Fools 12

2.5K 70 20
                                    


" goodmorning Troye " nagising ako sa mga halik na pumupok sakin, " nag handa na ako ng almusal tara na " umikot ako ng higa dahil naantok pa ako.

" ayaw mong gumising ha " nagulat nalang ako ng buhatin ako nito, dumaretsyo na itong baba at inupo ako sa harap ng punong puno ng pagkain sa mesa


" huling kain ko na ba to Blue? sobrang dami " halos lahat ay masasarap hindi ko alam kung anong kakainin ko,

" hindi naman, gusto lang kasi kitang patabain kahit konti lang para magkalaman ka sobra kasing payat mo " ani nito,

" ganun na ba talaga ako kapayat? teka toothbrush lang ako " tumayo na ako pero naalala kong wala pala akong sipilyong dala dala.

" meron akong biniling sipilyo dyan para sayo, nandun sa taas ng cabinet " ngumiti ako at tumuloy sa banyo,


---


" Blue " tawag ko kay Blue na abalang abala sa pag aayos ng damitan nito,

" ano yun Troye " pagkaharap nito saakin ay hinalikan ko sya ng bigla sa labi, napangiti naman sya hindi talaga nakakasawang makita yung napaka perpekto nyang mga ngiti.

" I love you " natatawa kong sabi, tumayo ito at inakap ako at hinalikan sa labi hanggang sa ihiga ako sa kama, " uy uy Blue! mag ayos ka ng gamit mo ano ba " napasigaw ako ng umabot ang halik nya sa may leeg ko,

" nakakagigil ka kasi Troye eh " ani ni Blue, tumayo na ito at bumalik na sa pag aayos.

" tungkol pala kay Trixie. sasabihin mo ba sakanya na tayo na? " tumingin saakin si Blue at tumango.


---

" anong ginagawa natin dito sa mall? " ani ko kay Blue. biglaan nalang nya kasi akong niyayang pumunta dito buti na nga lang at nakaligo ako ng maaga.

" gusto kong manuod ng sine. tara na " hinawakan nito ang kamay ko at sabay kaming naglakad. nung una ay hindi ako sanay dahil kagaya ng kinakatakot ko ay kakaiba ang mga tingin nila saamin " alam kong nakakailang ang mga tingin nila saatin Troye pero hayaan mo nalang sila " binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti,

" oo hindi ko sila iintindihin ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay ang taong pinaka mamahal ko ngayon " mabilis kong hinalikan ang labi nito. " tara na " mahigpit kong hinawakan ang mga kamay nito at naglakad na.

---

" ganda nung palabas kaso nga lang naghiwalay sila. nakakahinayang yung pinagsamahan nila saka yung tagal nilang pag mamahalan " kasalukuyan kaming nakahiga habang ako'y nakaakap at nakaunan ang ulo sa dibdib ni Blue sya naman ay hinahaplos ang aking buhok.

" oo nga eh, mahirap kasi ang sitwasyon nila pamilya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi sila magkatuluyan " tila natamaan ako dun sa sinabi ni Blue. napatayo ako at tinignan sya.

" Blue? alam na ba ng papa mo yung tungkol sa atin? " naupo ito kagaya ko at niyakap ako, gumanti naman ako sa akap nya at ipinahinga ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

" hindi pa Troye eh, pero kumukuha ako ng tamang tsempo pero kahit ano mang kalabasan nun pumayag man o tumutol si papa ay ipaglalaban kita, ipaglalaban ko tong pagmamahalan natin kahit kakasabi ko lang na mahirap kapag kapamilya ang humahadlang " kumalas kami sa pagkakaakap at tinignan ang isa't isa

hindi ko nalang namalayan na tumutulo nalang ang luha ko, bakas sa mukha ni Blue ang pagkabahal dahil saking pag iyak.


" napaisip kasi ako Blue paano kung sabihin mo ang tungkol sa relasyon natin kay Tito at hindi nya matanggap at tumutol sya sa ganitong pagmamahalan paano kung paglayuin nya tayo " mas lalong bumuhos ang aking mga luha,

" shhh. " pinunasan nito ang aking mga luha. " wag mong isipin yan Troye, sumugal na tayong dalawa hindi naman akong papayag sumuko na lang basta basta, atsaka mahal na mahal kita hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka saakin kaya ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin. kaya wag ka ng umiyak nalulungkot kasi ako kapag nalulungkot ka " tumango tango ako at ngumiti para malaman nyang okay na ako,

" tara na matulog na tayo? nahiga na kami ni Blue, " basta pakatatandaan mo lang Troye mahal na mahal kita at sapat na iyong dahilan para hindi ko ipaglaban to, mahal na mahal kita " hinalikan ako nito saking labi gumanti din ako,

" mahal na mahal din kita " at humimbing na kami sa pagtulog, pero hindi talaga ako makatulog kaya marahan kong inalis ang mga kamay ni Blue na nakaakap saakin.

naupo ako sa tabi nito at pinagmasdan sya, napaka gwapo nito ang mga maamo nyang mukha ang matangos nitong ilong ang malagong pilik mata at ang mapupula nitong labi hindi ko maiwasang matuwa lalo na't malamang matalik ko syang kaibigan noon at ngayon ay boyfriend ko,

" hmmmm troye mahal na mahal kita.... " natawa ako ng bahagya nanaginip siguro sya,

" mahal na mahal din kita Blue " lumapit ako ng bahagya at hinalikan ito sakanyang mga labi,

" ang sarap naman Troye, " napaatras ako ng bahagya dahil gising pa pala sya,

" akala ko naman tulog ka na? " medyo nahiya naman ako,

" oo nga nakatulog na ako pero nagising ako dahil para akong hinalikan ng aking mahal para gisingin ako sa pagkakahimbing " natawa naman ako dahil sa sinabi nya ay naalala ko yung napaka gandang kwento nung kabataan ko, " Tara nga dito " hinawakan nito ang batok ko at inalapit ang mukha namin sa isa't isa,

" I love you Troye " at muli nagdampi ang aming mga labi at naging mapusok ito hanggang naramdaman ko nalang ang mga kamay nito saking mga katawan, " game ka dapat Troye ha " at natawa nalang kami at pinagpatuloy ang aming ginagawa,

Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon