Chapter Three

94 1 0
                                    

McCoy's POV

"Marc, sa sobrang sweet niyo ni Miles. Nakakabwisit kayong tingnan, alam mo ba?" si Jameson, isa sa mga kaklase ko.


"Naiinggit ka lang. Humanap ka din kasi."


"Tss, wala akong mahanap."


"Ang tanga mo naman kasi. Ang raming nakapila sayo tas iyong maarte pa iyong nagustuhan mo."


"Alam mo napaka mo. Eh sa kanya ako natamaan eh. Ano ba paki mo?"


"Drama mo, brad. 'Di bagay sayo."


"Erm.." napalingon kami nang may tumikhim. Si Ronnie.


"Ano balita?" umupo siya sa paharap samin.


"Wala. Galit pa din siya, ayaw niya akong kausapin."


"Bakit daw?" napakibig-balikat siya.


"Ewan ko dun. Baka tinopak lang." aniya.


"Si Erich?" si Jameson. Tumango ako.


"Tsk tsk, relationship problems. Natural lang iyan, brad. Isabay mo pang babae iyan."


"Alam ko. Pero, minsan. Lumalala siya eh. Alam mo iyong nagiging bipolar siya, nagiging moody. Parang may PMS lagi." si Ronnie.


"Mukhang problema iyan, ah? Hindi mo ba alam na may tendency na magsasawa siya? I mean, well, baka? Baka lang naman." si Jameson. 


"Kaibigan ba kita! H-huwag ka ngang ganyan. Gago, natatakot ako ha!" si Ronnie.


"Nagbibiro lang ako. Pero, seryoso ako ng kaunti dun, ha? Pero, medyo hindi din ako sure."


"Ang gulo mong kausap, James. Tumahimik ka nalang pwede?" anas ko dito. Daldal eh.


"Oo na. Oo na."


"Hi, guys!" napalingon kami nang marinig namin ang boses ng pinakamamahal ko, si Miles. Tumayo ako at sinalubong siya.


"Queen." inakbayan ko siya. "Anong ginagawa mo dito?"


"Wala na kaming klase. Uuwi na ako. Susunduin ko pa kasi iyong pinsan ko."


"Si Jierlyn?" tumango siya.


"Oo. Dito na daw muna siya habang busy siya sa study niya dito sa pilipinas." umupo siya sa upuang malapit sa kanya.


"So, dito na talaga siya nag-aaral? For how long?"


"Maybe, mga 5 years na ata, simula nung nagmigrate iyong parents niya sa states."


"Condo?" she shooked.

#McCoy: The Smiley ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon