kay bilis ng panahon, nandito kami ngayon sa labas ng gate namin upang salubungin yung kapitbahay namin na mula pa sa malayong lugar,isang oras din kaming naghihintay ng may isang malaking truck na pumarada saaming harap, unang bumaba ay isang matandang balbas sarado at mukhang nakakatakot dahil malaki itong tao
" kayo ba yung Sivan Family? " tumango naman sila mama at papa, lumapit sila dito upang makipag kamay lumapit din ako nginitian ako nito sinuklian ko din ito ng isang ngiti,
" napaka gwapo naman ng anak nyo at ang asul nitong mata ay talagang bagay na bagay sakanya, teka may papakilala ako sayo ijoh " napatingin ako sa isang batang lalaki na papalapit sa akin, " anak magpakilala ka " lumapit ito habang naka ngiti. habang ako naman ay tila nanginginig dahil hindi ko alam ang gagawin.
" hi ako nga pala si Blue, ikaw ang name mo? " hindi padin naalis ang napaka ganda nitong ngiti, inilahad nito ang kamay nya sa akin konting oras akong natigilan dahil ito ang first time na may magpapakilala sa akin,
" ako nga pala si Troye nice to meet you " ng mahawakan ko ang kamay nya ay nakaramdam ako ng saya. gusto kong maniwala na hindi lahat ng mga lalaki ay kagaya ng mga kaklase ko noon,
" pa? pwede ko po bang kunin yung play station ko at maglalaro kami ni Troye? " pag papaalam nito, nakaramdam ako ng saya dahil sa magandang pinapakita ni Blue sa akin.
" oo naman anak, nakakatuwa naman at mukhang magiging close agad kayo " ani ng papa ni Blue,
" o tara Troye kunin natin sa likuran " hinawakan ni Blue ang kamay ko at hatakin papunta sa truck kung saan nakalagay ang play station na binabanggit nito. habang papalapit na kami sa truck ay napatingin ako sa magkahawak na kamay namin biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
" hintayin mo ko dyan ako na kukuha " umakyat na ito sa likuran parte ng truck, habang ako naman ay hindi alam ang gagawin. nahihiya ako dahil unang beses pa lang namin magkakilala pero habang pinagmamasdan sya ay parang okay lang.
" o salo " sa lalim ng pag iisip ko ay napansin ko nalang na tumama na pala sa ulo ko yung play station, pero nasalo ko ito ng bumagsak mula sa aking ulo napatingin ako sa gawi nya at tumatawa sya habang nakaturo sa akin " sabi ko salo eh, ang lalim kasi ng iniisip mo? sorry Troye ha? " bumaba ito at lumapit sa akin napatitig ako ng ilang minuto sakanya, napaka gwapo nya at ang mga ngiti nito ay talagang magaganda napaka tingkad din ng kulay brown na mata nya kahit hindi pa nasisinagan ng araw
" ano sobrang sakit ba ng ulo mo at nakatulala ka lang sa mukhang ko? " biglang namula ang mukha ko kaya madali akong yumuko at umiling iling, " biro lang ikaw naman napaka mahiyain mo, pero napaka ganda ng asul mong mga mata dapat akin nalang yan kasi bagay sa pangalan ko Blue " at muli narinig ko ang nakakatuwa nyang tawa. huminga muna ako ng malalim bago ibalik ang tingin sakanya.
