang bahala dun. Birthday mo iyon eh. Atsaka, gusto ko, engrande iyong birthday mo." napangiti ako at napayakap sa kanya.
"Thank you, king. Thank you." bulong ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap. Hinawakan niya iyong baba ko at hinalikan ako sa noo.
"As always, queen. I love you." Uggh, I really feel his respect.
"I love you too." I whispered and kissed him on his lips. He smiled.
"Tara na. Hatid na kita." kinuha niya iyong bag ko at inaya ako palabas ng room.
BINABASA MO ANG
#McCoy: The Smiley Chinito
FanfictionHe's McCoy, a happy-go-lucky guy. Never na nagalit... Never na nagtampo.. Never na sumimangot.. Never na nagselos.. And now he's McCoy, bipolar. Palaging nagagalit. Palaging moody.. Palaging may guhit ang noo.. At palaging seloso. And she's Miles...