Chapter 2

33 10 0
                                    


Chapter 2


PAPUNTA na ako sa nasabing lugar kung saan gaganapin ang aming alumni home coming. Sa school gym pa din namin... Sa gym na kung saan naganap ang lahat.


Habang nasa daan ay hindi magkamayaw ang mga alaalang tumatakbo sa aking utak. Unti-unting tila isang pelikulang inirewind na tumatakbo sa utak ko ang nakaraan....



Year 2004


~~~FLASHBACK~~~


Sabi nila high school life daw ang pinakamasaya. Pinaka-unforgettable sa lahat. Masaya nga ang high school life kaya nga madami ang nagiging repeater eh kasi mas gusto nilang mag-stay sa high school.


Mas inuuna nila ang mga kalokohan nila kaysa sa pag-aaral. Nandyan ang mga bullies, ang mga vandals, ang mga malalandi, mga brats at makukulit.


Sa high school din nandyan yong magkaron ng crushes, yong mga first love first love na iyan yang mga suitor na yan. Mga hara-harana, jamming sa klase. Ang saya nga namang talaga di ba?


But for me I never experienced to have those. Bakit? Dahil ako daw ang total meaning ng kababuyan. Baka daw mahawa pa sila sa kababuyan ko. I mean sa katabaan ko. Sa sobrang katabaan ko wala man lang may gustong manligaw sa akin. Wala man lang pumapansin sa akin bilang babae.


Babae na pwedeng ligawan. Na pwedeng ipagmalaki. Pwede bang wag na lang nilang tingnan ang panlabas na anyo ko? pwede bang yong kabaitan ko na lang ang tingnan nila? O yong ibang traits na mayroon ako.


Actually may crush ako. Kaso nahihiya akong lumapit sa kanya at hindi ko pwedeng sabihin sa kanyang crush ko sya. Kasi naman makita ko lang syang naglalakad malapit sa direksyon ko ay natatameme na ako. Lagi lamang akong takaw titig sa kanya. Titigan ko pa lamang sya ay nabubusog na ako. Kaya nga siguro ako mataba eh.


Minsan nga nakikita nya akong nakatitig sa kanya kaya bigla ko na lamang iiiwas ang paningin ko. nahihiya kasi ako eh. Lalo na kapag nandiyan ang mga barkada nya palagi na lang akong pinapahiya ng mga ito.


Palagi na lang nila akong inaasar. Palagi na lang akong umuuwi sa bahay namin ng umiiyak. Iisang tao lang ang palaging nandyan at naging totoong kaibigan ko at iyon ay si Gail. Naging mag-bestfriend kaming dalawa. Nagkaroon man kami ng ibang kaibigan ay hindi naman mga tunay dahil nalapit lamang sila sa akin kapag may kailangan sila.


Si Gail? Siya ang nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako dahil binubully ako ng ibang classmate namin. Siya din ang tanging tao na naniniwala na ang ganda ko daw kahit mataba ako. She says I am beautiful inside and outside. Inside dahil mabait daw ako at matulungin.


Outside dahil kahit mataba ang pisngi ko at may BMW ako as in (BILBIL MO WALO) ay maganda pa din daw ako. Matangos daw ang ilong ko kahit na mataba ang pisngi ko, lagi nya ding sinasabi na hindi naman daw mukhang siopao ang pisngi ko eh. Malaman lang daw talaga.

Way Back ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon