" ma akyat lang ako sa kwarto ni Blue ha " pag paalam ko kay mama, kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila Blue para anyayahan sila sa swimming ng pamilya namin." sige anak, dalian mo lang dahil mag aayos pa tayo ng mga dadalhin natin " tumango tango ako at madali ng umakyat ng kwarto ni Blue,
---
" Blue? " pagpasok ko sa kwarto ni Blue ay wala ito, pero nakaayos na ang mga bag nito sa kanyang kama. pero nasan sya ang sabi ni Tito nandito lang sya sa kwarto nya
" huli ka " nabigla ako ng may umakap saakin ng mahigpit mula saakin likuran, " namiss kita Troye " humarap ako sakanya at hinawakan ang batok nya at muli ay naglapat ang aming mga labi namin,
" magkasama lang tayo kagabi ha? " takang tanong ko dito,
" oo nga pero kahit kumarap lang ako at mawala ka sa paningin ko ay namimiss agad kita " hindi ko napigilang kiligin sa sinabi nya,
" teka naka ready na ba lahat ng gamit mo? " kumalas na kami sa pag kakaakap,
" oo naman, pero si papa ay susunod nalang marami kasing inaayos dito sa vulcanizing " tumango tango nalang ako,
---
" oh Blue ipasok mo na yang mga gamit mo sa likod ng sasakyan para makaalis na tayo " tinulungan ko ng ipasok lahat ng dala namin sa likuran, ng maipasok na namin ang gamit ay sumakay na kami ni Blue sa likuran ng sasakyan.
" kayo ba kailan nyo sasabihin sa papa ni Blue tungkol sa relasyon nyo " ani ni papa, nagkatinginan kami ni Blue ngumiti ito saakin at inakbayan ako.
" sakto po sa birthday ni Troye sa susunod na linggo, " hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko halong saya at kaba. pero dahil pinanghahawakan ko ang sinabi ni Blue na mahal nya ako at kaya nya akong ipaglaban ay lumalakas ang loob ko.
" sige maganda yan, pero gusto ko ng mag kaapo anak saka Blue mga tatlo " nakaramdam ako ng sobrang hiya sa sinabi ni papa,
" ako po Tito ready nako ewan ko lang dito kay Troye " kinurot ko si Blue sa tagiliran, nahihiya na talaga ako sa pinag uusapan nila kaya sobrang pula at init na ng mukha ko.
---
" wow ang ganda dito " halos maluwa ang mata namin ni Blue sa napaka ganda ng tanawin, ang maputing buhangin ang maaliwalas na asul na langit at ang malinaw na karagatan na talagang nakakainganyo,
" oh Blue at Troye mag bihis na kayong dalawa, para makalangoy na kayo " madali na kaming pumasok sa tutuluyan namin at nagbihis,
----
nag tampisaw kami ng nag tampisaw ni Blue sa maligamgam na tubig, inenjoy namin ang bawat minuto tinuruan nya din akong sumisid. sa una ay parang mahirap pero kapag magaling ang nagtuturo ay madali lang pala,
" tara kumain na muna tayo " pag aaya ko kay Blue, nakatitig lang ito saakin at may kahalong nakakalokong ngiti. " bakit ganyan yung tingin mo saakin? " lumangoy ito papalapit saakin
" wala ang gwapo mo lang Troye, tas yung mga mata mo nakakaakit lalo kasing tumitingkad ang kulay dahil sa sikat ng araw " nakaabot na ito sa harap ko, " I love you Troye " hinalikan ako nito.
BINABASA MO ANG
Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)
Любовные романыEnjoy the great story of Troye and Blue, with their wildest love story that only fools can understand - - - this story will remind us how hard to be a part of the LGBT community. but in other half it help you to see how colorful life they have Aut...