Mi Testimonias con Dios (4)

43 1 0
                                    

Napakahirap noong pagkatapos ng encounter ko. Napakaraming pagsubok pero hindi ako iniwan ng Diós. Lagi kong dasal sa Kaniya. "Lord, kung madadapa man ako at bumitaw sa hawak mo. Por favor, tulungan niyo po akong makatayo muli at nakiki-usap po akong huwag niyong bitawan ang kamay ko." Diós mio, Marimar! Daig ko pa ang problemang kinahaharap ng pangulo ng bansa. Marami akong nalaman at patuloy akong hinuhubog ng Diós mula sa mga pagsubok na naranasan ko. Dumaan ako sa isang proseso hanggang sa naging cell leader na ako katulad ni Ate Wena. Every person is born to be a leader.

Hindi ako marunong sumayaw dahil parehas na kaliwa yung paa ko kapag sumasayaw. Nakakagulat pero napunta ako sa Dance Ministry at sumasayaw ako para sa Diós. May ibang tao man ang nakikita kapag sumasayaw ako pero naka-focus ako sa Diós dahil Siya ang dahilan kung bakit ako sumasayaw.

"Vien, next week na ang bayaran para sa G12 National Conference na gaganapin next month. May naipon ka na ba, girl?" Tanong sa akin ni Ate Wena pagkatapos ng cell group namin.

"Opo, ate. Excited na nga po ako na makapunta ulit doon. Ma-b-bless na naman po ako sa preachings nina Pastor at Pastora." nakangiti kong sagot. Nabuo na ang tiwala ko sa kanila kaya confident ako ibahagi ang mga problema kong ikinukwento sa kanila.

"Sige, ibigay niyo na lang sa akin ang pambayad niyo kasi ibibigay ko iyon kay Ate Marra." Tumango na lang kaming lahat. Marami na kami sa cell group. Apat na kaming cell leader, ako, si Karren, Clarissa at Yelaida. May nadagdag ding bago.

"Excited na ako, girls!" masayang sabi ni Ate.

Ako rin po, ate. Ako rin.

Lumipas ang isang buwan ay nakapunta na kami sa conference. Hindi ko gaanong maintindihan si Pastor dahil na rin sa idioma ng taga-Colombia. Mabuti na lang at may interpreter ito. Nakakaintindi naman ako dahil nag-aaral ako ng wikang Español at Italiano pero para na rin sa iba na hindi nakakaintindi rito.

"Ano kaya ang pakiramdam ng nagsasalita sa harap ng maraming tao? Gusto ko rin ng ganoon. Gusto kong mag-preach at maging pastora." Nakangiti kong saad.

Araw-araw at gabi-gabi ay pinagdarasal ko ito. Ang makasama sina Pastor na magsasalita tuwing conference at makasamang sumasayaw para sa Diós si Pastora. Napaka-imposible nito pero wala namang masamang mangarap.

Kasabay nang paglipas ng mga buwan ay ang pag-aaral ko sa Kolehiyo sa Maynila. Napakamaraming pagsubok ang naranasan ko. Gusto ko nang bumitaw pero laging pinapaalala ng Diós ang Vision na pinakita Niya sa akin. Mula Caloocan na kung saan naroroon ang church namin ay lumipat kami rito sa Valenzuela para malapit sa PNU na pinag-aaralan ko. Dalawang oras ang biyahe ko para lang makapag-church, um-attend ng cell group at mag-lead ng cell group. Nakakapagod, Lord. Bakit mo ako pinalayo? Hindi na ako nakaka-attend sa mga gatherings o meetings ng church. Limitado na lang kapag pumupunta ako roon. Nawala pa ang mga cell members ko. Iyan ang lagi kong daing sa Kaniya. Lagi akong OP sa church kapag activities na ang pinag-uusapan.

Pinaintindi naman sa akin ng Diós sa tulong ng cell leader ko na si Ate Wena, "Kahit malayo ka man sa church, Vien dapat mas malapit ka kay God. Panghawakan mo ang Vision na ibinigay sa'yo, girl."

Tanggap kong malayo na ako sa church at bumabiyahe para lang makapunta roon. Ang hindi ko lang matanggap ay ang mawala ang lahat ng miyembro ko sa cell group. Sa pangyayaring iyon ay nanghina ako. Sino at para saan pa ba ang pinupunta ko sa Caloocan? Oo, si God pero may kulang pa rin.

Iba't Ibang Kahulugan ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon