#Cinco Isang Taga-suporta

78 2 0
                                    

December 25, 2015
Metro Manila Film Festival na... ito yung araw na susugod ang mga fan ng magkabilang istasyon. May kanya-kanyang banner na dala at syempre yung pagsusuporta. I'm an Aldub fan, hindi ko ipagkakaila iyon. Dahil ito lang kasi yung family na active ako dahil na rin sa gadgets na meron ako ngayon. Noon kasi ay JaDine fan ako, still now pa rin naman pero hindi active, ang JaDine kasi yung unang love team na na-meet and greet ko sa movie na TBYD (Infairness, ang bango ni fafa James Reid at ang pretty ni Nadz).
Oops... introduction pa lang po iyan, ito talaga ang laman ng chapter na ito. MMFF na, syempre kinaabangan ng lahat ito. Masaya naman. At My Bebe Love ang pinanood namin pero ang kinalulungkot ko lang e, kung bakit may nagaganap na TICKET SWAPPING? Nag-s-scroll ako sa Home ng Twitter ko at all about Ticket swapping ang laman ng tweets at confirmed na ito mismo sa official account ng management at sa kinauukulan. Nakakalungkot. Nakakapanghinayang. Bakit? Hindi dapat gano'n e. Kung may kanya-kanya man tayong fandom/family dapat do'n na lang mag-focus at magbigay ng suporta, hindi yung, kanya-kanya rin paninira. I'm not saying this kasi AlDub fan ako, but no! Both sides ang biktima. Vice versa lang naman, 'di ba? 'Pag naninira ang kabila, ibabalik rin ang kabila. Gano'n lang iyon eh. Kahit may ilan mang-fan ang makukulit talaga, hindi naman ibig sabihin niyon ay gano'n na kaagad ag fans ni ganito at ni ganiyan. Pero bago ko ito, itong chapter na ito, ginawa ay gumawa muna ako ng observations and I'm VERY DISAPPOINTED. Opo, sobrang na-disappoint po ako (Alam ko po na ang iba ay walang pakialam). Pilipino na nga po tayo, iisang lahi, iisa ang inang-bayan, iisa ang watawat pero nag-aaway pa. Hindi po ba pwedeng hayaan na lang yung mga taong naninira at 'wag na lang magpaapekto? Opo, sinusuportahan niyo po ang mga iniidolo niyo pero hindi niyo po ba iniisip na kung ANO ang pinapakita niyo sa masa?
8:41 PM; tandang-tanda ko pa ang oras na nagsimula akong magdasal, syempre tiningnan ko ang orasan kaya alam ko ang oras. Nagdasal ako na sana maayos ang gulo dito sa Pilipinas, lalo na ang dumagdag ngayong pasko na Ticket swapping. Pero may tatlong bible verses akong ibabahagi para sa inyo;
2 Chronicles 20:15b NIV, This is what the Lord says to you: 'Do not be afraid or discouraged because of this vast army. For the battle is not yours, but God's.'
Ngayon, palitan mo yung vast army sa enemies at ulitin mo ang pagbasa. See? 'Wag na kayong ma-beast mode. Kalma lang, please? Kung susugod kaagad kayo sa isang digmaan na walang sandata at hindi kayo handa, trust me, matatalo kayo. Naranasan ko na rin ito kaya that's why I'm sharing this kasi isa ito sa mga life lesson ko. Hindi mo lang ito battle, battle din ito ni God, ano? 'Wag mong sarilihin, ipaubaya mo kay God.
2 Chronicles 20:17b NIV; 'Do not be afraid; do not be discouraged. Go out to face them tomorrow, and the LORD will be with you."
Pansin niyo po at paulit-ulit na lang yung mensahe? Kasi iyan yung ipapahiwatig ni God eh. Kung may nang-bash sa sinusuportahan mo, harapin mo ito na katulad ng isang professional hindi yung parang mananampal. Wala kasing mapapala sa panglalait ng kapwa eh kahit sabihing artista pa iyan, e sa totoo lang, tao rin naman sila. 'Wag ng mang-bash, okay? Baka bumalik sa'yo iyan at ikaw ang ma-bash. Matakot ka... mas malala ang ibabalik.
Pero ito ang pinakamalupit...
2 Chronicles 20:21b NIV; "His love endures FOREVER."
Oy! May FOREVER! 'Di mo ramdam? Kasi iyang FOREVER na gusto mo ay hindi hinahanap, kusang dumadating at nararamdaman iyan sa TAMANG PANAHON. Si God yung forever talaga natin, e. Wala ng iba.

Kaya IKAW! OO, IKAW NGA. IKAW NA NAGBABASA NGAYON. 'WAG KA NG LUMINGON PA SA KATABI MO. IKAW TALAGA. Kaya IKAW, ang isa mga daan sa pagbabago, okay? Tumulong ka sa paglaganap sa Word na ito para maibsan ang gulo. Mapa-Aldub nation, Jadine, Kathniel, LizQuen or kahit anong fandom ka man, SUPORTAHAN MO AY IYONG GUSTONG SUPORTAHAN SA MATIWASAY, MASAYA, MALUPET AT MABUTING PARAAN.
I-enjoy niyo lang! No pressure.

-Gorgeous

Iba't Ibang Kahulugan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon