Mi Testimonias con Dios

332 5 1
                                    

May ikukwento ako sa inyo... Actually, hindi ko alam kung paano ko sisimulan, kung paano ko ikukwento sa inyo. Nagsimula kasi ito noong nakilala niya si God. Oops, teka lang, hindi ito nagpo-promote ng religion. Gusto ko lang ibahagi ang kuwento ng isang babaeng malapit sa puso ko, sobrang lapit. Noong una, gusto ko siyang batukan sa dahil sa kinukuwento niya sa akin pero naglaon ay tinanggap ko na rin. Simulan natin sa unang kuwento niya sa akin. Nakahanda na daw ang puso niya kung ano man ang magiging reaksyon niyo...


"Anak, gising na! Malelate ka sa school!"

"'Ma, saglit lang. 10 minutes pa." Sagot ko kay mama habang nakatalukbong pa rin ng kumot.

"Isa! Babangon ka na ba o hindi pa?" Naiinis na bulyaw sa akin ni mama habang hinihila ang kumot.

"Dalawa, tatlo, apat­-" pang-aasar ko.

"Aba't ginagalit mo talaga ako, ha?"

Pagkarinig ko niyon ay mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at nagsimulang mag-ayos. Takot lang ako kay mama baka maging dragon na naman iyon.

"O, heto ang baon mo." Inabot n'ya sa akin ang 50 pesos na pera. Alam kong hindi ito kakasya sa buong araw kong pasok sa hayskul pero magtatiyagaan ko ito. Kaagad naman akong nagpahalik sa aking pisngi at gumayak na. "Pagbutihin mo ang pag-aaral, 'nak. Ikaw na lang ang tanging pag-asa namin."

Isang mahinang opo na lang ang aking sinagot.

Sayang sina ate at kuya. Makakapagtapos na sana sila sa kolehiyo kung hindi sila nalulong sa bisyo katulad ng offline games at naimpluwensyahan ng mga barkada. Isang taon na lang sana't makakapagtapos na sila pero hindi nangyari. Napigilan pa talaga.

Sa buong araw ng klase ay wala akong magawa kundi makinig sa mga titser, sumali sa mga aktibidad at lalong-lalo na sa lahat ang magmukmok sa dulo kapag wala naman akong nakakausap. Ang hirap naman maging introvert. Deym! Kasalanan ko ba kung nagbabalat-kayo lang sila? Mga plastic ang mga kaklase ko. Kung makapanghusga sa akin ay wagas. Kinakausap lang naman nila ako kapag may kailangan sila sa akin. They can go to hell!

"Oy, Vienna, kumusta na 'yung ka-chat mong taga-Paris?" Tanong ng chismosa kong kaklase na si Yvonne habang nagliligpit na ako ng gamit.

"Hayun, okay lang naman. Sweet." Walang-gana kong sagot.

"Talaga? Aba, ateng, naka-jackpot ka na! Akalain mo 'yun may pumatol pa sa'yo?" Komento ng isa ko pang kaklase.

Masakit. Deym. Akala mo talaga maganda ka? Mas maganda pa ang paa ko sa'yo! Tinawanan ko na lang ang komento niya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na may ka-chat akong foreigner dahil sa isang tao ko lang 'yun sinabi.

"Ang gorgeous ko kasi e!" Pagbibiro ko.

"Assumera ka talaga, 'te! Napaghahalataang feeler, a?"

"'Be, kahit anong sabihin o gawin mo, pangit at mukhang zombie ka pa rin. Walang pinagbago."

"Seryoso? Ang kapal naman ng mukha mo." Mapang-uyam nilang sagot. Bobo pala kayo e. Hindi n'yo alam 'yung biro? Gusto kong isagot sa kanila pero nagtitimpi lang ako sa pam-b-bully.

Hindi ko na sinagot at hinayaan lang sila. "Sige, guys, alis na ako. Adios!" Mabilis akong naglakad palabas ng klasrum at dumiretso pauwi. Wala akong barkadang tunay para makipagkulitan kaya uuwi na lang ako.

Pagkarating ko sa bahay ay katahimikan ang bumungad sa akin. Walang kumusta ang araw mo, anak? O Mano ka na sa papa mo. Bakit pa kasi sa lahat-lahat ako pa ang nagkaroon ng broken family? Sobrang blessed naman 'yung buo ang pamilya pero hindi na-a-appreciate nang iba iyon. Palit kaya kami ng puwesto, 'no?

Pumanhik na ako sa kwarto at naghanda para matulog. Hindi ako kumakain kapag gabi dahil hindi naman ako lumalabas ng kwarto. Taong-kwarto ako. At wala naman silang pakialam.

"Anak, lilipat na tayo sa Maynila. Doon ka na mag-t-third year high school kaya ihanda mo na ang mga gamit mo." Mariing saad ni mama habang naghihimay ng malunggay para ihalo sa uulamin namin.

"Paano naman si papa, 'ma?" Nalulungkot kong tanong. Kahit hiwalay na sila ay mahal ko pa rin ang mga magulang ko. Kahit maldita ako ay may puso pa rin ako para sa mga mahal ko sa buhay.

"Ano'ng gusto mo? Dito sa probinsya o sa Maynila?"

Kung pipiliin kong manatili sa probinsya ay mahihiwalay ako sa papa ko pati na rin sa mga kaibigan ko. Fish-tea! Wala pala akong kaibigan. Kung sa Maynila naman ay new place, new friend, new life lang ang aking motto. Siguro roon ko sisimulan ang mga pangarap na nawala na. New start, 'ika nga ng iba.

"Sasama na ako sa Maynila." Buong-loob ko na sagot.

Lumipas ang dalawang buwan ay naka-survive ako sa impyerno kong paaralan at ngayon na ang flight namin papuntang Maynila. Sa wakas! I'm free! Adios, mi engaño amigas y amigos!

"O, anak, magpakabait ka roon. 'Wag maging pasaway at ayoko ng away." Saad ni mama habang inaayos ang gamit namin sa compartment.

Tumango na lang ako at ibinaling ang tingin sa bintana ng eroplano. Ang gandang tingnan ng Pilipinas kapag gabi. Parang mga alitaptap ang mga liwanag na nanggaling sa mga kabahayanan. Mayapa. Hindi alintana ang hirap na pinagdaanan ng bansang ito. Kagaya rin ng Pilipinas, hindi ko ipapahalata ang hirap na pinagdaanan ko sa bago kong buhay ngayon.


"Anak, excited ka na ba sa pasukan?" Tanong ni mama sa akin habang tinatalian ang buhok ko.

"Opo, 'ma. Sobrang excited." Mapang-uyam kong sagot. Hindi mo kasi alam, 'ma ang pinagdaanan ko noon at ayaw ko ring sabihin sa'yo dahil ayokong mag-alala ka.

"Kaya mo iyan, anak. Siyempre, maganda ang baby girl ko." Nakangiting sabi ni mama. Kaya mo nasabi iyan, 'ma dahil anak mo ako.

"Sige, 'ma alis na po ako." Pamamaalam ko kaya mabilis akong hinalikan ni mama sa pisngi at inihatid sa labas ng inuupahan naming bahay.

"Kaya mo iyan, 'nak. Kasama mo ang Diyos."

Talaga? Kasama ko Siya? Iparamdam nga niya.







Unang kabanata pa lang ito. Muchas gracias sa pagbabasa.

Iba't Ibang Kahulugan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon