Chapter 2

818 16 9
                                    

Dumiretso siya sa amin para mag-“hi!”

“Hi Kent, kamusta? Naks! Gumagwapo ka yata? Ano nagreview ka na ba? Kasi mamaya pasasagutin na kita?”sabi ko, pero JOKE lang. Hindi ko kering sabihin yan sa kanya noh. Mahiyain kaya ako. *___*

Kaya tamang ngiti lang ako sa kanya.

Pero teka! Kung maka-Hi itong si Demi at Miley sa kanya eh todo smile pa.

Ano ba itong mga kaibigan ko na ito? May gusto din ba sila sa kanya? Wala naman siguro, kasi itong si Demi alam ko di pa nakakaget-over sa boyfried niya, este ex-boyfriend niya at si Miley naman eh, ganoon din, di pa nakakaget-over sa kanyang ex-secret boyfriend.

Hindi rin pala nila alam na may gusto ako kay Kent. Alam mo naman, maiingay sila so kapag nalaman nila, naku! Puputaktihin ako ng mga tukso mula sa mga kaibigan ko. Hahaha!

So ayun,back to reality muna tayo.

Pagtapos niyang mag-hi eh dumiretso siya sa mga kaibigan niya.

Hayyy! Sana naging classmate na lang namin siya nung First Year eh di sana close kami.

Naku! Maghapon kami nagdadaldalan wala pa ring Prof na pumapasok.

“Uwi na tayo. Halos time na rin” yaya ni Mae.

“Oo nga, tara na.” pagsang-ayon naman ni James.

“Pwede mamaya na, di pa nga lumalabas sila Kent eh.” bulong naman ng isip ko.

If I know kaya nagmamadali itong dalawa na toh ay may date pa sila sa mga Jowa nila. Si James at May lang ang may Love Life sa barkada.

Maya-maya tumayo na rin ang ibang kung kaibigan, so ano pa nga ba? Eh di sumunod na lang ako. Buti na lang paglabas naming, sumunod na rin ang grupo nila Kent.

Syempre saan pa ba ang diretso naming, eh di sa paradahan ng jeep.

Omo! Sana iisang jeep lang sakayan namin.

Shooot! Ayun, iisang jeep nga lang and guess what..

He sat beside me. Awwwwwweeeeesssooommmmmeeee! This is it! ^_____________^

Kilig much ang Lola niyo. Hahahahahaha!

“Kent, paurong nga,” si Leona, kaibigan niya.

And when I heard her saying that I was like, “Grrrrrrrrrrrrrrrrrrr!” >|

“Ok! Calm down Anna. Relax, Inhale, exhale.”sabi ko sa sarili ko.

Pambihira naman kasi tong babae na ito, panira ng moment! Bruha talaga! Si Leona kasi yung pinaka-hindi ko Feel sa mga kaibigan niya.

“Paabot ng bayad, isa lang.” sabi ko. Siyempre kay Kent ko inaabot yung bayad, eh kaso kinarir yata ni Leona ang pagiging kontrabida, siya ang kumuha ng pera sa kamay ko.

K! Fine! Bruha talaga! Asar!

Nanahimik na lang tuloy ako habang nasa biyahe. Habang ang mga kaibigan ko, ayun, di pa rin nauubusan ng kwento. Tamang pangiti-ngiti na lang ako habang nakikinig sa kanila. Ganoon ksi talaga ako kapag naiinis, nananahimik na lang.

“Manong, para po.”si Kent.

Baba na siya. Hayy! Ang ganda talaga ng boses niya, lalaking-lalaki. Hahaha!

“Ba-Bye! Ingat!^_______^” Chorus na sabi ng mga kaibigan ko. Ganoon talaga kami, kapag may kakilalang bumababa ng jeep.

Kumaway siya pagbaba niya sabay ngiti. OMO!

Sa akin yata siya nakatingin?!

“Sige, Anna! Magpaka-feeler ka pa! Keep it up girl, busugin mo pa yang isip mo ng pantasya! Hahahaha!” dikta naman ng kontrabida kong isip.

Ah! Basta. Di bale na, ang mahalaga nag-smile siya.

Feeling ko nga, nakalulon siyang kwitis eh, kasi naman yung smile niya, may SPARK! ^_____^

OA ba?! Ang corny ko noh?! LOL:D

Basta ang alam ko, nakakawala ng inis yung smile niya, kaya naman hanggang makaratingng bahay dala ko ang ngiti na ito.-->> ^________________________________________.^

Oh diba? Wagas! Hahahahah!

*Kent’s POV

Hayy! Bakit kaya ganoon sa akin si Anna? Sa kanilang magkakaibigan siya ang medyo cold ang treatment sa akin.

Naiinis kaya siya sa akin? Pero bakit naman?

Bihira ko lang nga siyang makausap eh.Puro simpleng ngiti lang ang tugon niya sa akin kapag binabati ko sila ng mga kabarkada niya.

Sayang nga kanina, katabi ko na sana siya sa jeep kaso naman itong si Leona, pumagitna pa sa amin. Chance ko n asana yun na maka-kwentuhan siya kahit sandali lang. Tsk.

Siguro, next time, dapat dagdagan ko pa ang effort ko.Gusto ko kasi talaga siyang maka-kwentuhan.

Teka, i-text ko kaya siya? Kaso, wala pala akong number niya. Pero pwede ko naming hingiin kay Katy ang number niya eh. Eh ano naming sasabihin ko, kapag nagtanong siya kung bakit hininingi ko ung number ni Anna?

Siguro pwede ng excuse yung may tatanungin ako about sa scholarship namin, co-scholar ko din kasi si Anna.

Kinuha ko ang phone ko, at agad na tinext si Katy.

“Katy, pwede mahingi number ni Anna? Kailangan ko lang. Thanks!”ako.

Maya-maya tumunog ang cellphone ko at natanggap ko na aang number ni Anna, sinend kasi ni Katy via Business Card.

“Thanks!” text ko uli sa kanya.

“Welcome Kent.” reply niya.

Finally, I have Anna’s number, pero what will I tell her naman kapag tinext ko siya?

Parang kinakabahan din ako, paano kung hindi siya magreply? Paano kung sungitin niya lang ako?

 Kinakabahan ako, pero bahala na. Come what may!

                             

*Annyong hassaeyo! Annyong hassaeyo! Aish. Muhjawasho”

[Author’s note: Wag kayong magulat kong bakit nagging Korean yan,. Message alert tone yan ni Anna. Hehehe!]

“Aba! May nakaalala magtext, teka, unknown number. Eh sino naman kaya toh?”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Guys, tell me what do you think sa story.

It's my first time kasi.

Comments and suggestions are highly appreciated and actually needed.

Para ma-improve ko rin yung pagsusulat ko! ^^.

Thanks! ^______^V

Is This Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon