Chapter 5

697 14 23
                                    

Masyado kaming naging busy sa pag-aasikaso para sa Acquaintance Party. Hindi naman kami officer eh, kaso kaibigan namin  ang President ng Org namin so syempre tinulungan namin siya. Simula sa paghahanap ng beach resort, sa paghingi ng discount, sa pagahahanap ng magca-cater ng food, sa pagbili ng mga prizes, paghahanap ng marerentahan ng sound system, pagpapagawa ng tarp, at syempre paggawa ng program.

At ayan, sa wakas...

Bukas na makikita ang magiging resulta ng aming preparasyon. Sana maging ok. Sana maging masaya lahat ng members.

Well, teka, tama na ang sana. Kailangan ko ng matulog, maaga pa kami bukas. 8:30am start ng program, inagahan namin para sulit talaga ang bayad at syempre makilala ang mga new members ng org. Tsaka hanggang 4pm lang ang party eh. Yun ang napagkasunduan ng karamihan para daw hindi naman gabihin, syempre iniisip pa rin ang security ng bawat isa.

Beep! Beep! Beep!

Dali-dali akong lumabas ng bahay para tignan kung kaninong sasakyan ang bumubusina.

Ayun! Positive! Si Daniel na, kasama na sila May, Miley, Demi at James.

Dinala na ni Daniel ang van nila para hindi daw hassle ang pagpunta sa beach.

“Sandali lang, kunin ko lang ang gamit ko.” sigaw ko.

Nag-ok sign lang si Daniel.

Dali-dali kung kinuha ang backpack ko. Then, siyempre diretso sa van.

“Oh Anna! Kamusta ka naman? Bakit ganyan ang suot mo? Sa beach tayo teh, sa beach.” sita sa akin ni Mae.

“Eh bakit? Ano bang mali sa damit ko? Ok naman ah? Alangan naman magsuot ako ng masyadong revealing eh di mamaya, ako na ang naging center of attention sa party! Hahaha!” pangangantyaw ko.

“Sus! Tignan mo kasi ikaw ang naiba teh, sana naman nag-jumpshort ka na rin lang.Pansinin mo kami nila May at Miley,girl na girl today.",sabi naman ni Demi.

“Naku mga teh! Keri na toh. Mas komportable ako dito. Hahahah!”,sabi ko.

“Oo nga, wag niyo ng kantyawan si Anna, terno naman outfit niya sa amin eh. Hahaha!” sabi naman ni James. Palibhasa kasi naka-board shorts at polo naman si James at Daniel.

Hindi ko naman alam kung ano bang mali sa damit ko. Ok naman ah. Plaid Bermuda shorts, fit green t-shirt at naka-flip flops ako. Keri na, ganito lang talaga ako manamit eh, mas kumportable. Palibhasa kasi itong si May at Miley eh nakabestida at si Demi naman eh naka-jump shorts na tube. Masyadong pa-girl. Hehehe!

Pagdating namin sa beach, halos marami na rin ang tao. Ready na rin ang lahat.

Music.. Food.. Party People..

So.. It’s PARTY!PARTY!

Dumiretso muna kami sa cottage naming.

Teka.. Asan na kaya si Kent?

Paglingon ko..

Is This Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon