Wild 5

3.5K 102 1
                                    


" hala teka Troye naiwan ko sa bahay yung I'd ko " sabi ni Blue habang todo kapkap sakanyang bag. " teka babalik ako " madali itong sumakay sa bike at nagpidal ng mabilis.


kahit kelan talaga tong si Blue napaka malilimutin, bumaba na ako saaking bike at naupo muna sa waiting shed sa harap ng school na pinapasukan namin ni Blue, maaga pa naman kaya hahantayin ko nalang si Blue.


" uhhmm.. excuse Troye right? " madali akong napatayo saaking kinauupuan ng lumapit sakin si Trixie. ang pinaka maganda pinaka sikat at ubod ng yaman na ka schoolmate namin, " sige maupo ka na may itatanong lang sana ako " kagaya ng sinabi nya ay naupo nalang ulit ako at pinagmasdan sya,


" may kailangan ka ba Trixie? " medyo naiilang akong makipag usap sakanya dahil kapag harapan mo syang matitignan parang manliliit ka sa itsura mo,


" gusto ko lang sanang malaman yung name nung friend mo? yung always na kasama mo " si blue yung tinutukoy nya, " I want to meet him kasi, to be honest with you Troye nagkaroon ako ng crush sakanya when I saw him last year. so if you don't mind pwede mo ba syang ipakilala saakin? " bigla akong nakaramdam ng kaba. paano kung pumayag ako na ipakilala sya kay Blue?


baka magkagusto din si Blue sakanya tas hanggang sa maging sila. mababawasan na ang oras saakin ni Blue kung maari. pero nakukunsensya ako lalaki padin si Blue at bilang kaibigan nya alam kong kailangan ko ding ilugar ang sarili ko, bagay sila ni Blue maganda mabait itong si Trixie at si Blue naman ay gwapo at ubod din ng bait. mukhang magiging masaya si Blue kung magiging sila nitong si Trixie,


" oo naman, yung name nya is Blue...oh ayan na pala sya eh, Blue tara may ipapakilala ako sayo " bumaba si Blue sakanyang bike at itinabi ang bike nito sa bike ko, " Trixie sya nga pala ang bestfriend ko ang ubod ng bait at gwapo kong best friend si Blue. " kumaway si Trixie dito pero ngiti lamang ang isinukli ni Blue. bakas padin sa mukha ni Blue ang pagkalito,

" oy Blue ito naman si Trixie sya ang pinaka maganda pinaka sikat na nag aaral dito. ayan naipakilala ko na kayo sa isa't isa sige pasok nako " madali akong naglakad papuntang gate, kahit kasi itago ko nasasaktan ako dun sa katangahan ko. pero tama naman iyong ginawa ko nirereto ko si Blue sa isang babae na bagay sa kagwapuhan nya at kabaitan nya,


patuloy ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng malakas na pwersa na humatak saaking kamay dahilan para mapaikot ako.


" teka nga Troye ako ba binebenta mo? " napakunot yung noo ko sa sinabi ni Blue,


" anong binibenta? nirereto lang kita kay Trixie kasi sabi nya saakin kanina crush ka daw nya at gusto ka nyang makilala, " napatingin ako sa pwesto ni Trixie nakatingin lamang ito saamin at tila nagtataka,


" ganun nadin yun! binebenta mo nga ako dun, eh ako ba Troye tinanong mo kung gusto ko sya? bat ganun ka nalang magdesisyon bigla bigla? ayaw muna ba saakin nagsasawa kana ba sa pagkakaibigan natin kaya nirereto mo kung kani-kanino " nakunsensya ako bigla sa sinabi ni Blue, tama nga naman sya bat ba ako nangialam.


" hindi naman sa ganun Blue, alam mo naman ikaw ang una at huling magiging kaibigan ko kaya hindi ako nagsasawa sayo. akala ko kasi baka magkagusto ka din sakanya kaya naisipan kong ipakilala kayo sa isa't isa " napayuko nalang ako sa sobrang hiya sa basta basta kong pagdedesisyon,

" hay nako itong kaibigan ko napaka cute kapag guilty, itong tatandaan mo Troye isa lang ang gusto ko at hanggang ngayon sya lang yung laman ng puso ko kaya wag muna akong ireto kung kanino naman okay? " tumingin ako sakanya at ang pinaka matamis na mga ngiti nya ang isinagot nya saakin " ang mahuli syang manlilibre ng recess " kumaripas ng takbo si Blue ako naman ay parang wala lang na nakatayo " seryoso ako " dahil medyo gipit sila mama ay mababa lang ang baon ko kaya kumaripas ako ng takbo kahit sobrang dami ng laman ng bag ko,


--

" ang top 2 is si Mr Blue at ang top 1 naman ay si Troye, congrats for both of you. napaka gandang impluwensya nyo sa isa't isa dapat tularan nyo ang dalawang magkaibigang ito " bati saamin ng aming guro,


" tularan namin Ma'am si Troye? so magiging bakla din ba kami Ma'am? " nagsimula na ang tawanan. napansin kong susugod sana si Blue kaya madali ko itong hinawakan upang awatin

" tumahimik ka Alfredo sa panlalait mo, yung nilalait mo lang naman ay yung kaibigan ko na simula 1st year hanggang ngayong 4th year ay consistent sa pagiging top 1, try mong magbago kesa manlait ka ng mga taong wala naman masamang ginagawa sayo eh mag aral ka nalang ng mabuti ng may mauwi ka namang parangal na maipagmamalaki mo " napatikom nalang ng bibig si Alfredo sa sinabi ni Blue, bahagya akong napangiti dahil hindi nagmimintis si Blue na ipagtanggol ako at iparamdam sa lahat na walang masama sa pagiging ganto ko.

" salamat ha? mamayang gabi dun kayo ni Tito sa bahay kumain magpapahanda ako kay mama " bulong ko dito,

" sige pa sobrang sarap pa namang magluto ni tita " ani ni Blue,

--

kasalukuyan na akong nasa kwarto at nakaupo saaking desk at kaharap si Blue sa kabilang bahay, nasobrahan ata ako sa kinain sobrang sarap kasi tas ito pang si Blue todo lagay sa plato ko ng pagkain para naman daw tumaba ako,

kumaway kaway si Blue para kunin yung atensyon ko, ng mapatingin ako ay itinuro nya yung white board na hawak hawak nito. madali ko namang kinuha yung akin


" anong iniisip mo? ako ba :D " -Blue


" HAHAHA! hindi no, " -ako


" eh bakit mukhang malalim ata yung iniisip mo? may problema ka ba Boy Troye :) " -Blue,
napakunot yung noo ko sa " Boy Troye " na isinulat nya,

" ano naman yang ' Boy Troye ' na nakasulat ha!? " -ako

" yan ang itatawag ko sayo kapag tulala ka lagi mukha ka kasing laruan yung di baterya. sa una gumagana mamaya matutula na parang naubusan na ng battery " -ako.

" ewan ko sayo! teka pumayag na ba si Tito sumama sa swimming? " -ako, napagdesisyunan kasi namin na magswimming ngayong parating na summer. dahil may pagka lasing kanina si Tito hindi namin sya naitanong

" bukas ko nalang sasabihin. lasing padin kasi sya " -Blue

" ay ganun ba? sige tara tulog na tayo pupunta pa tayong mall bukas " -ako

" ha? anong gagawin natin sa mall? " -Blue


" bibili ako ng swimsuit ko para sa swimming natin :P " -ako

" :0 wow parang nakakaexcite namang makita kang naka swimsuit " -Blue


" hahaha baliw! osige na tulog na tayo goodnight Blue " -ako

" sige goodnight din Boy Troye ko makatulog ka sana ng mahimbing i love you " -Blue


bigla kong nabitawan yung board na hawak hawak ko, ewan ko ba pero napaka tinding kilig yung naramdaman ko sa nabasa kong " I love you " sa sinulat ni Blue,


" okay ka lang ba? "-Blue


tumango tango nalang ako at kumaway kaway sakanya. kumaway din ito, tumayo na ako at pinatay yung ilaw. bago ako nahiga ay nagdasal muna ako at nagpasalamat sa walang tigil na biyaya saakin. ng matapos ay nahiga muna ako hanggang sa napapapikit nadin ako, " I love you too Blue ".

Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon