wala ng pinaka masakit pa sa pag sisinungaling sa taong mahal mo. lalo na nung sinabi kong hindi ko na sya mahal pero sa loob loob ko ay gusto ko syang akapin halikan sa labi at hawiin ang mga luha nito.pero mas iisipin ko nalang ang kalagayan nya, mas mapapalagay akong makita na lamang sya sa malayo kesa ipagpilitan namin ang relasyon namin na pwedeng ikapahamak nito.
---
bakit nagawa sa akin iyon ni Blue. sobrang sakit na malamang itatapon nya lahat ng pinagsamahan namin hindi ko matanggap dahil wala akong nakikitang dahilan hindi naman ako nagkulang binigay ko lahat ng pagmamahal na kaya ko,
hindi ko alam kung saan na ako dinala ng paa ko, hindi na ito pamilyar saakin pero tila wala na akong pakealam ang gusto ko lang ay lumayo mapag isa at mawala na yung sakit. sana panaginip na lang lahat ng ito na igigising ko sa umaga at ayos na lahat.
sumapit na ang dilim pero patuloy padin ako sa paglalakad. sobrang lamig na rin ng ihip ng hangin pero wala na ito saakin, sana nandito si Blue para habang naglalakad ay magkukwento ito. habang naiisip ko si Blue ay hindi ko maiwasang mapangiti kahit bukas pag mulat ko ay wala na sya,
" Blue please sundan mo ako dito " naupo ako sa isang malaking harang habang pinagmamasdan ang malawak na lupain sa Blue Neighbourhood Village.
dito sa lugar na ito nagsimula lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko, napapangiti nalang ako habang inaalala yung batang Troye na hindi lumalabas ng kwarto walang mga kaibigan sobrang mahiyain. pero napaka himala ng may isang batang lalaki ang napadpad sa lugar na ito,
yung batang lalaki na sinalubong ako ng napakatamis na ngiti, ng malapat ang tingin ko sakanya ay alam ko na kung ano ang tunay na nararamdaman ko para dito pero dahil bata pa ako ay parang hindi pa ito gaanong napapansin, kung gaano kabilis ang paglaki namin ganun din kabilis ang paglalim ng aking nararamdaman para sakanya. sana pwedeng ibalik ang mga panahong masaya panahong nasa bisig nya ako,
napatingin ako sa kalangitan pati ito ay nakikihati sa pagdadalamhati ko, unti unting pumapatak ang ulan kasabay nito ang pagbuhos ng mga ala ala nung unang beses kong maranasang maligo sa ulan dahil pinilit ako ni Blue,
---" tara Troye? sayang oh sobrang lakas ng ulan masarap maligo " saad nito habang naghahanda sa paglusob sa ulanan, kasalukuyan kaming nakasilong sa isang waiting shed sa harap ng paaralan namin.
BINABASA MO ANG
Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)
Любовные романыEnjoy the great story of Troye and Blue, with their wildest love story that only fools can understand - - - this story will remind us how hard to be a part of the LGBT community. but in other half it help you to see how colorful life they have Aut...