Chapter 4: The Forbidden Room

213 10 0
                                        

Tahimik ang biyahe pabalik ng Tagaytay.

Sa loob ng Maybach, halos masakal sila sa bigat ng katahimikan. Nakatingin lang si Bianca sa bintana, pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Mukha itong marupok—parang porselanang minsan nang nabasag at pilit pang binubuo.

Sa kabilang upuan, paulit-ulit na bumabalik sa isip ni Alexander ang sinabi ni Marco.

Does she know?

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Bianca, marahang hinihimas ang likod nito gamit ang hinlalaki.

Napapitlag si Bianca pero hindi nito binawi ang kamay.

"Ang dami mong iniisip," kalmado niyang sabi.

"Hindi ko maiwasan," mahina nitong sagot. "May mga sinabi si Marco tungkol kay Daddy. Parang alam niya talaga kung paano bumagsak ang kumpanya namin."

Nanigas ang panga ni Alexander.

Lumapit siya nang kaunti.

"Marco lives off other people's doubts. Huwag mong hayaang siya ang magdikta ng paniniwala mo."

Unti-unting humarap si Bianca.

Punong-puno ng tanong ang mga mata nito.

"That's the problem, Alex," bulong niya. "Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan. Hindi ko na rin alam kung sino ka."

Walang naging sagot si Alexander.

Ibinaling na lang niya ang tingin sa madilim na kalsada habang tahimik na ipinagpatuloy ng sasakyan ang biyahe.

Pagdating sa villa, agad na tinawag si Alexander para sa isang emergency video conference kasama ang mga European partners niya.

Halata ang inis sa mukha nito habang dumidiretso sa study.

"Mauna ka nang matulog. Gagabihin ako."

Tumango lang si Bianca.

Pero alam niyang imposible siyang makatulog.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Marco.

At ang pangalang matagal na niyang nakitang nakabukas minsan sa laptop ni Alexander.

Project Eclipse.

Lumabas siya ng master suite.

Tahimik ang buong villa.

Huminto siya sa harap ng study.

May manipis na ilaw na sumisilip mula sa ilalim ng pinto.

Naririnig niya ang malamig at seryosong boses ni Alexander habang may kausap ito sa German.

Mahigit isang oras siyang naghintay.

Maya-maya, namatay ang ilaw.

Narinig niyang papunta ang mga yabag ni Alexander sa gym.

Kapag stressed ito, doon ito nagpapalipas ng oras.

Ito na ang pagkakataon.

Marahan niyang binuksan ang study.

Amoy mamahaling pabango at lumang libro ang buong silid.

Dumiretso siya sa desk.

Locked.

Isa-isang sinubukan ni Bianca ang mga drawer hanggang sa mapansin niya ang maliit na keypad na nakatago sa ilalim ng mesa.

Naalala niya ang birthday ni Alexander.

01-14.

Tumunog ang lock.

Dahan-dahang bumukas ang pinakailalim na drawer.

Bound by the Billionaire's CommandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon