" oh anak bakit ngayon ka lang? at bakit ang dumi mo " bati saakin ni mama, nagmano muna ako dito at tinanong kung nakauwi na ba si papa pero hindi pa daw,
" ma bibihis lang po ako " madali akong umakyat sa kwarto at tumuloy sa banyo para makapag makaligo at makapag bihis, ng matapos ay bumaba na ako at pinagmasdan si mama na naghahanda ng hapunan. " ma may itatanong po sana ako "
" sige anak oh maupo ka muna na baka hindi na makasabay si papa mo saatin, mas gagabihin pa sya " ani ni mama, naupo na ako at kumuha ng aking makakain.
" may gusto po sana akong itanong ma, naguguluhan po kasi ako sa nararamdaman ko " ani ko kay mama na tila pumukaw talaga ng atensyon nya dahil natigil ito sa pagkuha ng makakain.
" tungkol ba saan ang pag uusapan natin anak? " ani ni mama,
" tungkol po kay Blue ma, ano po kasi eh. umamin po syang gusto nya ako hindi lang hanggang kaibigan kundi higit pa doon " mahina kong saad kay mama, pinagmasdan ko kung anong magiging reaksyon ni mama pero ngumiti lamang ito.
" alam ko anak kung anong namamagitan sainyo, diba dati palang naalala ko nung bata ka inamin mo saamin na gustong gusto mo si Blue. at hindi na nakakagulat kung sa ngayong pagtanda nyo ay maging parehas na ang nararamdaman nyo para sa isa't isa. nililigawan ka na ba nya anak? " napayuko ako sa sinabi ni mama dahil tila nahiya ako doon,
" hindi po ma. hindi ko po kasi alam kung aamin din ako kay Blue na mahal ko din sya. dahil natatakot ako sa mga maaring mangyayari kung sasagutin ko sya. kagaya nalang po kanina nakunsensya ako sa sinabi nung kaklase namin na dahil daw sa kakalapit saakin ni Blue ay nagaya nadin daw sya saakin " pinunasan ko ang mga butil ng mga luha na pumapatak dahil ayoko ng makita ako ni mama na umiiyak,
" anak makinig ka sa saakin, " tumayo si mama at inilapit ang upuan nito saakin,
" maraming tao talaga ang hindi maintindihan o tatangapin ang pagmamahalan sa pagitan nyo ni Blue, ayos lang saakin kung sabihan nila kong kinukunsinti kita pero hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba oo maaring malaki ang epekto nun sayo at sa kunsensya mo pero nandyan naman kami at si Blue na sandalan mo kung may bumabagabag sayo, hindi masamang mahalin si Blue anak ang masama ay hindi mo sabihin kay Blue na mahal mo sya dahil nakukunsensya ka sa sasabihin ng iba. iparamdam mo kay Blue ang pagmamahal mo ituon mo ang atensyon mo sa taong mahal mo hindi yung sa mga taong hahadlang sa pagmamahalan nyo " inakap ko ng husto si mama, dahil sa mga sinabi ni mama ay naging buo na ang loob ko.
--nagising ako ng maaga dahil may gusto akong gawin para kay Blue, kinuha ko muna yung white board at nagsulat ng " Good Morning Blue Happy Birthday " at isinabit iyon sa harap ng bintana para kapag nagising ito ay bubungad agad sakanya.
" oh anak ang aga mo ata? " bati saakin ni mama habang nagluluto,
" gusto ko po sanang ipag bake si Blue ng paborito nyang cheesecake na gawa nyo, turuan mo ako ma " at nagsimula na naming i bake ang paboritong cheesecake ni Blue. nung una ay mahirap pero di kalaunan ay natutuwa na ako dahil maganda at mukhang masarap ang kinalabasan nito,
ng matapos ako sa pag gawa ng cheescake ay madali akong umakyat at naligo, susuotin ko yung T-shirt kong light blue regalo saakin ni Blue noong kaarawan ko. Hindi ko ito gaano nasusuot dahil doble ang sukat nito saakin pero ngayon ay susuotin ko." anak ayan na yung cheesecake. teka sobrang luwag naman ng suot mo " kinuha ko na yung cheesecake at humalik sa pisngi ni mama.
" matagal na po itong regalo saakin ni Blue gusto ko pang masupresa sya na gagamitin ko ito, " madali na akong lumabas ng bahay at tumuloy sa bahay nila Blue. pero bago pa ako makapasok ay nasalubong ko ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa harap ng bahay nila Blue.
" oh Troye, sakto naliligo nalang si Blue matatapos na yun pasok ka na. samahan mo na yung isang bisita sabi nya kaibigan nyo daw sya ni Blue " ani ng ama ni Blue, tumango ako at pumasok nakita ko agad si Trixie na nakaupo sa may sofa napaka ganda nito ayos na ayos sya.
" hi Troye. ang swerte nyo naman mag best friend na kayo nitong ni Blue neighbourhood pa kayo, " lumapit ako dito at naupo sa tabi nya.
" oo magkababata kami ni Blue, sya ang kauna unahang kaibigan ko " inilapag ko sa maliit na mesa sa may harap namin yung cheesecake na dala dala ko,
" ah ganun ba? kilalang kilala nyo na panigurado ang isa't isa, wow cheesecake ikaw gumawa? mukhang masarap ah " ani ni Trixie.
" oo nagpatulong ako kay mama, paborito kasi yan ni Blue " ngumiti si Trixie. sinilip ko ang hagdan pero wala padin si Blue napaka tagal naman nyang maligo,
" nakakainggit ka Troye. lagi mong kasama si Blue simula pag mulat ninyo hanggang sa pag tulog magkalapit lang kayo. kahit sa school halos walang nakakapag hiwalay sainyo pwede bang humingi ng tulong Troye? " tila hindi ako makaimik at makapag isip ng maayos sa mga sinambit ni Trixie.
" tulungan mo naman akong mapalapit kay Blue? Troye please gustong gusto ko si Blue, alam kong napaka pangit tignan dahil ako na babae ang gumagawa ng paraan para lang mapalapit sa isang lalaki pero gusto ko na kasi si Blue " hinawakan nito yung kamay ko,
" ano kasi Trixie eh, " hindi ko matignan ito sa mata pero may pumasok sa isip ko na dati palang simula nung nagkagusto ako kay Blue ay tinago ko na lahat sakanya samantala sya ay hinayag nya saakin kung gaano nya ako kamahal, ito na siguro ang oras para maihayag kung gaano ko kamahal si Blue. " Trixie, mahal ko din si Blue una palang nung lumipat sila dito nahulog na ako sakanya kaya patawad hindi kita matutulungan " bakas sa mukha nito ang pagkabigla.
" oh Trixie? nadyan ka pala buti nahanap mo tong lugar namin " tumayo si Trixie at inabot ang dala dala nito. " diba sabi ko sayo ayoko ng mamahaling mga gamit " napatingin saakin si Blue. ngumiti ako dito at gumanti din sya ng matamis na ngiti,
" wag mo ng isipin ang halaga nyan Blue, kaarawan mo ngayon kaya dapat lang na regaluhan kita kaya ayan binili kita ng sapatos. maliit na bagay lang yan Blue kesa sa inspirasyon na binibigay mo sa akin " napaka mahulugan ng mga katagang sinambit ni Trixie.
" ganun ba salamat Trixie. sige punta kang kusina nandun yung handa kakausapin ko lang si Troye " lumapit saakin si Blue pero nahinto ito ng hawakan ni Trixie ang kamay nito,
" samahan mo ako Blue. kung mag uusap kayo ni Troye sumunod nalang sya. nahihiya kasi akong mag isang pumunta doon " nilapatan ako ng tingin ni Blue pero binalik nya din ito agad kay Trixie. " Troye tara pumunta nalang tayong kusina " nagsimula ng maglakad si Trixie patungong kusina pero hindi padin nya binibitawan si Blue,
kinuha ko yung cheesecake at sumunod na sa kusina. habang pinagmamasdan ko ang mag kahawak nilang kamay ay hindi ko mapigilang masaktan maingit na sana ako nalang ang may hawak sa kamay ni Blue ngayong kaarawan nya.
BINABASA MO ANG
Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)
RomanceEnjoy the great story of Troye and Blue, with their wildest love story that only fools can understand - - - this story will remind us how hard to be a part of the LGBT community. but in other half it help you to see how colorful life they have Aut...