CHAPTER 4- Loading.......Game of CAT and MOUSE

1.3M 17.3K 3.7K
                                    

CHAPTER 4- Loading........Game of CAT and MOUSE

NASH's POV

T_______T huhuhu

.

.

O___O waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

.

.

T_______T huhuhu

.

.

O___O waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

.

.

.

T_______T hu---

*poink! (BATOK)

"Aray  naman Katie! ah ah! Kanina ka pa ah! Nakakailan ka na sakin!"  batukan ba naman ako bigla?!  Naiyak na nga yung tao tapos babatukan pa?

Note: awas na kami nito

(a/n : sa mga hindi taga San Pablo ang meaning po ng "AWAS" ay nakalabas na sa klase or tapos na ang klase) 

Pagkatapos nung nangyari sa food court kanina, kinaladkad na lang ako ni katie palabas at nag sorry sa mga tao dun, ako? tulala parin nun. Pumasok kami sa last subject pero, wala naman akong naintindihan, lumilipad ang utak ko at ngayun nga, nandito na kami sa kwarto namin ni Katie.

"Eh kasi naman Nash! Para kang tanga! Iiyak, sisigaw! Iiyak, sisigaw! . Aba! Mabuti sana kung ikaw lang dito sa kwarto no?! pero hindi eh! Hindi ako makapanuod ng ayos gawa mo! Para kang nanganganding pusa!" pusa? ayoko sa pusa!

"Eeeeeeeeeeeeeeh! Katie! Bawiin mo yung sinabi mo! Bawiin mo yun! Kahit ikumpara mo na ako sa nauulol na aso, sa nangangating pulgas o kahit na sa tumatalong garapata, wag lang sa pusa! Kaya bawiin mo yung sinabi mo! bawiin mo! bawiin mo!"  Inaalog ko na sya nan.

"God! stop it! Stop it Nash or I swear I'll kill you! " napatigil naman ako nun sa pag alog sa kanya

"Eh kasi Kat--"

"Heh! Tahimik! Ako muna huh Nash?! pwede?!"

Anu pa nga bang magagawa ko? edi ayun..tumango nlng ako at nakinig =__=

.

.

"*sigh Unang una Nash, shet naman! Hindi naman tungkol sa pusa ang issue dito eh! Ginawa ko lang yun na comparison! Pangalawa, anu bang iniiyak-iyak mo dyan?! Eh ikaw tong napakatapang at naghahamon agad ng away dahil sa isang cake! Nash isang cake? Handa kang makipagpatayan para sa isang CAKE?! Malala ka talaga! At pag minamalas ka pa nga naman, makikipag-away ka na lang din, kay BRYLE STANFORD PA! BRYLE S-T-A-N-F-O-R-D"  

"Eh hindi ko--"

"Hep hep! Sinabi ko bang magpaliwanag ka?!"

Umiling lang ako.

"Hindi mo pa kilala ang lalaking yun  Nash. Oo gwapo sya, mala anghel ang mukha, ngiting parang tinatangay ka sa langit, matang---ay teka! ahaha, crush ko kasi yun eh! haha. Pero kahit ganun yun nako, nakakatakot yun magalit. Wala syang sinasanto, kahit mga teachers nga hindi nakakaligtas sa mga kalokohan nun,  ikaw pa kaya?! Alam mo, wala pang nang away sa kanya ng ganun at alam mo ba? wala pa yung kinakausap na babae sa school ng ganun kahaba ang sinabi. Kadalasan kasi, dadaanan ka lang niya. Kung sasagot minsan oo, hindi, *katahimikan lang. Swerte ka na kung magsalita yun sayo ng more than 3 words! Tapos nilapitan ka pa niya?!  Wala pa syang ginagawan ng ganun kahit nung high school pa kami. Hay.. hindi ko nga alam kung dapat akong mainggit sayo o maawa."

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon