" tas naglaro po kami ng play station, nakakatawa nga po kasi hindi ako manalo nalo sakanya. pero masaya naman kasi kahit papaano na experience ko po yung maglaro ng play station at ang pinaka masaya po doon ay mag kaibigan na po kami ni Blue. sya po ang kauna unahan kong kaibigan " simula palang ng nakauwi ako mula sa bahay ni Blue ay hindi na ako maubusan ng kwento kila mama at papa sa masasayang nangyari kanina,
lumapit saakin si papa at inakap ako " nakakatuwa naman anak at may kaibigan ka na, at ang mas nakakatuwa doon ay ang nakikita ka naming masaya. alam naman naming masaya ka kapag nandito ka sa bahay pero ngayon walang kapares ang sayang nararamdaman mo " ani ni papa sabay halik saaking pisngi," sobrang saya ko po, ngayon ko lang to naramdaman papa na may kaibigan na ako. tama nga po si mama hindi naman lahat ng lalaki ay may balak akong laitin, iba po si Blue pa ma napakabait nya po " nagtawanan sila mama at papa, ako naman patuloy sa pagkukuwento habang sila ay masayang nakikinig saakin.
--
ng matapos kaming mag hapunan ay madali akong umakyat, gusto kong makita sana si Blue bago matulog kaya sisilipin ko sya sa bintana. kaso wala sya doon pero nakabukas ang ilaw nito baka may ginagawa sya o baka inaayos pa nito ang kwarto nya,
kaya naman inayos ko na yung gamit ko dahil konting linggo nalang ay simula na ang pasukan at ngayon ay papasok na ako sa huling taon ko sa elementarya, ng malapit na akong matapos sa pag aayos ay natawag ng atensyon ko yung tila sumisitsit. inilibot ko yung tingin sa bawat sulok ng aking kwarto pero wala naman hanggang sa matagpo ng aking mata si Blue,
nakaupo ito sakanyang study table at kumakaway saakin, hindi ko mapigilang mapangiti sa bawat bagay na ginagawa nya. naupo din ako sa study table at kumaway din. ng matapos ang kawayan namin ay nagsalung baba lamang ito sa kanyang mesa at tumingin saakin dahil medyo nahihiya padin ako ay hindi ako makatingin ng daretsyo sakanya kaya palipat lipat ang aking tingin,
" PSST! " may inilabas syang white board at pentel, tila alam ko na kung ano ang gusto nyang ipahayag. nagsimula itong magsulat at ng matapos ay itinapat nya ito saakin pero dahil malayo ang pagitan ng aming bahay ay hindi ko gaanong makita yung sinulat nya,
umiling iling lang ako, tumayo ito at ilang saglit ding nawala akala ko ay inutusan sya ng papa nya kaya tatayo na sana ako ng bigla itong naupo at may dala dalang bagay. itinaas nya ito at nakita ko ay isang telescope. napangiti ako dahil hindi ko naisip iyon, ako naman ay tumayo at pumunta saaking kama sa ilalim kasi nito ay ang mga nakatambak kong laruan noong grade 2 hanggang grade 4 ako, ng makuha ko yung telescope ay madali akong naupo at ipinakita sakanya yung telescope ko nag thumbs up sya at ipinakita saakin yung white board,
" usap tayo Troye " kinuha ko sa ilalim ng desk ko yung white board ko at pentel, madali din akong nagsulat
" sige, " -ako
" walang akong maisip na pwedeng pag usapan? ano nalang ilang taon kana ba? " -Blue
" 10 na ako ikaw? " -ako
" 11 grade 6 kana ba sa pasukan? " -Blue
" oo ikaw highschool kana? " -ako
" oo sana kaso huminto ako ng isang taon dati kaya grade 6 din ako, atsaka may sasabihin pala ako sayo bukas " -Blue
" oo sige " -ako
BINABASA MO ANG
Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)
عاطفيةEnjoy the great story of Troye and Blue, with their wildest love story that only fools can understand - - - this story will remind us how hard to be a part of the LGBT community. but in other half it help you to see how colorful life they have Aut...