pumasok na kami sa lilipatan nilang bahay, ngayon ko lang ito mapapasok at hindi na ako nabigla sa mga gamit na nakaayos na. sabi kasi ni mama na kahit hindi pa daw sila lumilipat ay dinadala na ng papa ni Blue ang mga gamit nila,
" ito nalang ang kwarto ko " nabigla ako ng may study table ito na saktong nakatapat sa bintana kagaya sa kwarto ko, " diba bahay nyo yan? kaninong kwarto yan na nakatapat sa kwarto ko? " at muli nagkatinginan kami sa mata madali ko naman itong inalis dahil nahihiya ako,
" a a a akin " pautal kong sagot, lumapit ito sa akin at kinuha yung play station at madaling kinabit para daw makapag laro na kami,
" ang tahimik mo naman Troye, gayahin mo ako madaldal at masayahin " tinapik tapik pa nito ang balikat ko,
" teka nga bat nga ba ang layo ng upo mo sa akin? hindi naman ako mabaho ah " natawa ako ng bahagya sa sinabi nya " ayun oh! ang cute cute mo kapag tumawa.sige tumawa ka pa wag mong pigilan " ibinaling ko sa ibang lugar yung tingin ko dahil sa mabilis na pag init ng mukha ko, hindi ko lang talaga mapigilan ang mapangiti dahil bukod sa mama at papa ko ay sya palang ang pumupuri sa akin.
" wag mo ng pigilan tumawa ka na " napaatras ako ng tusukin nya yung tagiliran ko kung saan pa pinaka malakas ang kiliti ko " mukhang makilitiin ka " nabigla ako ng lumapit ito sa akin at pagsusundutin yung bawat tagiliran ko. pinilit kong pigilin sya pero dahil mapayat ako at malaki sya sa akin ay wala akong laban sakanya,
" tama na Blue " sa sobrang lakas nyang mangiliti ay hindi ko na napigilan. bigla nalang ako napatawa ng malakas hanggang sa mapahiga na ako sa kakatawa.
" aba mukhang close na kayo anak at Troye ah " napalayo ako ng bahagya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang papa ni Blue, " oh mag juice muna kayo at mag cookies " nilapag na nito ang mga miryenda na dala nya, ako naman ay napayuko dahil sa hiya at baka kung anong isipin ng papa nya.
" opo close na kami, sobrang lakas nga ng kiliti ng bago kong kaibigan eh " tila nagulat ako sa salitang binitawan ni Blue, inabot nito sa akin yung isang juice at mas lumapit pa ng pagkaka upo sa tabi ko habang inaabot yung plato na may cookies.
" totoo ba yung sinabi mong kaibigan mo ako? " ngumiti ito sa akin. napayuko na lang ako dahil medyo nahihiya akong makipag titigan sakanya.
" oo naman! bakit ayaw mo bang tawagin kitang kai- - " hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng bigla ko syang inakap. kakalas na sana ako sa pag akap ko dito dahil baka iba ang isipin nito pero laking gulat ko ng bigla nya akong inakap. ngayon ko lang to naranasan kaya hindi ko mapigilang maging emosyonal.
" kaibigan na kita at kaibigan muna ako Troye kaya wag ka ng mahihiya sa akin, " ng magkalas kami sa pag kakaakap ay pinagmasdan ko muna yung mukha nya kung hindi sya napipilitan o nagsasabi ba sya ng totoo, pero mukhang sinsero naman ito.
" sa-sa-salamat " hinawakan nito yung ulo ko sabay ginulo yung buhok ko
" tara laro na tayo, ay teka nga " marahan nitong nilalapit ang mukha nya sa mukha ko, tila para akong maging istatwa dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa biglaan nitong paglapit sa akin, " ang ganda talaga ng mata mo lalo na kapag malapitan nakakainggit " natawa ako ng bahagya sa sinabi nya,
" tara na mag laro na tayo mag gagabi na oh " pag aanyaya ko sakanya. inilayo na nya yung mukha nya sa akin pero bakas padin yung pag kamangha nya sa kulay ng mata ko.
" game " masaya nyang sabi, at naglaro na kami sobrang saya ko dahil meron na akong matatawag na kaibigan, tama nga ang sabi ni mama na kaibigan ko sya. sobrang saya ko talaga ngayon at napansin nya iyon dahil daw minu minuto daw akong nakangiti,
BINABASA MO ANG
Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)
RomanceEnjoy the great story of Troye and Blue, with their wildest love story that only fools can understand - - - this story will remind us how hard to be a part of the LGBT community. but in other half it help you to see how colorful life they have Aut...