this story you bout to read is containing a theme does not appropriate to those younger readers (chika lang xD) this story is all about love between two boys (BoyxBoy)
so if you don't like the theme of this story. you can take your ass somewhere else thanks ...
---Authors Note:
dahil sa napanood kong obra na music video ni TroyeSivan ay talagang binigyan nya ako ng inspirasyon para ilagay dito yung napaka gandang storya nito na talagang nagpaiyak saakin ng ilang araw :) ang ibang parte ng storya ay talagang galing sa music video pero hinaluan ko ng sariling ideya.Blue Neighbourhood is now available in all leading music store, ( pero nung bumili ako in just 2 days sold out agad but God is good nakabili ako ng isa xD )
****pakiplay music para damang dama
Wild
by Troye Sivan--
Troye POV (sakanya ko nalang din ipangalan)
* elementary days *
" bakla! bakla! " hindi ako makausad makaalis saking kinakatayuan dahil nakapalibot saakin yung mga kaklase ko, yumuko na lamang ako para kahit paano ay hindi kuna mapansin. iisipin ko nalang na kahit 9 years old pa lamang ako ay matatag nako sa mga gantong panlalait,
simula pa lang ng tumuntong ako sa elementarya ay malinaw na saakin kung ano ba talaga ang kasarian ko, at ng malaman ng mga naging kaklase ko ay halos hindi na natigil ang mga panlalait. nung una ay talagang umiiyak ako at ginusto ko nalang na huwag na lang pumasok sa paaralan pero ipinaintindi nila mama at papa na hindi maari iyon, nung tumuntong ako sa ikatatlong baitang ay tila nasanay na ako kaya hindi ko nalang ito dinadamdam.
" mga bata anong ginagawa nyo kay Troye, magsipasok na kayo " napangiti ako ng bahagya dahil sa bigla ang pagdating ni Ms Sandy, " ayos ka lang ba Troye? " tanong saakin ni Ms Sandy.
" opo Ms salamat po sa pagdating nyo " hinawakan nito yung ulo ko at hinaplos. sabay kami ni Ms Sandy na pumasok sa classroom, ng makapasok kami ay pinangaralan ni Ms ang mga kaklase ko matapos noon ay napagdesisyonan ni Ms ang ilipat nalang ako ng upuan sa harap para daw ay makita nya agad ako kung may mang aapi pa sa akin,
akala ko ng mailipat ako sa harap ay magiging maayos na, pero kapag hindi nakatingin si Ms ay patuloy padin ang panlalait nila sa akin, nung una ay bulong lang hanggang sa umabot na hinahatak ang buhok ko mula sa aking likuran pero dahil ayoko ng abalahin pa si Ms ay nanahimik na lamang ako,
-
natapos ang klase namin ng may ngiti sa aking mukha, dahil ako ang may mataas na iskor nung nag pa spelling test si Ms Sandy. " Ms Sandy uuwi na po ako, maraming salamat po at mag ingat po kayo " bago pa ako tuluyang makalabas sa silid ay tinawag ako ni Ms Sandy.
" anak okay ka lang ba? sa pang aapi nila sayo bat hindi mo sinasabi sa akin? " ani ni Ms sabay haplos nito sa aking ulo.
" okay lang po ako Ms, ayoko na po kasing palakihiin pa nasanay nadin naman po ako. hindi ko din naman po sila masisi dahil alam kong mahirap intindihan at tanggapin ang kasarian ko kaya hinahayaan ko na lang po " yumuko nalang ako para pigilan ang mga patulong luha ko.
" bata ka pa Troye wag mo ng pigilan ang pag iyak, hayaan mong umagos ito para kahit papaano ay maibsan yang sakit na nasa puso mo " marahan inangat ni Ms ang mukha ko at doon na nagsimula ang pagtulo ng aking mga luha. " pero bilib ako sayo Troye dahil kahit sa musmos mong edad ay kinakaya mong magpakatatag sa mga ganyang binabato ng mundo sayo " naglabas sya ng isang panyo at pinunasan ang aking luha,
" inaalala ko nalang po yung pangaral sa akin ng aking mga magulang, na kahit ilang milyong tao ang hindi matatanggap o tatanggapin ang pagkatao ko ay may dalawa pading tao ang bukod tanging tatanggap at ipaparamdam sa akin mahal nila ako at tatanggapin nila ang buong pagkatao ko " bigla ko nalang naramdaman ang mahigpit na pag akap sa akin ni Ms Sandy,
" labis akong natutuwa sayo Troye dahil napaka bata mo palang pero may taglay kang talino at tatag na higit pa sa edad mo, sana lahat ng kabataan ay maging kasing talino mo at tatag mo pinahanga mo talaga ako ng husto Troye " napangiti ako dahil may isang tao pa palang natutuwa sa akin,
matapos ang pag uusap namin ni Ms Sandy ay pinauwi na nya ako, habang ako ay naglalakad pauwi hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa mga papuring natanggap ko kay Ms Sandy talagang pinagaan nito ang pakiramdam ko.
---
" oh andyan na pala ang anghel namin, o musta ang school anak " bati sa akin ni papa, lumapit ako kay papa at nagmano sakto naman ang paglabas ni mama mula sa kusina kaya lumapit ako dito at nagmano din, ng makita ko ang ulam ay madali na akong naupo, si papa naman ay busy sa pag aayos ng uniform dahil papasok na ito sa trabaho nya,
" okay lang po, ma pa ako po yung may pinaka mataas na iskor sa spelling test ni Ms Sandy kanina " at nagsimula na akong kumain,
" talaga anak? napaka best talaga nitong anak namin " hinalikan ako ni papa sa pisngi ganun din si mama,
" honey aalis nako, Troye anak dahil best ka kanina mamaya may pasalubong ako sayo " ngumiti ako at tumango tango kay papa, hinatid na ni mama si papa palabas ng bahay.
" nga pala anak sa susunod na buwan ay may bago tayong magiging kapitbahay, at balita ko ay may anak na lalaki oh diba anak magkakaroon ka na ng kaibigan kesa naman lagi ka nalang nasa kwarto mo " tila naexcite naman ako dahil matagal ng walang nakatira doon at hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng kaibigan,
kaso naalala kong lalaki, tila nagbalik tanaw ako sa araw na malaman ng mga kaklase ko ang tungkol sa aking kasarian at halos lahat ng nanlalait sa akin ay puro mga lalaki.
" anak alam ko kung anong iniisip mo, hindi naman lahat ng lalaki ay kagaya ng mga kaklase mo noon. itry mo anak makipag kaibigan at sinisigurado kong magiging masaya ka " ani ni mama habang inaayos ang aking pinagkainan.
" opo ma susubukan ko po ang makipag kaibigan sakanya, sige ma aakyat na po ako may assignment " madali na akong pumasok sa kwarto at naupo sa ginawang study table ni papa na tapat sa bintana na tapat din sa bintana ng kabilang bahay,
habang nag aaral ako ay napatingin ako ng matagal sa kabilang bahay, sana nga tama si mama na hindi lahat ng lalaki ay lalaitin lang ako.
" sana nga maging magkaibigan tayo, ipagdadasal ko na magkatotoo yun para magkaroon na akong ng kaibigan " bulong ko sa aking sarili, narinig ko ang tawag ni mama na nakadating na raw si papa kaya madali na akong bumaba
BINABASA MO ANG
Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)
RomanceEnjoy the great story of Troye and Blue, with their wildest love story that only fools can understand - - - this story will remind us how hard to be a part of the LGBT community. but in other half it help you to see how colorful life they have Aut...