Chapter 1
"I wanna make you smile, whenever you're sad.
Carry you around when your arthritis is bad.
All I wanna do, is grow old with you."
Sino kaya ang nag-mamay-ari ng napakagandang boses na yun? Ako ba ang kinakantahan niya?
Lumingon ako. OHMYGOSH! Si Kent ang umaawit. Pero teka, bakit andito ako sa Beach? Paano ako napunta dito?
"I'll miss you,
Kiss you,
Give you my coat when you are cold,
Need you,
Feed you,
Even let yah hold the remote control."
Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang kumakanta siya. OMO! Magpropropose ba siya sa akin?
Teka! Hindi pa ako ready.
Pero sayang naman kung papalampasin ko pa ang pagkakataon.
Ano? Kapag tinanong niya ba ako sasagutin ko siya?
Anna, bilisan mo mag-isip.
Habang kumakanta si Kent ay unti-unti siyang lumalapit sa kinatatayuan ko.
OHMYGOSH!THIS IS IT NA BA?!
Binigyan niya ako ng isang bouquet ng tulips. Gah! Favorite flower ko toh eh.
Dinala niya ako sa isang cottage.
Wow! Napakaganda ng ayos, ang daming flowers sa paligid tapos may scented candles pa.
Background music pa din n Grow Old With You.
Hinila niya ang upuan at inalalayan ako sa pag-upo.
Speechless pa rin ako.
"So let me do the dishes in our kitchen sink.
Put you to bed when you've had too much to drink.
I could be the man who grows old with you.
I wanna grow old with you."
"Anna, will you......"
"Pangarap ka na lang ba,
O magiging katotohanan pa,
Bakit may mahal ka ng iba?
Ngunit di bale na,
Kahit mahal mo siya,
Mahal naman kita.haaahh!"
Hayyyyy! Ang aga-aga ang ingay ng radio ng kapitbahay at sinabayan pa ng frustrated singer kong kapitbahay! At parang nang-aasar pa yung kanta ah.
Akala ko eh, totoo na ang lahat.
Panaginip lang pala, nasobrahan na naman yata ako ng kakapantasya kagabi kay Crush ah.
Ganoon kasi ako, naging hobby ko na yata bago matulog na bumuo ng kung anu-anong kwento sa isipan ko na kami ni Kent ang bida. Wala naman kasing masama doon diba? Libre mangarap.
Inabot ko ang cellphone ko. Pagtingin ko, O_____o
"OH NO!!! 7am na! 7:30 ang start ng klase ko!"
"Relax Anna! First day of school pa lang, di mo kailangan magpa-aga," bulong ng isipan ko.
Oo nga naman, bakit ako magmamadali? For sure, wala pa yang Prof na papasok.
First day of school na naman. Ang bilis ng panahon, huh..
Kalurky! Parang hindi pa ako ready harapin ang madudugong subjects naming ngayong semester. Lahat na yata ng hate ko, pinagsama-sama na. Pero ganunpa man, half of my heart...
Ay hindi, buong puso ko pala ay excited ng pumasok.
Why? I'll tell you later.
Kailangan ko munang mag-ayos ng sarili ko dahil papasok pa ko noh.
Nagmamadali akong maligo at kumain. Hindi dahil nababahala akong baka may Prof na kaming pumasok kundi baka ko ang ma-late sa aming magbabarkada. May fine kasi na binabayaran ang mga late sa amin. Sayang din ang ibabayad ko. Panggulaman pa yun sa labas ng school.
Omo! 7:20am na.
Eh 7:30 ang pasok ko. Deads ako nito baka ansun na nag mga kabarkada ko.
Ang bagal naman ng takbo ng jeep, ang layo pa ng babaybayin namin. Akala yata ni Manong Driver eh, nagfi-field trip kami. Tsk. Aba! Nagpagasolina si Manong Driver. Hala! Kung kailan ka nga naman nagmamadali.
Sa wakas, nakarating na rin sa school.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa building namin.
Kainis naman kasi oh, ang layo ng building namin mula sa gate.
Kaya naman pagdating ko ng room, ayun, hingal na hingal ang Lola niyo.
"Oh Anna! Bakit hingal na hingal ka? Nagmarathon ka? Hahaha!" sabi ni May. Isa sa mga kabarkada ko.
"Akala ko kasi late na ko," tugon ko.
"Hahaha! Wala pa namang prof na pumapasok eh. Tsaka hindi pa ikaw ang late sa atin, wala pa si James at Daniel." Sabi niya.
"Eh asan ang iba?"ako.
"Nasa baba, kumakain."si May.
"Ah, kaya pala."ako.
Biglang may maingay na mga boses na tila parating sa room.
Ah, ayun nap ala nag iab akong mga kaibigan.
Busog yan, kaya maiingay. Hahaha!
Ayun, tumpukan kami sa isang side ng classroom. Daldalan.
Natural lang naman yun diba?
Namiss kaya naming ang isa't isa.
"Hahahahahahahahahahahaha!"
Palakasan yata ng tawa ang labanan naming magkakaibigan, kung makatawa naman wagas.
"Hahahahahaha!"
Pero bigla akong napatigil ng may pumasok. Oooooopppsss! Hindi si Prof ang dumating ah.
Si Crush yun. At siya ang dahilan kung bakit half of my heart ay very excited na pumasok. Ini-expect ko talaga na magiging kaklase ko siya kasi naman halos kasabay naming siya nung enrollment.
Hayyyyy! Lalo yatang gumwapo si Crush, este si Kent. Hahahaha!
Teka, san kaya siya uupo?
Maraming bakanteng silya sa likod ko.
Oh common! Mamon! Sana dun siya umupo.
At ayun, pagpasok niya ng room..
Dun siya dumiretso sa...

BINABASA MO ANG
Is This Love?
قصص عامة“Do you ever think, when you’re all alone. All that we can be, where this thing can go. Am I crazy or falling in love? Is it real or just another CRUSH?” “Ano nga bang nararamdaman ko, IS THIS LOVE? Pero paano ko masasabing LOVE ang nararamdaman ko...