Grabe! Para akong malulunod sa kilig sobrang dami ng nangyari kanina. In just one day yung mga tagpo sa daydreams ko nangyari. Sabihin mo nga sakin paano ako matutulog nito?! Nakakalasing kaya yung happiness na nararamdaman ko.
Akalain mo yun, nagduet kami. Mapakinggan ko nga lang yung boses niyang nagsasalita eh masaya na ako kaya ano na lang kapag kumakanta siya at imaginin mo na lang ang happiness ko nung ka-duet ka siya. Hahaha! Fudge! Wagas ang happiness ko! As in wagas na wagas.
Naalala ko tuloy dati nung foundation day, sumali siya sa Campus Pop Idol (singing contest yun) talagang kahit gabi yung event, ABA! Gora ang lola niyo para manood. Hindi talaga ako mahilig manood ng school programs lalo na kapag gabi, wala akong tyaga. Pero dahil nga isa siya sa mga contestant, syempre hindi ako dapat magpahuli, dapat andun ako para i-cheer siya.
At nung mga panahon na yun, talagang tinetest yung pasensya ko. Second to the last siyang magpeperform. Shoot naman oh! Eh 13 silang contestants, pero keri lang. Kasi nung time na yun, ang motto ko ay "PATIENCE IS A VIRTUE." Hahaha! Chos!
Nung tinawag na yung pangalan niya ng emcee, ay naku! Siguro naglalakad pa lang siya papunta sa gitna ng stage ang dami ng nagtilian, aba! Syempre, di ako papakabog, tumili rin ako ng bongga! Nung kumanta siya, napatili uli ako kasi naman ang suave ng pasok ng boses niya. Parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang kilig. Feelingera kasi ako, kaya habang kumakanta siya dinadama ko na ako ang kinakantahan hiya! Hahaha! Kaya naman habang kumakanta siya, halos hindi ko mapigilan ang mapatili! Hahaha! Nasa kalagitnaan na siya ng kanta nya nung naisipan ko na irecord sa cellphone ko yung boses nya, di naman kasi kagandahan ang phone kaya di keri kung i-vivideo ko. Basta ok na kung narecord yung boses niya, para gabi-gabi bago matulog may papakinggan ako.
Umuwi na ko pagkatapos ng performance niya, yari na kasi ako kapag hindi pa ako umuwi agad eh! Binalitaan na lang ako ng mga blockmates ko na naiwan dun na siya nga yung nanalo. Hay! Sayang wala ako dun para i-congrats siya. Kung nandun lang ako baka kiniss ko na siya sa cheek at niyakap ng mahigpit! Hahaha! Charot lang.
At ayun, back to present na tayo. Balik tayo sa mga nangyari kanina. Sana narecord din ng mga blockmates namin yung duet naman kanina, remembrance din yun ah. Lol! Madagdagan na yung pinapakinggan ko gabi-gabi. Haha!
Ang landi ko ba?! Hindi naman diba? Kinikilig lang talaga kasi ako,lalo na sa duet namin kanina. OW-EM naman kasi, di lang simpleng duet yun eh, may pahawak-hawak pa ng kamay yun tapos may eye contact pa. Damang-dama ko yung connection namin eh! Hahaha!
Chos lang! Assuming lang ako! Lol!
Pero seryoso talaga, may nararamdaman akong kuryenteng dumaloy nung hinawakan niya yung mga kamay ko. Naramdaman din kaya nya yun?
Hay naku Anna! Guni-guni mo lang yung kuryente effect na yun, may ground lang yung mic. Wahaha! At aba, umeeksena na naman ang kontrabida kung isip! Naku ah!
"Shut up! Ok?!" Sabi ko sa isip ko. Nooooo! Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko. Hahaha!
Pero sa tingin ko nga nababaliw na ako, baliw na baliw na ako sa kanya! :) Gaaaassshhh! Ano bang pinagsasabi ko?! Adikk na yata ako. Adik sa kanya! Hahaha! (Geez! Kelangan ko ng itigil ang kacorny-han ko.)
Hayyy! Basta!! Crush ko lang siya as in C-R-U-S-H.
CRUSH! CRUSH LANG PERIOD!
Pero diba sabi mo,pasok yung mga qualities niya sa iyong "My Kind of Perfect" at sa twing nagkakalapit mga kamay niyo eh may kuryente effect, tapos kapag malapit siya sa'yo hindi ka mapakali, kinakabahan ka, at sa twing naiisip mo siya napapangiti kang mag-isa na parang tanga. Diba sa mga palabas ganun yung sign ng LOVE??? Dikta ng isip ko.
Ayyyyy!! Pero impossibleng LOVE tong nararamdaman ko. Kasi... Kasi... Kasi... Kasi... Ahhhhh! Wala akong maisip! Hindi ko alam! Basta tingin ko impossible talaga. O__O masyadong mabigat ang salitang LOVE para i-label sa nararamdaman ko.
Ito na ba yung laging nakalagay sa autograph nung elementary ako, "Crush is paghanga and somtimes lumalala." Tssskkk! Ang lakas na ba ng tama ko kay Kent??? Haaixxt!
Alam ko na baka hindi LOVE toh, kasi sabi sa nabasa ko, LOVE daw ang nararamdaman mo kapag nararamdaman mo ang tatlong K! KABOG, KILIG, KIROT. Dalawang K lang ang nararamdaman ko sa kanya, KABOG at KILIG lang, kumakabog ang dibdib ko kapag malapit siya sa akin and at the same time, kinikilig ako. Pero hindi pa ko nakaranas ng kirot dahil sa kanya. As in yung nasaktan ang puso ko dahil sa kanya. Therefore, I conclude this aint love. Wahahaha! ^______^
Wag kang pasisigurado Anna. Aba! Sumasabat na naman tong isip ko. Errr! Kontrabida kahit kalian.
Ahhhh! Bahala na nga si Batman, basta kung ano man tong nararamdaman ko, i-eenjoy ko na lang to. Go with the flow na lang.. Kasi kung iisipin ko pang mabuti ang nararamdaman ko, malulurky(loka) lang ako.
BINABASA MO ANG
Is This Love?
General Fiction“Do you ever think, when you’re all alone. All that we can be, where this thing can go. Am I crazy or falling in love? Is it real or just another CRUSH?” “Ano nga bang nararamdaman ko, IS THIS LOVE? Pero paano ko masasabing LOVE ang nararamdaman ko...