CHAPTER 34- HELLO BAGUIO

811K 9.3K 2.9K
                                    

CHAPTER 34- HELLO BAGUIO

NASH's POV

Teka, nakatulog pala ako?! Mumukat mukat pa ako, kagigising ko lang kasi.

Napatingin naman ako sa may damit ko, ba-bakit merong jacket pa na nakabalot sakin?!

Napatingin naman ako kay Bryle na nasa tabi ko, naglalaptop siya eh. Nagbabasa ata ng One Piece. Adik yun dun eh.

Aw, nakatulog pala ako habang nakasandal sa isang braso niyang nakaakbay sakin! Namumula tuloy ako ng wala sa oras. Kyaaaaaaaaaaah!

Bobo talaga neto, halata namang nilalameg siya, inilagay pa sakin yung jacket niya!

"Hoy Bryle! b--"

"Ay aso ka! shet Nami! ginulat mo naman ako oh! muntik na tuloy malaglag yung laptop! gagong to!"

"Gago ka rin! Hindi ko na kasalanan kung magugulatin ka!"

"Tsk.." bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng One Piece..suplado?!

"Hoy Bryle!"

"Anu?!" sagot niya ng hindi parin natingin sakin, busy sa pagcocomputer

Sige ikaw na laptop! Ikaw na ang mas gusto ni Bryle! (pagselosan ba daw yung laptop?! =___=)

"Isuot mo na sayo tong jacket mo oh. Nilalameg ka na dyan eh. Bobo mo talaga! May jacket na ako sinuot mo pa sakin tong jacket mo." tatanggalin ko na sana yung jacket niya pero pinigilan niya ako

"Pakialam ka pa kung nilalameg ako?! Mag thank you ka na lang dapat! tsk..bobo ka talaga. Eh ang nipis po kaya ng jacket na suot mo, nung magising ako nanginginig ka sa lameg, edi ayun sinuot ko sayo. Kaya wag mo ng hubarin yan. Pag nagkasakit ka, isa pang intindihin."

"Tsk! bakit ang sweet mo?!" sabay kurot ko sa kanya, nadala ako ng sobrang tuwa

"Damn! Bakit may kurot pa?! ang sakit eh!"- Bryle habang hinahaplos yung pisngi niyang kinurot ko, ang cute niya.. haha

"Sorry na.. haha.. ang cute mo!" *ngiti ng sobrang laki

"Hi-hindi ako cute! gwapo ako! Isa pa, wag ka ngang ngumiti ng ganyan!" sabay iwas niya bigla ng tingin sakin, problema neto?! maganda naman ang ngiti ko ah?!

"Anung masama sa pag ngiti?! huh?! bakit ayaw mo akong tingnan?! nagagandahan ka sakin no!"

"Hoy asa ka pa Nami! Ang pa-panget mo kaya! May panis na laway ka pa nga oh!"

Huh?

"Asan?! wala naman eh!" sabi ko habang pinupunasan yung may tabi ng labi ko

"Hahaha! Naniwala ka naman! uto uto ka talaga! hahaha!"

"Gago ka! Pinagtitripan mo ako!"

"Hahaha! pero ang totoo, may muta ka pa Nami!"

"E-eh?!" sabay hawak ko naman sa may mata ko para icheck kung may muta nga ako

"Wala naman Bryle eh!" wala naman kasi akong nakapa eh!

"Ahahahaha! Nauto ko na naman! wahahahaha--aray!" bigla ko nga syang batukan

"Ang sama mo talaga Bryle!"

"Hahaha! hindi na! Joke lang. Eh pero Nami, yak may kulangot ka! anu ba yan!"

"H-huh?!" sabay hawak ko naman sa may ilong ko

"Wala naman e--"

"Ahahahahahahaha! shet! shet! grabe talaga! sobrang uto uto ka! ahahahahaha!--aray! aray! aray! whoa! tama na!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon