Mi Testimonias con Dios (2)

298 2 1
                                    


Halo-halong amoy ang nasa paligid ko. May amoy ng mabahong hininga dahil sa pakikipagdaldalan, may amoy ng mga pabango at higit sa lahat ay ang amoy ng putok sa kili-kili at pawis. Hindi ako makareklamo o mag-make face dahil nakakahiya lalo na't transferee lang ako. Lord, hello? Bigyan niyo po ako ng friends. Ayoko na pong mag-isa. Gusto ko ng magbago. Please! Pinagpatuloy ko pa rin ang kaimtiman kong pakikiusap sa Kaniya.

"Third year section Faith diyan! Pumasok na kayo rito. Dito ang klasrum niyo." Sigaw ng isang SSG officer base na rin sa suot niyang damit.

Nagsimula nang makipagsiksikan ang mga estudyante sa masikip na espasyo ng pintuan. 'Yung iba ay kaniya-kaniyang reserba ng mga upuan para sa mga kaibigan nila habang 'yung iba ay may kaniya-kaniyang mundo. Hindi ko alam kung saan ako uupo kaya 'yung upuan nasa harap ko na lang ang inukopa ko.

"Hello, transferee ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita e." Nakuha ng babaeng nakasalamin nasa harapan ang atensyon ko

"Opo." Matipid kong sagot sabay yuko.

"Ako pala si Karren. Ikaw, ano'ng pangalan mo?"

"Vienna po." Nahihiya kong sagot. Teka, Lord, ang bilis mo naming sinagot ang prayer ko. Hindi ba puwedeng mag-adjust muna?

"Class, keep quiet!" Sigaw ng isang titser nasa harapan. Mula sa isang palengkeng klasrum ay naging mala-paraiso sa katahimikan na ngayon. "Ngayon ay may dalawang transferee tayo mula Bicol at Davao." Ayan, 'pag taga-Davao, ako na iyan. "Kaya i-feel welcome niyo sila. Magpakabait 'yung makukulit lalo na ang boys." Dagdag pa niya. "Sige, 'yung taga-Bicol muna ang unang magpakilala."

May tumayo kaagad na magandang babae nasa left-side ng klase. Ang ganda niya. Huhulaan ko, maraming magkakagusto sa kaniya. Juicecolored! May pag-asa pa ba akong magkaroon ng kaibigan? Deym! Bulol akong magtagalog ano ang sasabihin ko? "'Yung taga-Davao naman! Kumusta man ka, 'day?" sabi ng titser at nagsimula ring mag-bisaya. Haler? Kahit bisaya ako ay ingles ang pakikipag-usap namin sa kadahilanang may malalim na mga salita ang bisaya at sa accent na rin ng pagtatagalog.

Ngumiti lang ako at inilibot ang paningin. Deym! Lahat sila nakatingin sa akin. "Hi, I'm Vienna and nice to meet 'ya." Maikli kong pagkikilala. Uupo na sana ako nang tinanong ako ng guro.

"Do you speak tagalog?"

"Yes, ma'am. A lil' bit only." Kinakabahan kong sagot. Sa lahat-lahat ay ayaw ko ng recitation. Nanginginig na ang mga paa ko at ang lakas ng kabog na aking puso. Bakit ang dami niyang tanong sa akin?

Parang nakuha ko ang atensyon niya dahil nagtanong ulit ito. "How come?"

"It's just that I'm not used to speaking tagalog 'cause English our preferred I mean second language in our home." Tama ba ang pag-e-english ko?Nakakakaba, hindi man lang ako pinaghanda. Naramdaman rin ng guro na nahihiya na ako kaya't pinaupo na niya ako.

"O, ano kayo ngayon? May English-sera na kayong kaklase." pabiro niyang sabi. Hindi ko alam kung positibo o negatibo ba iyon na bagay para sa akin.

Lumipas ang mga araw sa klase namin at may-seating arrangement na kami pati na rin ang mga requirements. Dahil na rin sa seating arrangement ay nasa dulo ako sa pag-b-base ng huling pangalan. Maganda naman ang pakikitungo nila sa akin kahit 'yung iba ay ayaw pa akong kausapin dahil sa first impression ng pag-e-english ko sa kanila pero may isang babae na katabi ko ang mukhang masungit pero mabait. Sa simula ay hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin pero sinagot ng Diyos 'yung pinapanalangin ko araw-araw at gabi-gabi, ang magkaroon ng tunay na kaibigan. Naging magkaibigan kami dahil sa kantang pina-bluetooth niyang Heart attack ni Demi Lovato at doon na nagsimula ang lahat. Kung titingnan siya ay sa unang tingin ay napakamasungit at snob siyang babae pero 'pag nakilala na siya ng lubusan ay siya 'yung sweet at makulit. Proud ako na siya ang itinuri kong bestfriend. Bukod sa nasa dulo ang mga pangalan namin dahil sa letrang T pero sapat na 'yung maging instrumento ng Dios para makilala ko siya.

Iba't Ibang Kahulugan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon