Chapter 4
CASSY's POV
"A penny for your thoughts?" sabi ng tinig na nagpabalik sa akin.
Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko, dali-dali ko iyong pinunasan at ngumiti ng kimi sa lalaking umagaw ng attention ko.
Tuwing maaalala ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi maiyak. Hindi pala ganoon talaga kadaling kalimutan. Oo madaling magpatawad ngunit mahirap makalimot.
"Are you one of our batch mate or classmate? Which section are you in?" sunud-sunod na tanong pa nito. He looks so yummy and hot kung baga sa pagkain isa syang steak na bagong luto.
Tumango lang ako dahil pilit kong inaalala sa isipan ko kung sino ang lalaking ito.
He looks familiar but I can't remember his name. Iisa lang naman ang taong hinding-hindi ko malilimutan eh. Bago pa ako makapagtanong ay may nauna ng magsalita sa akin.
"Kevin! What are you doing here? I thought hindi ka makakarating." Si Gail na bagong dating galing restroom. Ngayon ko lang naalala na parang ang tagal pala nito sa restroom.
Madami sigurong classmate namin ang bumati dito dahil napakaganda din naman nito ngayong gabi wala kang itulak kabigin.
He just shrugged his shoulder with Gail's question.
"Are you with her?" tanong pa ni Kevin at nakipag beso-beso sa kaibigan ko.
Yeah! I remember he is Kevin one of the jerk ass. I rolled my eyes secretly. Kevin Asuncion.
"Yeah! Don't you remember her?" sila lang ang nag-uusap na tila wala ako doon at hindi ako ang pinag-uusapan nila.
"Kung natatandaan ko siya di sana siya na lang ang niligawan ko di ba? Sa ganda nyang iyan. At hindi mo na sya makikita pa dahil magkukulong na lamang kaming dalawa sa kwarto namin," Mayabang pang sabi ni Kevin at kumindat pa ito sa akin.
Nahampas tuloy ni Gail ito sa braso.
"Ang sadista mo talaga!" hinimas himas pa ni Kevin ang nasaktang braso.
"Ang manyak mo pa din talaga," irap ni Gail dito.
"Nagsasabi lang ng totoo, you should take it as a compliment. Minsan lang ako pumuri ng maganda,"
"Abnormal ka talagang lalaki ka, wala ka pa ding pinagbago. Sigurado kang hindi mo natatandaan yan?" pangungumpirma pa ni Gail.
Umiling lang ito.
"Don't try to remember me baka magka brain tumor ka pa!" I said sarcastically at inirapan ito.

BINABASA MO ANG
Way Back Then
RomanceIkaw ba ay taong maraming sobra? sobra sa lahat ng bagay? sobra as in... Sobra sa pisngi? sobra sa abs na naging TABS na? Sobra sa kain? Sobra sa taba? Sobra sa pera? Sobrang yaman? at lahat ng sobra mayroon sya. BASAHIN NYO PO ITONG NEXT STORY KO...